"Hope?" sabi ko sa babaeng nasa harapan ko na kamukhang kamukha ni Hope. Mula sa ilong nya hanggang sa kung paano kumurap ang mga mata ni Hope.
Pinanliitan ko sya ng mata. Sya naman, kinunutan ako ng noo.
"Uh....kuya, sorry po. Hindi ako si Hope."
Parang gumuho ang mundo ko non. Hindi sya si Hope. Wala na talaga si Hope. Huminga ako ng malalim at nagsorry sa babae.
Oo nga naman. Simple nga lang pala si Hope. Hindi din ito mareklamo. At isa pa, kung sya talaga to, dapat naglalaro na to sa ulan, hindi nagtatago.
"Sino yung hope? Girlfriend mo?" tanong nya kaya napatingin ako sa kanya.
Umiling ako. "Hindi naging kami." nag-iwas ako ulit ng tingin.
Umuulan padin at nakasilong padin kami dito sa gilid. Nagkaroon ng katahimikan pero naputol din dahil nagsalita sya ulit.
"Bakit hindi naging kayo?"
Nairita ako ng konti sa tanong nya. Idagdag mo pa ang nakakairitang pakiramdam na basang basa ka pero mainit yung suot mong jacket.
"It's none of your business." sabi ko.
"Ay. Ang taray. Dali na. Bakit hindi naging kayo? Ah, kasi siguro masungit ka masyado noh? Oh baka naman masikreto ka kasi masyado?"
Kung si hope yan, mananahimik na lang sya tapos makokonsensya naman ako.
"Pwede ba, tigilan mo na yan? Tss."
Nagpout lang sya sa ginawa kong pagtataray at nanahimik na. Kung si hope ang tinarayan mo, lelecturan ka nyan at iiwanan.
"Kilala ko si Hope. At oo, magkamukha talaga kami." dahil sa sinabi nyang yan, napatingin ako sa kanya na may gulat na mukha.
"Anong sabi mo?"
"Paulit-ulit? Bingi ka? Kakasabi ko lang diba? Kilala ko si Ate Hope. At oo, magkamukha talaga kami." sabi nya at inirapan ako sabay kinuha ang cellphone nya.
"Paano nangyari yun? Bakit hindi ka nya nabanggit sakin?"
"Kasi hindi nya naman ako kilala." nagkutingting sya sa cellphone nya. "Ay, walang signal. Ikaw, meron?"
Nairita ako ulit sa kanya kasi parang wala syang pakialam. Kung si Hope yan, hindi sya ganon ka-hirap kausap.
"Ang gulo mo. Paanong hindi ka kilala ni Hope pero sya kilala mo? Paano kasi nangyari yun?"
"May signal ka?" pag-iiba nya ng topic. Kinutingting nanaman nya ang cellphone nya. Siguro kung may sakit padin ako sa puso, inatake na ako ngayon.
"Pwede ba, sagutin mo muna yung tanong ko?" pagtataas ko ng boses sa kanya. Napatingin sya sakin at tinago ang cellphone nya.
Huminga sya ng malalim. "Magkapatid kami okay? Ako yung matagal na nyang nawawalang kapatid. Siguro naman naikwento na nya sayo yun?"
"May kapatid sya?"
Inirapan nya ako at sumandal dun sa sinisilungan namin. Nagkibit balikat sya at umiwas ng tingin. Sumandal din ako at nilagay sa bulsa ko ang mga kamay ko.
"Nakalimutan na talaga nila ako. Siguro kung hindi pa ako lumitaw sa burol nya, hindi pa maaalala ng tatay kong may iba pa syang anak."
Ah....kaya pala. Kaya pala ibang iba ang ugali nya kay Hope.
Tinitigan ko uli sya at napansin na ang pagkakaiba nila ng kapatid nya. Mas malambot at mas maamo ang mukha nya kumpara sa mukha ng kapatid nyang palaban ang itsura pero ugaling anghel.
I smirked at that thought.
"Hindi ka nila nakalimutan. Hinahanap ka ni Hope. Naaalala ka nya. Minsan, may poems sya na dedicated sa isang nawawalang tao. May isa ngang akala ko, para sa nanay nyo eh."
"Talaga?"
"Oo. Nakita ko yun pero hindi nya alam. Wag kang maingay ah, baka multuhin pa ako nun." sabi ko para mapagaan ang loob nya.
Well, mas gusto ko ngang multuhin nya ako. Gusto ko syang makita ulit. At pag minulto nya ako, hindi ko na sya hahayaang mawala pa.
Tinawanan nya ako.
Natahimik uli kami at hindi na nag-usap. Hanggang sa tumila na ang ulan at nagpaalam na ako kasi may usapan pa kami ni Mama. Gusto ko sana syang ihatid sa kanila pero hindi na daw. Hindi pa daw sya uuwi.
I know her. At may isang poem si Hope para sa kanya.
She is the rebellious kid.
BINABASA MO ANG
Fairly Tragic
Fiction généraleHow do you define tragedy? Is it really impossible to define it as beautiful? Bakit? How do you define a tragedy? Tragic right? But is it tragic if you learned something? If it gave your life a new meaning? If it gave you a second chance? And at the...