Badtrip naman tong traffic na to oh. First day ko pa naman sa trababo. Ano na lang sasabihin ko sa boss ko? Jusko nakakahiya. Matext ko nga muna si French
To: Bff
Frenchiee, nastuck ako sa traffic so baka malate ako :((
From: Bff
Okie lang yan. Hinanap ka na pala sabi ko baka natraffic ka hindi naman nagalit
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni French. Buti na lang talaga hindi masyadong masungit yung may ari. Baka babae kaya ganun? Pero sabi kasi ni French gwapo daw eh kaso may asawa't anak na. Sayang naman. Charing umaariba na naman yang kaharutan mo Julie Anne ah. Magtigil ka akala ko ba loyal ka sa kababata mo? Kababata mong ilang taon na nakakalipas pero wala ka paring balita sa kanya. Hays.
After 10000 years nakarating na din ako sa building. Pumunta muna akong restroom para tignan itsura ko. Mamaya haharap ako sa boss ko ang haggard kong tignan. Mygad that's a no no. I need to be beautiful infront of him duh, charot lang. Hehehe di ko pinangarap maging kabet pero kung pipilitin why not? Joke! Hahaha mag retouch ka na nga self, masyado ng mataas pangarap mo ah.
Nagtext ako kay French na nandito na ako at wala pang 5 mins ay sinundo na niya ako sa lobby.
"Buti naman nakarating ka na" bungad niya sa akin ng makita niya ako.
"Jusko French kung alam mo lang kung gaano ka traffic, halos gusto ko na nga sabihan yung jeep na paliparin niya na yung jeep niya eh para lang makarating na ako dito" tumawa naman siya sa sinabi ko. Parang baliw charot.
"Alam mo ikaw ewan ko sayo para kang sira haha tara na nga. Baka mamaya magalit na sayo yung boss sabihin pa kabago bago mo late ka" bigla akong kinabahan. Ano ba yan.
"Masungit ba yun? Strict? Kinabahan ako bigla. Hindi naman nangangain yun kapag galit diba? Pero kung hottie mapag uusapan naman yan" agad naman akong binatukan. Tamo to, nang babatok na lang bigla.
"Baliw! May asawa't anak na yun tigilan mo yang kaharutan mo Julie ewan sayo haha" inirapan ko na lang siya at napailing na lang siya sa ginawa ko sabay tawa.
"Nandun yung office ni Mr. Magalona. Katok ka na lang" sabi ni French sa akin. Tumango na lang ako tsaka umalis na rin siya
Okay. Kaya ko to. Hingang malalim self, kaya mo yan. Payting!
Kumatok na ako bagong pumasok.
"Come in" rinig kong sabi kaya binuksan ko na ang pinto.
Hi po sir. Ako po yung bagong secretary niyo. Ako po yung nireferr ni Frecheska po." sabi ko sa kanya pagkapasok ko sa loob ng opisina niya
"Ah ganun ba? Have a sit muna" sagot naman niya. Jusko ang manly ng boses.
"Okay po sir" sagot ko
"Nagkita na ba tayo before?" nagulat ako sa tanong niya. Ha? Ano daw? Nagkita na daw ba kami dati? Hindi kaya destiny kami nito? Ano ba yan Lord.
"P-po? Nako sir hindi pa po. Ngayon ko lang din po kayo nakita eh. Baka iba po yung sinasabi niyo" kinakabahan kong sagot. Eh kasi naman ngayon lang kami nagkita.
"What's your name again?" si sir talaga nagtanong pa ng pangalan. Hindi niya ba nabasa resumé ko? Paraparaan din tong si Mr. Magalona eh charot
"Lieanne po" tumango lang siya
"Oh okay. Tawagin na lang kita kapag may ipapagawa na ako sayo" bait naman nitong boses ko, first day na first day walang masyadong pinagawa. Hays i love you na agad ser hihi
"Sige po" sabi ko bago lumabas ng opisina.
Pagkalabas ko ng opisina may nakasalubong akong bata.
"Hello" sabi ko sa kanya
Napatingin naman siya sa akin. "Hello po. Do you know po kung saan office ni daddy?" sabi naman niya sa akin
"Sinong daddy mo?" tamong ko sa kanya, may narinig akong babae mukhang siya yung tinatawag
"Juliette, anak i told you diba to wait for mommy?" sabi nung babae
"I'm sorry mommy, i want to see daddy na po eh" sagot naman sa kanya nung bata.
"Sorry ah. Nilagay ko lang yung susi sa bag ko pagtingin ko nawala na sa paningin ko yung anak ko" sabi sa akin nung babae.
Ngumiti ako sa kanya. "Wala po yun." sagot ko. Agad naman lumapit si French sa amin.
"Mrs. Magalona, nasa office niya po si Mr. Magalona" sabi ni French. Ah so siya yung asawa ni Mr. Magalona. Infairness maganda siya and ang ganda din ng anak nila. Magandang lahi.
"Okay thank you. We need to go" sabi sa amin ni Mrs. Magalona.
"Ba-bye" sabi naman nung anak nila. Ang cute.
"Hays sayang" napatingin naman si French sa akin.
"Anong sayang?" tanong niya
"Sayang kasi may asawa't anak na si Mr. Magalona. Landiin ko sana" binatukan na naman ako ni French sa sinabi ko.
"Bunganga mo gaga ka, mamaya may makarinig sayo maissue ka pa dyan" natawa na lang ako sa sinabi niya.
"Hahaha charot lang. Grabe makabatok ah. Balak mo ba tanggalin ulo ko ha?!" irap ko sa kanya.
"Isa pa talagang matatanggalan ka ng ulo" asar niya pabalik.
"Charot lang naman kasi eh alam mo naman diba" sabi ko.
"Oo na jusko, ilang taon na pero umaasa ka parin sa pangako ng kababata mo. Eh asan na ngayon? Wala ka nga balita sa kanya eh. Humanap ka na ng iba. Hindi ka na babalikan nun. Ilang taon pa lang kayo nun pero masyado kang asado sa sinabi niya. Ano bang malay niyo sa mga love love na eh ang babata niyo pa noon. Tsaka nandyan naman si Kim. Ilang buwan na nangliligaw sayo yun pero hindi mo parin sinasagot." ito na naman haynako.
"Eh alam mo naman na di ko bet yun. Cute siya pero hindi ko siya bet okay? Tsaka diba nga may usap usapan na amoy putok daw yun?" tawa naman si French sa sinabi ko.
"Alam mo ikaw ang judgmental mo rin no? Haha ewan ko sayo. Dyan ka na nga" sabi niya bago umalis para bumalik sa ginagawa niya.
Sumilip ako sa office ni Mr. Magalona, narinig ko na nagtatawanan sila. Hays ang perfect ng pamilya nila. Ang swerte niya may asawa siyang maganda tapos bonus pa na ang ganda ng anak nila. Grabe yung lahi. Mapapa sana all na lang talaga ako.
——
A/N: bear with the typos, grammatical errors if ever. Tinatamad na kong iedit. Haha enjoy reading! ♥️
BINABASA MO ANG
What if I Fall Inlove
FanfictionBata pa lang sila when they made a promise, when he made a promise, na sa paglake nila magpapakasal sila, na sila ang magkakatuluyan habang buhay. Ngunit paano kung biglang maghiwalay ang kanilang mga landas? Paano kung lumipas na ang maraming taon...