"Hon, wake up. You're gonna be late sa work." i slowly opened my eyes when i heard my wife's voice.
When I opened my eyes, I see my wife. "Goodmorning babe." I greeted her and planted a kiss on her lips.
"Goodmorning handsome, get up na. First day of work late ka na agad." she said.
"5 mins. Let's cuddle muna. Tsaka ako naman yung CEO so okay lang yan." hinatak ko siya pahiga sa dibdib ko para mayakap ko siya.
She laughed sa sinabi ko. "Sira ka talaga Moe, dali na. Bangon na and besides you made a promise kay Juliette na ikaw ang maghahatid sa kanya sa school diba?" bigla naman akong napabangon sa sinabi niya. Oo nga pala.
"Oo nga pala. I almost forgot." tumawa lang siya. I can listen to her laugh all day. Hindi ako magsasawang marinig yun.
"See haha. Magready ka na ha? Ayusin ko lang yung breakfast" I just nodded tsaka siya lumabas ng kwarto.
Ryanne. She's my everything. I couldn't ask for more kasi para sa akin siya na ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda and Juliette, our daughter. They are my everything. My world. Hindi ko totoong anak si Juliette, anak siya ni Ryanne sa iba. Pero simula nung minahal ko si Ryanne minahal ko na rin yung anak niya. I was there simula nung pinag bubuntis niya pa lang si Juju. Ako na rin nagbigay ng pangalan sa kanya.
Bigla kong naalala yung kababata ko. Kamusta na kaya siya? Siguro may asawa't anak na rin siya. Simula nung umalis kami nawalan na ko ng balita sa kamya, hindi ko na alam kung anong ganap sa buhay niya.
Pag baba ko agad akong sinalubong ni juliette. "Goodmorning daddyy, are you going to make hatid me sa school?" tanong niya
"Yes my love" agad ko naman siya kinarga at tinadtad ng halik.
"Hahaha daddy stop" tawa niya habang pinang gigilan ko parin siya
"Hey you two, enough of that sweetness. Malalate na kayo pareho" sabi ng asawa ko
"Fine" sabay naming sabi ni juju. Umupo na ako sa tabi ni Ryanne atsaka kumain
"Baby, behave sa school okay?" sabi ni Ryann kay Juliette.
"Yes mommy and also big girl na ako right daddy?" since she turned 5 last week ayaw na niyang binababy siya. Hays my juju is growing too fast.
"Yup but you will always Daddy's baby girl okay?" she just giggled and gave me kisses
"Okay that's enough with the sweetest you two. Be ready na" my wife said.
"Okay dokies!" sabay naming sabi ni juju
"Daddy are you going to pick me up later?" napatingin ako sa rear mirror para tignan siya na abala tumingin sa mga sasakyan na kasabau namin
"No baby, but mommy will and pupunta kayo sa work ni Daddy after school mo. Okay lang ba sayo?" sabi ko sa kanya.
"Really? Of course daddy! I really want to see where you are working" excited niyang sabi
"Then okay!" sakto naman na nandito na kami sa school niya. Agad akong bumaba para tanggalin ang seat belt niya at ihatid siya sa classroom niya
"Behave okay?" paalala ko sa anak ko
"Yes daddy. I will. I love you biig muuch" and she gave me a hug. I hugged her back and kissed her forehead
"I love you more my love. Go na pasok ka na sa room mo, your teacher is waiting for you" she just nodded and i just waited for her na makapasok tsaka umalis na rin papuntang trabaho.
Habang naka stop light, tinawagan ko si Ryanne para sabihin sa kanya na naihatid ko na si Juliette.
"Hey baby"
"Hi love"
"Naihatid ko na si juju and I'm on my way sa work"
"Okay hon, thanks. You take care ha? See you later. I love you Moe"
"I love you forever"
Saktong 12:50pm na ako nakarating sa trabaho. Buti na lang talaga ako yung ceo haha. Pagpasok ko sa building binati agad nila ako, binati ko din sila tsaka dumercho sa opisina ko. Tinanggal ko na yung coat ko bago umupo.
Pinatawag ko si Frencheska para magtanong kung nandyan na ba yung bagong secretary ko.
"Sir, pinapatawag niyo daw po ako?" sabi niya nang makapasok siya sa loob ng opisina ko.
"Ah yes, itatanong ko lang sana kung nandyan na ba yung bagong secretary ko?" tanong ko sa kanya.
"Wala pa po sir eh baka po na traffic. Sobrang traffic po kasi eh baka malapit na din po yun" sabagay. Monday kasi ngayon kaya traffic talaga.
"Ah ganun ba? Pag dumating papuntahin mo agad sa akin ha?" sabi ko sa kanya
"Sige po sir" sagot niya bago lumabas ng office ko.
Tinignan ko yung schedule ko ngayong araw. Mukhang wala naman masyadong gagawin at meeting ngayon. Buti naman.
Biglang nag ring yung phone ko at nakita ko ang pangalan ni Mom. Agad ko tong sinagot.
"Hi ma"
"Hi son, kamusta ang business dyan?"
"It's fine mom. Ganun parin naman. Magpapasundo ba kayo sa airport next week?"
"No need Moses, kay Rolly na lang kami magpapasundo. How's my granddaughter?"
"She's fine. Excited nga kanina pumasok eh. Big girl na daw siya kaya ayaw na magpabantay sa yaya"
"Aw that's cute haha, how about your wife?"
"She's also fine nasa bahay lang siya"
"Okay. See you next week son. Love you"
"See you mom. Love u"
Napatingin ako sa pinto ng may biglang kumatok.
"Come in" sabi ko
"Hi po sir. Ako po yung bagong secretary niyo. Ako po yung nireferr ni Frecheska po." sagot naman niya
"Ah ganun ba? Have a sit muna" sabi ko naman sa kanya
"Okay po sir" she looks familiar
"Nagkita na ba tayo before?" nakita ko na nagulat siya sa tinanong ko.
"P-po? Nako sir hindi pa po. Ngayon ko lang din po kayo nakita eh. Baka iba po yung sinasabi niyo" sabi niya
"What's your name again?" i asked her
"Lieanne po" ah hindi nga. baka namali lang ako.
"Oh okay. Tawagin na lang kita kapag may ipapagawa na ako sayo" sabi ko sa kanya.
"Sige po" tumayo na siya at lumabas na.
——
A/N: binasa ko ulit and napansin kong may mga typos. Tinamad na kong iedit kaya pasensya na ha, god bless 🤣 char! Enjoy reading! ♥️
BINABASA MO ANG
What if I Fall Inlove
FanfictionBata pa lang sila when they made a promise, when he made a promise, na sa paglake nila magpapakasal sila, na sila ang magkakatuluyan habang buhay. Ngunit paano kung biglang maghiwalay ang kanilang mga landas? Paano kung lumipas na ang maraming taon...