Sorry sa matagal kong pag update
Haha, sorry na po talaga
--------
Chloe's POV
Nasa school ako ngayon, same routine. Aral, recess, aral, lunch, aral tapos UWIAN yey!
At yung samin ni andrew? Wala na kami, matagal na, nung nalaman ko kung bakit siya ganun.....
Pero syempre jk lang hahahaha same routine din kami, landian kunyari sa school, hindi magpapansinan, away, bati, paulit ulit lang
Paniwalang paniwala nga yung mga school mates namin e. Sabi nila 'totoo pala yung the more you hate, the more you love' yung iba naman 'love at war' tapos madami pa
Umuwi na ako mag-isa, wala e. Si Jen nasa org nila, si andrew? Wag niyo na asahan yun
Nag Mcdo muna ako, bibili lang ako ng chocolate ice cream, naglilihi nanaman ako haha jk
May nakasabay naman akong babae na o-order na din,
"Cheeseburger without cheese please" sabi nung babae
Ano daw? Cheeseburger without cheese? Hahaha ganda pa naman niya
"Mam, wala po kaming cheeseburger without cheese, burger lang po" sabi nung babaeng nagti-take ng order
"Anong burger lang?! I said cheeseburger without cheese!" Sinigawan niya yung babae
"Eh, mam wala nga po kaming ganun, dun ka po pumunta sa burger ng mga tanga, dun ka makakabili ng cheeseburger without cheese mo!"
At nag walk-out si ateng order, pero lalong nang gulo yung babae, pinapatawag yung manager ng Mcdo, nagtatawanan na nga yung mga tao dun e.
Lumabas na ako, ang ingay kasi nung babaeng 'cheeseburger without cheese' daw lakas ng tama nun
Kasalukuyang nilalamon ko yung chocolate ice cream ko ng biglang may
Bumangga sakin, i mean nagkabanggaan pala kami
"I'm Sorry" sabi nung lalaki
"Babayaran ko na lang" sabi niya ulit habang inaabot sakin yung 100 peso niya
"Nah, its okay, ako rin ang may kasalanan" sabi ko
"You sure?" Tumango naman ako
"Okay, mauna na ako ha. Sorry again" sabi niya at umalis
Naglakad na ako pauwi, sayang yung ice cream ko grabe naman ;(
Padating ko sa bahay, may kotseng nakapark sa labas. Binuksan ko na yung gate
Padating ko sa sala, may nakita akong lalaki na natutulog
Si Andrew
"Kapal naman talaga ng mukha nito oh" sabi ko pero pabulong
Kanino kaya kumuha ng susi to, wala pa naman si Jen
Umakyat na ako at nagbihis, naalala ko nanaman si ice cream :(
Bumaba na ako, gigisingin ko na rin yung lalaking pogi haha pero payat
Palapit na ako sa kanya ng bigla siyamg nagsalita
"Hannah, please! Wag mong gawin to" tiningnan ko siya pero nakapikit parin naman, baka nananaginip lang
"Hannah please!" This time parang naiiyak na siya, ang bakla lang
"Ahm, Andrew? Huy! Gumising ka nga, ang kapal na nga ng muka mo e!" Sabi ko
Pero biglang gumalaw yung braso niya, napunta sa leeg ko at hinatak ako, bigla niya akong niyakap habang umiiyak
BINABASA MO ANG
Pretending, im his girlfriend
Teen Fictionbecause of that deal..... i fall into him