Chapter 5

149 4 0
                                    

Hello! Kamusta ang pagbabasa niyo? Okay lang po ba?

Sorry sa mga maling type ko ah, lutang isip ko minsan e. Haha anyway thank you ;)

---------

Chloe's POV

Mag iisang linggo narin pala ang fake relationship namin ni Andrew at 4 days na rin ang nakakalipas simula nung nakilala ko yung family niya

Hindi ko rin alam kung saan niya nakuha ang number ko, dahil pagka uwi ko nun bigla siyang nagtext

Nakwento ko na rin lahat lahat kay Jen kung ano ang dahilan. Natawa nga e, hindi ko alam kung bakit

Nasa bahay ako ngayon, weekend e. Hindi naman ako gumagala pag weekend dahil mas gusto ko magpahinga lang

Ang boring naman, wala kasi si Jen may pupuntahan daw siya. Magl-laptop na lang muna ako

Nag online lang ako sa facebook, ang daming notif. May nag request din sakin, wait parang si....

Drew Montero            accept             not now

Pumunta muna ako sa wall niya para malaman ko kung siya talaga yun, bago ko in-accept, pumunta ako sa mga photos niya

"Shocks! Bakit ang pogi niya dito?!" Nagsasalita po talaga akong mag isa haha nagtingin pa ako ng iba niyang pictures

Pero may biglang tumawag, tiningnan ko si Drew pala, sinagot ko naman agad

"Hello?" sabi ko

"Magbihis ka, i'll pick you up, around 2 or 2:30" sabi niya

"Nakabihis naman ako ah, ano------" ay bastos, binabaan ako tss

Tumingin ako sa oras, 1:30 na rin pala. Nag asikaso na ako kasi kailangan maganda ako pag dating ni drew, psh ano ba tong sinasabi ko?!

May gustong na ba ako sa kanya? Crush ko ba siya? Pero hindi naman maiiwasan sa babae ang magkagusto sa fake boyfriend niya diba?

Naglagay din ako ng makeup light lang, may nagdoorbell na rin kaya minadali ko na

Pagbukas ko ng pinto si Drew agad ang nakita ko, bigla nanaman niya akong hinatak buti nasara ko na din yung gate

Sumakay agad kami sa kotse niya, weird naman neto

"Saan ba tayo pupunta?!" Nakaka asar naman kasi, ikaw kaya biglang hilahin ng kalabaw djk, hindi kaba maiinis

"Wag kang sumigaw, sa bahay tayo pupunta" bipolar neto ah napalaki naman ang mata ko dun kasi diba?!

"Wag ka nga mag-isip ng kung ano ano dyan, gusto lang ni mom na pumunta ka dun" hm, buti naman haha Chloe naman kasi yang nasa isip mo e

"Hm, Drew pwede ba ako mag-request? :) libre mo naman ako ng chocolate ice cream, please?" Favorite ko talaga yun e, naglilihi ako ngayon hahaha djk

"Tss, takaw."

"Sge na, in-add mo naman ako sa facebook e. *puppy eyes*"

"Madami sa bahay, wala pang bawas."

"Yes! Thank you thank you!!" Sa sobrang tuwa ko nayakap ko siya bigla kahit nagmamaneho siya

Namula naman ako bigla kaya bumitaw ako agad, hays nakakahiya ka chloe

"Ahm, sorry" sabi ko habang nakayuko padin, nakakahiya talaga

"It's okay :)" sabi niya saka ngumiti teka NGUMITI?! Kinilig din ata ganda ko e. Haha

Nakarating kami sa bahay nila, nakita ko naman agad si tita kaya binati ko rin siya feel na feel ko na ang pagiging girlfriend ni Drew hahaha

"Goodafternoon po tita, namiss ko po kayo" sabi ko saka kami nag beso

Nawala naman agad si Drew, kaya nagkwentuhan muna kami ng mom niya,

Kung ano ano lang, kinwento niya rin sakin nung bata pa si Drew, sobrang bait daw at sobrang kulit, friendly pa at palangiti

Nagtaka naman ako dahil malayo sa ugali ngayon ni Drew, mabait siya pero nakatago nga lang,

"Pero bakit ganun na po siya, hindi mo makikita sa kanya na mabait siya dahil minsan lang siya ngumiti?" Tanong ko

"Ah, yun ba? Nagsimula siyang maging ganun nung nagbreak sila ni Hannah, hindi na siya masyado ngumingiti, naging tahimik na rin" sabi niya

"Sino naman po si Hannah? At bakit po sila nagbreak?" Hindi ko talaga maiwasang magtanong

"Si Hannah yung since elementary crush niya then nung nag high school na ata sila, niligawan na siya ng anak ko, nagbreak sila dahil nakita ni Drew si Hannah na may kasamang ibang lalaki, ang sweet sweet pa daw. Nag away ata sila hanggang sa nakipag-break na si Hannah sa anak ko, magt-two years na din dapat sila kaso niloloko lang pala niya ang anak ko" nakikita ko sa mata ni tita na nalulungkot siya para kay Drew

"Alam kong sobrang nasaktan ang anak ko, dahil dun kaya nagbago siya, hindi na rin siya nagka girlfriend after nun, kaya nga sobrang tuwa namin nung pinakilala ka samin ni Drew, hindi nga lang halata haha pasensya ka na nun ah, natakot lang siguro kami dahil baka masaktan nanaman si CA"

"Okay lang po tita :) medyo natakot lang po ako kasi parang seryoso kayong mga tao" sabi ko naman

"Kaya ikaw, Chloe wag mong sasaktan ang anak ko ah, dahil alam ko mahal ka niya :)" nakoo tita kung alam mo lang ang totoo

"Opo tita, hindi ko naman po siya sasaktan baka nga po ako pa saktan niya haha" baka nga

Bigla naman nag ring ang telepono nila kaya napatayo si tita

"O'sige maiwan muna kita" tumango na lang ako

Naisip ko naman lahat ng nakwento sakin ni tita, baka nga yun ang dahilan. Grabe naman si Hannah, sinayang niya si Drew.

Eh kung ako na lang kaya Andrew? Sheez ano ba tong iniisip ko?! Hindi pwede to....

----------

Yun pala ang dahilan kung bakit ganun si Andrew haha alam niyo na. Pero parang may mali kay Chloe e hahaha ABANGAN!!

Thank you po sa lahat ng bumabasa sa story ko!! ;))) maraming thank you po!!

/jlln

Pretending, im his girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon