Chapter 7

206 5 1
                                    

Hi guys! Salamat sa pagbabasa :)

Super thankful na din kasi binabasa niyo ito :)))

--------

Andrew's POV

ang sakit ng ginawa sakin nung babaeng yun, itulak ba naman ako nauntog tuloy ako, pero ang cute niya pag nag susungit

Nag asikaso na ako at kinuha ang damit ko sa kotse, ready talaga ako haha

Pero pagbaba ko, wala na si Chloe, hinanap ko siya baka lumalamon lang, pero wala akong nakitang Chloe sa bahay nila, Iniwan niya ata ako

Umalis na agad ako at binilisan ang pagmamaneho, para naman maabutan ko pa siya

Saktong pag park ko ng kotse ko dito sa parking lot ng school, nakita ko siya na kakapasok lang sa gate at nakahawak sa may bandang noo niya

Binilisan ko naman ang paglalakad ko, nakita ko siyang gumigewang, parang nahihilo siya tapos bigla na lang siya natumba

Pero may sumalo sa kanya, lalaki din

"Pare, ako na magdadala sa kanya sa clinic" sabi ko

"Ah, oh sige. Nilalagnat ata siya e" sabi naman nung lalaki

"Sige, salamat ah" sabi ko sa kanya

"Ikaw ba yung boyfriend niya?" Tanong naman niya sakin tumango naman ako

"Ah, sige una na ako" sabi niya at umalis

Binuhat ko na si Chloe papunta sa clinic, hinawakan ko naman ang noo niya, nilalagnat nga siya

Pinahiga ko muna siya dun sa bed sabi kasi nung nurse

Hindi muna ako pumasok ng klase ko babantayan ko muna to

Tinitigan ko lang siya habang natutulog, ang ganda neto ah, tangos ng ilong, ang puti, pinkish yung labi niya,

Sino ba naman ang hindi magkakagusto dito? Ang ganda e. Matangkad pa at matalino, almost perfect na nga e ako na lang ang kulang hahaha

Kaya pala ang daming nagkakagusto dito e. Masungit nga lang

Hinahaplos ko ang buhok niya ng bigla siyang gumalaw kaya umayos naman ako ng upo

"Drew?" Tanong niya

"Oh?"

"Ikaw yung sumalo sakin kanina?" Hm, wala namang masama kung sabihin kong ako yun e haha

"Hindi mo nakita?" Tanong ko

"Magtatanong ba ako kung nakita ko?" Tingnan mo nagsungit nanaman

"Sungit naman neto, oo ako yun. Ang bigat mo nga buhatin papunta dito sa clinic e" sabi ko naman

"Sino ba kasi nagsabi na buhatin mo ko?!" Hay eto nanaman po siya pero ang cute niya

"Kesa naman hatakin kita, nilalagnat kana nga e" sabi ko

"Anong connect ng hatak sa lagnat? Edi dapat binabayaan mo na lang ako dun, oh kaya pinabuhat mo na lang ako sa iba!" Sabi niya, teka nagtatampo ba to? Hahaha ang cute e

Bigla naman pumasok yung nurse at iniabot ang gamot ni Chloe sakin

"Nagtatampo ka ba babe? Hihi, ang cute mo. Wag kana magtampo :)" sabi ko naman pero tinaasan niya lang ako ng kilay

Nahalata niya na rin siguro yung ibig kong sabihin

Inabot ko na sa kanya ang baso at gamot, ininum naman niya agad

Pretending, im his girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon