Hi guys! Chapter 8 na tayoo!!
Support lang us ha :)
Comment and Vote naman po kayo para malaman ko kung nagustuhan niyo :)))
-----------
Chloe's POV
Nagising ako, ang sakit ng ulo ko, ang sama pa ng pakiramdam ko. Wahh! Anong araw ba ngayon?
Friday, ngayon pala yung long test namin sa physics hindi na rin ako makakapasok dahil late na ako
Bigla namang may nagbukas ng pinto at bumungad ang muka ng poging nilalang este pangit pala tss
"Breakfast in bed" sabi ni Drew habang hawak ang tray na may pagkain
"Bakit hindi ka pumasok?" Tanong ko sa kanya
"Pag pumasok ako walang mag aasikaso sayo dito, pumasok si Jen e" aw, ang sweet naman ng asawa ko. ANO DAW?! asawa? Hahaha jk
Bumangon naman ako at nilapag niya sa binti ko yung tray na may gamot na din
"Kumain kana ba Drew?" Tanong ko sa kanya, napatingin naman siya sakin
"Himala, hindi ka ata masungit ngayon? Haha" sabi niya, natawa pa
"Ang haba naman ng sinabi mo, tinanong ko lang kung kumain kana, tss" sabi ko at sumubo ng lugaw
Napansin ko namang kinuha niya yung picture ko nung bata pa ako
"Bakit putol to?" Tanong niya habang tinitigan ang picture ko, masyado niyang pinag nanasaan
"Kasi hindi buo, tanga mo naman" sagot ko
"Sungit, tss. Ayos kasi! Bakit nga?" Sabi niya
"At dahil pinaghanda mo ako ng makakain ngayon, hindi ko masasagot yang tanong mo :)" saka ko sumubo ulit ng lugaw
"Familiar kasi sakin" napatingin naman ako sa kanya
"Tinanong ko ba?"
"Sungit talaga" kanina nagrereklamo na hindi ako masungit tapos ngayon reklamo ulit? Aba matinde! Sobrang tinde
Kinain ko na lang yung pagkain ko hanggang sa naubos ko na, ang sarap kasi may gayuma ata
"Ubos na?" Tanong niya at saka tumayo
"Hindi pa, puno pa nga e oh!" Pilosopong sabi ko sa kanya saka ko tinaob yung bowl na pinaglagyan ng lugaw
"Uminom kana ng gamot mo oh!" Sabi niya at iniabot sakin ang gamot at tubig
Ang caring naman ata nito ngayon? Pero kagabi ang lakas mang asar
Talking about last night, parang sa kanila yung restaurant na kinainan namin, kasi Montero's Restaurant nakalagay gusto ko sana itanong kaso masama na pakiramdam ko
So back to the reality
Ininom ko na yung gamot, binaba na niya yung pinagkainan ko at binuksan ko yung TV ko
"Hayy, grabe naman. Hindi na ako sanay na may Yaya pa ako hahaha" sabi ko na lang sa sarili ko para kasing katulong ko siya
Habang nililipat lipat ko yung chanel, naalala ko yung picture na tinanong sakin ni Drew
Sa totoo lang? Wala talaga akong alam sa sinabi niya, wala akong matandaan kung sino ang kasama ko dun at kung bakit half lang
Kinuha ko naman ang picture at pilit na iniisip kung sino ba talaga yung kasama ko dun pero wala talaga e, baka si Jen lang yun kasi magkababata naman kami e
Bigla nanamang bumukas ang pinto at siya nanaman ang niluwa nito
"Ligo lang ako ah" sabi niya salin habang naka silip sa pintuan
"Edi maligo ka! Nasa akin ba yung tubig na pangligo mo?" Sabi ko habang hindi tumitingin sa kanya
"Hm, sabay tayo :)" napatingin naman ako sa sinabi niya, manyak talaga
"Yukk! Eww! Kadiri ka Drew!! Umalis ka nga ang pangit mo!" Binato ko siya ng unan, sinara naman niya agad ang pinto
"Joke lang!! Hahahaha!" Sigaw niya mula sa labas
"Hayy! Nakoo, bwisit!!" Sabi ko na lang
Nasa isang oras din ata akong nanunuod pero hindi na bumalik si Andrew, naisipan ko namang bumaba para kumuha ng pagkain dahil nagugutom nanaman si tummy
Kahit medyo nahihilo ako, pinilit kong bumaba para mabusog ako, baka umalis na din si Drew e
Nasa may hagdan naman ako ng may narinig akong kalabog mula sa kusina, una natakot ako dahil baka magnanakaw yun pero nilakasan ko na lang ang loob ko
Dahan dahan akong pumunta sa may kusina, dala ko ang heels ko kasi syempre panangga sa mga masasama, yung mismong takong ang ipapalo ko haha
Sinilip ko ang kusina pero walang tao, di kaya? Multo yun? Wahh! Minumulto na ako!! wala naman akong kasalanan e wahh!!
Nilakasan ko pa ang loob ko hanggang sa makapasok ako sa mismong kusina nang biglang
"BULAGA!! hahahahaha" biglang may lumabas na maligno
"Wahhhh!!" Nagpanic naman ako at nabitawan ang heels na hawak ko saka ko siya sinapak
Natumba naman siya at saka ko lang narealize na si Andrew pala yung maligno kaya napalapit ako sa kanya
"Hala, sorry kala ko magnanakaw e, maligno pala haha" sabi ko sa kanya at saka itinayo na siya
"Sa gwapo kong to? Mukha akong maligno? Haha, magugulatin ka pala drea e hahaha!" Sabi niya
"Masaya ka na niyan? And wag mo nga akong tinatawag na Drea! FC ka e no? Tss" sabi ko at saka umakyat sa kwarto sumunod naman siya
"Ikaw nga tinatawag mo kong Drew e, tapos ako ayaw mong tawagin kitang Drea? Unfair!!" Pumasok din siya sa kwarto ko
"Teka bakit ka ba nandito? Labas nga!!" Sabi ko at tinulak tulak siya
"Wait lang, familiar talaga sakin to e haha hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita ang kalhati nito" saka lumapit sa may picture ko nanaman
"Hindi ka ba maka-move on dyan?! Monggi ka ba?!" This time naiinis na talaga ako sa kanya
"Okay! Chill ka lang!! Lagnatin ka nanaman dyan e, eto na oh, lalabas na :)" sabi niya at binuksan na ang pinto
"Iisipin ko talaga kung saan k----"
"Ano ba Drew hindi nakakatuwa!!" Sigaw ko sa kanya kaya sinara niya agad ang pinto
Sakit sa ulo naman tong monggi na to,
Matutulog na lang ulit ako, masama nanaman pakiramdam ko. Hanggang sa nakatulog na nga ako
"Iiwan mo talaga *sniff* ako?"
" Babalik naman ako e* huk * diba ? Basta promise mo na *sniff* hindi mo ako kakalimutan"
"I promise, ikaw din ah?"
"Pinky promise!"
"Sige na, aalis na kami, bestfriend forever?"
"Yeah! *sniff* bestfriend forever :)"
Tapos nagising ako
--------
Hanggang dito muna, sorry dahil sobrang iksi :( haha
Salamat sa pagbabasa :))
BINABASA MO ANG
Pretending, im his girlfriend
Teen Fictionbecause of that deal..... i fall into him