Matalik na mag-kakaibigan ang kanilang mga magulang kaya hindi na rin nakakapagtaka kung bakit close na close sila sa isa't isa.
"Juju, paglake natin papakasal tayo ah. Papakasalan kita" sabi ni Elmo sa nakakabata niyang si Julie.
"Talaga Moemoe?" sagot ni Julie sa kanya na akala mo naman ay alam na siya sa sinasabi ng batang lalaki.
"Oo Juju kasi diba ganun daw kapag nagmamahalan kailangan magpakasal. Kaya papakasal tayo ah kapag malalake na tayo. Papakasalan kita. Papakasal ka ba sakin Juju?" sabi ni Elmo na nakatingin lang sa kanya.
"Oo naman Moemoe papakasal ako sayo" nakangiting sagot ni Julie sa kanyang nakakabata.
nakangiting sabi ni Elmo sa kanya na tila naninigurado sa sagot ng batang babae. "Promise yan ah."
"Promise Moemoe" paninigurado ni Julie sa kanya.
—
"Moemoe aalis ka? Saan ka pupunta?Bakit madami kang dalang damit?" Iyak na sambit ni Julie"Sabi ni Mommy dun na daw kami titira sa america eh, dun na daw ako mag aaral" sagot ni Elmo habang papalapit sa umiiyak na batang babae
sagot sa kanya ni Julie habang patuloy parin sa pag iyak dahil sa pag alis ng kanyang nakakabata "P-pero bakit dun? Diba malayo yun? Edi hindi na tayo magkikita? Iiwan mo na ako? Paano na yung promise natin"
"Babalikan kita Juju, hintayin mo ko ah. Pag malake na tayo babalikan kita." hinawakan ni Elmo ang kamay ni Julie upang mapatigil ito sa pag iyak.
"P-promise yan?" tinignan niya sa mata ang batang lalaki upang makasigurado ito na totoo ang sinasabi niya na babalikan siya nito.
Niyakap ni Elmo ang umiiyak na si Julie upang mapakalma sa pag iyak "Promise"
"Hihintayin kita Moemoe" sagot ni Julie sa kanya habang sinuklian ang yakap ng nakakabata.
—Napailing na lang ako ng maalala ko na naman yung mga pangako namin nung bata pa kami. Ilang taon na ang lumipas at tuluyan na kong nawalan ng balita sa kanya. Hindi ko na alam kung ano na ganap sa buhay niya.
"Anak" napabalik ako sa wisyo ng tawagin ako ni Mama.
"Ma, kanina ka pa dyan?" tanong ko sa kanya na nakatayo sa pintuan
"Hindi naman. Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah." sabay tingin sa hawak kong litrato
"Wala ma, may naalala lang" tanging nasabi ko kay Mama
Lumapit siya sakin at tinabihan ako sabay kuha sa litratong kanina ko pa hawak. "Naaalala mo na naman yung kababata mo?"
"Kamusta na kaya siya, ma? Ano na kaya balita sa kanya? Simula ng umalis sila, wala na kong naging balita sa kanya eh. May girlfriend na kaya siya? Limot na kaya niya yung pangako namin sa isa't isa?" tanong ko kay Mama.
Bahagyang tawa si Mama sa tanong ko sa kanya at tinignan ako. "Anak ilang taon pa lang kayo nun. Malamang sa malamang di na niya tanda yun tsaka puppy love lang yun Julie. Marami na din ang pwedeng magbago sa paglipas ng panahon" napabugtong hininga na lang ako.
Tama si Mama, mga bata pa kami nun madami na ang pwedeng magbago. Baka nga di na niya ako kilala eh, baka limot na niya ako yung pinagsamahan namin nung mga bata pa kami.
"Sige na mag ayos ka na mahuhuli ka pa sa trabaho nyan" sabi ni Mama sakin sabay halik sa noo ko bago lumabas ng kwarto.
Muli akong napatingin sa litrato namin dalawa at tinititigan yun.
"Nasan ka na kaya? Ano na kaya balita sayo? Ilang taon na ang nakakalipas hanggang ngayon hawak hawak ko pa rin yung pangako natin sa isa't isa, yung pangako mo na papakasal tayo. Hanggang ngayon umaasa parin ako sa sinabi mo na babalikan mo ko. Nandito lang ako Moemoe, hihintayin kita." tinago ko na ulit yung litrato at nagsimula na mag ayos.
BINABASA MO ANG
What if I Fall Inlove
FanfictionBata pa lang sila when they made a promise, when he made a promise, na sa paglake nila magpapakasal sila, na sila ang magkakatuluyan habang buhay. Ngunit paano kung biglang maghiwalay ang kanilang mga landas? Paano kung lumipas na ang maraming taon...