Chapter 13

145 7 1
                                    

Dylan's POV

"Sure ka? Hindi ka talaga sasabay?" Sabi ko

"Oo nga, susunduin naman ako ni Drew e, sige na uwi kana. Kaya ko na sarili ko" sabi no chloe habang tinutulak tulak ako

"Sure ka talaga? Sige ah, text mo ko pag naka-uwi kana" sabi ko at saka tumalikod kahit ayaw ko siyang iwan

Papaasahin ka nanaman ng Andrew na yun Chloe tss

Lumabas na ako ng gate, hindi ko kayang iwan tong babaeng to

Naisip ko naman na magtago muna sa may likod ng puno dun at umupo, medyo malayo to sa may gate ng school

Iintayin ko na lang hanggang sa makauwi na talaga siya para sigurado

Ang tagal ko pang naghintay hanggang sa nakita ko na si Chloe na lumabas ng gate,

Sabi ko na nga ba papa-asahin nanaman niya si Chloe, lalapit na sana ako sa kanya kaso may lumapit sakin, kaibigan ko

"Bakit nandito ka pa?" Tanong niya

Hindi ako sumagot, tumingin lang ako kay Chloe na hampas ng hampas sa braso niya, baka nilalamok na siya

"Ah, alam ko na. Iniintay mong makauwi yung babaeng yun no?" Sabi niya at tinuro si Chloe

"Pano mo naman nalaman Mike?"

"Halata e, yan ba si Chloe? Yung palagi mong iniisip? Hahaha"

Binatukan ko naman siya,

"Pare! Naglakad na siya oh"

Tumingin naman ako at napatayo, sinundan ko na siya ng lakad.

"Teka pare! Sabay na ako" sabi mi Mike

Pinabayaan ko na lang siya, iniisip ko ngayon si Chloe, ano nanaman kaya ang nararamdaman niya? Bwisit na Andrew -_-

Medyo malayo kami sa kanya kasi baka makita niya ako na sinusundan ko siya

Hanggang sa may lumabas na lalaki sa may isang iskinita at sinundan siya, napahinto naman ako pati si Mike

Susugurin ko na sana yung lalaki kaso pinigilan ako ni Mike dahil may lumabas ulit sa isang iskinita

Alam kong natatakot na si Chloe dahil sumisigaw na siya, may kumabas ulit na lalaki, tatlo na sila

Putek?! Ano bang gagawin nila kay Chloe? Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya tumakbo na ako palapit sa kanila, alam ko naman na sumunod din si Mike sakin

Sinapak ko yung isang lalaki na nasa harap kanina ni Chloe, natumba siya kaya pinuruhan ko na. Sinapak ko siya ng sinapak hanggang sa napagod na ako, si Mike naman napatumba niya yung dalawa

Nakita ko naman si Chloe na nakahiga, nilapitan ko siya. Nawalan pala ng malay, siguro sa takot yun

Bubuhatin ko na sana siya kaso biglang may tumusok sa may bandang balikat ko,

Pagtingin ko, nakatusok yung balisong na hawak ng lalaki at hinatak niya ulit ito, balak pa niya akong saksakin ulit kaso hinampas na siya ni Mike ng dospordos sa likuran

Naramdaman ko naman na may umaagos sa balikat ko, hindi ko ito pinansin.

Binuhat ko na lang si Chloe para mahatid siya sa kanila kahit na patuloy parin sa pag dugo yung sugat ko

"Sige na pare, ako na bahala. Salamat" sabi ko kay Mike

Tumango naman siya at umalis na, kumatok na ako sa bahay nila at pinagbuksan naman ako ni Jen

"Dylan! Anong nangyari?!" Sabi ni Jen pagkakita niya kay Chloe

Dumiretso ako sa kwarto ni Chloe at inihiga siya sa kama niya

"Dylan! Ano ba nangyari? Bakit wala siyang malay? Bakit dumudugo yang braso mo?"

"May emergency kit ba kayo?" Tanong ko

Binigay naman niya sakin at ginamot ko na ang balikat ko

"Pangatlo na Dylan, ano ba nagyari?" Tanong ulit ni Jen

"Kung hindi pinaasa ng Andrew na yun si Chloe na susunduin siya kanina hindi dapat mangyayari to, paasa siya" sabi ko habang nilalagyan ng betadine yung sugat ko

"Eh anong nangyari sa braso mo?"

"Natamaan lang kanina, yung mga lalaki kasi may masamang balak kay Chloe kaya ayun, nahimatay siya dahil siguro sa takot"

"Sige ah, uwi na ako" sabi ko sabay tayo

"Dylan, salamat ah. Kung wala ka hindi ko na alam nangyari dito sa babaeng to"

"Wag mo na lang sabihin sa kanya tong nangyari sakin ah"

"Sige, salamat" sabi ni Jen at isinara na ang gate

Nagsimula na akong maglakad pauwi hawak ang braso ko. Ang sakit pero okay na yun, naligtas ko naman si Chloe

Habang naglalakad ako, napatingin ako sa lalaking may kasamang babae at parang sobrang saya pa

Palabas sila sa isang store at nakahawak pa yung babae sa braso niya, bigla namang nandilim ang paningin ko sa paghalik niya sa babae

Sinugod ko siya at sinapak halata namang nagulat si hannah

Nilapitan ko si Andrew at hinawakan sa mga kwelyo niya

"Tarantado kang hayop ka!!! Ang lakas mong makipaglandian diyan hindi mo alam muntik ng mapahamak ng dahil sayo si Chloe?!!!"

Sinapak niya din ako

"Ano bang pinagsasabi mo?!!" Sinapak ko ulit siya

"Tangina ka pala e no?!! Pinaasa mo yung tao na susunduin mo nga tapos hindi ka sumipot?! Ang lakas ng topak mo!! Hayop! Wala kang kwentang boyfriend!!" Tumalikod na ako at pinunasan ang dugo sa labi ko

"Isa ka pa!! Napakalandi mo!" Baling ko kay hannah

Oo, kilala ko siya. Bwisit. Malandi yan e, si Andrew naman nagpapakatanga nanaman sa babaeng yan, tsaka bakit ba siya lumalandi? Eh girlfriend niya si Chloe? Pagmamay-ari niya ang babaeng

matagal ko ng mahal....

Matagal ko ng mahal si Chloe, tama. Long story, hindi ko alam kung bakit niya nakuha ang puso ko

Umalis ako ng walang narinig kay Andrew, natauhan siguro

Naglakad hanggang sa makarating na ako sa bahay,

Nakaramdam naman ako ng hilo, at medyo nanlalabo ang paningin ko

"Aling Teresa!" Tapos natumba ako

"Nako! Kuya! Anong nangyari?!"

Nawalan na ako ng malay....

------

Salamat po sa pag-read :))

/anengneng13

Pretending, im his girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon