Chloe's POV
Pagising ko, nagasikaso na agad ako at pumasok, may gagawin pa daw kasi yung mga lalaban at ngayon na din malalaman kung sino ang magkakalaban sa bawat partido
Nauna na ata si Jen kasi siya yung tatakbong president sa partido namin, ako naman sa Vice President
Nakarating naman agad ako sa School, ang daming tao sa may quadrangle hindi ko alam kung anong meron
Dumiretso na ako sa meeting place namin,
"Tagal mo naman Chloe" sabi ni Kyle, ka-partido ko, Peace Officer
"Sorry na" sabi ko at umupo
May napadaan naman na dalawang babae sa may pwesto namin
"Grabe no? Niloloko lang ni Andrew yung Girlfriend niya, sino nga yun?"
"Si Chloe Ford yun, IV-A"
"Ah, oo grabe, hindi niya alam na nagloloko yung boyfriend niya"
"Oo nga, nakikipaglandian pa"
Lumapit ako sa kanila
"Excuse me, Ano nga ulit sabi niyo?" Tanong ko
"Ahm, ano, ah, ano kasi si, yung boyfriend mo lumalandi sa iba, nandun aila sa quadrangle oh, sila yung pinagkakaguluh-----mmm" tinakpan ng kasama niya yung bibig niya
"Ah, okay" nasabi ko na lang
"Ahm, ms. Chloe, sorry po, madaldal po talaga siya"
"It's okay, pabayaan niyo na lang siya" i said at tumalikod na
Hindi naman kasi nila alam ang totoo, im sure si hannah nanaman yung babaeng yun tss pano siya makakamove on kung ganun ginagawa niya?
"Guys*clap*" si Jen
Nakuha naman niya yung attention ng iba at nagsimula na siya sa pag announce para sa campaign next week
"Kung matalo man, tanggapin na lang natin, at kung manalo tayo, be a good leader to all students okay?" Sabi ni Jen sa lahat
"Okay. Any questions?"
"Akala ko ba ngayon natin malalaman kung sino yung mga makakalaban natin?" Sabi ni Sandra
"Mamaya pa daw, meeting lahat sa AVR. Sama sama na yun, kasama yung mga former officers"
Nagsitayuan naman sila, at kami na lang naiwan ni Jen dito.
"Best, galingan mo ah" sabi ni Jen sakin habang inaayos yung mga ginamit na papers para sa mga plataforma
"Oo naman, kailangan magkasama parin tayo"
"Oh si Dylan oh" sabay turo sa likod ko
Lumingon naman ako at nakita ko siyang nakangiti, napatakbo ako at napayakap sa kanya
"Namiss mo agad ako? Ang bilis naman" sabi niya at nag pout, so cute
"Di ka nagpakita kahapon, gutom tuloy ako tss"
Lumapit naman kami kay Jen para tulungan na din siya
"Sorry na, may ginawa lang ako kahapon. Babawi na lang ako" sabi ni Dylan
Tumango na lang ako, pagkatapos namin maayos yung mga papers tumambay muna kami dun, wala naman kasing gagawin sa room dahil madaming inaasikaso yung ibang teachers
Nag-earphone na lang ako at pumikit, sumasakit ulo ko siguro dahil na rin puyat ako minsan
Si Drew....
BINABASA MO ANG
Pretending, im his girlfriend
Teen Fictionbecause of that deal..... i fall into him