[Beautiful #4]

23 0 0
                                    

[Hope]

 

Nakatitig ako sa napakagandang tanawin sa labas ng kwarto ko. Ulan. Masayang masaya ako pag nakakakita ako ng ulan.

Unfortunately, hindi ako pwedeng maulanan ngayon or maglaro sa ulan kasi wala akong kasama. Baka madulas ako, tapos matumba.

Baka mapasama ang bagsak ko.

Kaya ngiting ngiti na lang akong pinapanood ito. Hindi ko nadin pinapansin ang sakit na gumuguhit sa kalahati ng ulo ko. Normal lang yan at hindi pa yan masyadong masakit.

Para lang tinutusok ng milyon milyong karayom ang parteng iyon ng ulo ko. Ibinabaling ko na lang ito sa ulan at pagsusulat.

Pero ngayon, nagsesketch ako.

Minsan, parang pakiramdam ko, hindi ako ang gumagawa nito. Parang sinasalin lang sa kamay ko o may sariling utak yung kamay ko? Alam nyo yun? Yung parang nagalaw sya at hindi mo alam kung paano ka nakaguhit ng isang napakagandang larawan?

Natapos na ang pagda-drawing ko.

Napangiti uli ako at inilapag ito sa katabing table na nakasandal sa sliding door kung san pinapanood ko ang ulan.

Namimiss ko na sila. Ang mommy ko, ako, ang kapatid ko at ang daddy ko ang nasa picture. Naglalaro kami. Tawang tawa lang si Mommy habang si Daddy, buhat buhat kami ng kapatid ko.

Ito yung bata pa lang ako at unang nadiagnosed si mommy na may sakit na kapareho nung sakin. Wala pa akong sakit non.

And this was one of the most happiest days of my life.

Biglang may pumukpok na kung ano sa ulo ko. Ay, wala pala. It was just pain. The pain that I never want to feel anymore. Pero wala akong choice.

Napakagat ako sa labi at nahawakan ang ulo ko. Ang sakit. Sobra nang masakit. Yung hindi na ako makahinga.

Umupo ako ng ayos at sumandal. Ipinikit ko ang mga mata ko. Naiiyak na ako. Ang sakit.

Tuwing may naaalala akong mga gantong moments, sumasakit ang ulo ko. Nakalimutan ko na kasi halos lahat. Epekto yun nung tumor sa ulo ko.

Ang alam ko lang, may kapatid ako na lumayas mula nang mag-away sila ni Daddy dahil naging rebelde sya pagkamatay ni Mommy na namatay sa sakit na kagaya nung sakin.

And I am next.

Pero ayokong iwanang mag-isa si Daddy dito.

Gusto ko sana, makita muna yung kapatid ko bago ako mawala. Well, hindi naman talaga ako mawawala. Pwedeng hindi, pwedeng oo. Pero mahihirapan ako.

This is a process. Matagal at habang natagal, kumakalat ito sa katawan mo. Pwede mo namang hindi pakalatin. Pero ibig sabihin din non, bubugbugin sa gamot ang katawan mo at sasakit ang ulo mo hanggang sa araw na mamatay ka.

Kung pakakalatin daw, triple ng triple ang sakit na idudulot ng ulo mo hindi lang sa parteng iyon kundi sa buong katawan mo.

Ewan ko. Basta ang alam ko, ayaw ko na.

Para i-divert ang atensyon ko, kinuha ko naman ang notebook at ballpen saka gumawa ng poem.

Tungkol sa kapatid ko. Sana makita ko sya. Sana malaman nyang pinapahanap sya ni Dad at ako din hinahanap sya. Sana malaman nyang kahit masakit ang ulo ko tuwing may naaalala ako, inaalala ko padin sya.

Sana mabasa nya tong poem bilang sulat ko sa kanya.

Gusto kong magkita kami. Sana magkita kami. Kung bakit ba kasi kailangan nya pang magtago?

Makita ko lang sya, pwede na akong mamatay. Yun lang ang inaalala ko sa buhay. Wala nang iba.

Sa kalagitnaan ng pagsusulat ko, nahulog na lang sa mga kamay ko ang lahat ng hawak ko at nalipat na pareho sa ulo ko.

Napasigaw ako.

“AAAAAAAAAAAAAAAAAH!” Napapikit pa ako sa pagpukpok na nararamdaman ko sa ulo ko. Hinawakan ko pa ng napakahigpit ang aking ulo.

Para itong binibiyak.

Gusto ko itong iuntog sa katabi kong table pero sabi ng doktor, mas makakasama daw yun. Umiyak na lang ako pero hindi ko din natiis.

Tumayo ako at sinubukang magpunta sa intercom pero natutumba ako o napapatigil. Hindi na ako makahinga. Ang sakit talaga. Kung kanina, nakokontrol ko pa ang luha ko, ngayon hindi na.

Humahagulhol na ako habang nasigaw.

Pero nung malapit na ako sa intercom, saka naman ako natumba pero sinubukan kong sa braso ko ako matumba bago ako mawalan ng malay.

Fairly TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon