[Tragedy #5]

14 0 0
                                    

[Tucker]

“Tucker, you are late. San ka galing?” salubong sakin ni Mama nang makarating ako sa bahay.

Ngumiti ako, kunwari masaya. “Binisita ko si Hope, ma.”

Kunwari, moved on na ako. Ayoko nang ipaalam kay Mama na ilang buwan na ang nakalipas pero hindi padin ako nakakabangon. Masyado na syang naghirap para sakin at gusto ko nang tapusin yun.

“Pinalitan mo naman ba yung mga bulaklak? Bumisita ako don kahapon. At ang baho na ng mga bulaklak don.”

“Napaltan ko na ma.” Sabi ko at hinalikan sya sa noo. “Anyway, ano bang meron ma? Bakit may mga nakaparadang kotse sa labas?”

“Mga sasakyan ni Mr. Malvar.”

Daddy ni Hope.

 

“Dito sila mag-lalunch?”

“Oo kaya magbihis ka. There’s a lot of things to celebrate.”

“Like what, ma?”

Bakit pa magcecelebrate? Eh wala na si Hope. Hindi ba parang ang sama naman non? Kasi simula nang mawala si Hope, pakiramdam ko, wala na akong karapatang magsaya.

 

“Like yung paglitaw nung nawawalang anak nya. Anyway, magbihis ka. Ang pangit nyang suot mo.”

Ah........yung nakita ko kanina sa sementeryo?

“Lucille?” nakita ko si Mr. Malvar sa likod sa may pintuan na nakatayo. “Oh, Tucker, hijo. Nandito ka na pala. Anyway, my daughter will be here in a bit. May dinaanan lang.”

I wanted to smirk. Because she’s probably avoiding you, mister.

Ngumiti lang ako at nagnod. “Excuse me po.”

Then I left them at umakyat na sa taas para magpalit. Pero nung nakapagpalit na ako, parang may napansin ako sa suot ko.

Normal ko naman tong sinusuot ah?

Bakit parang may kakaiba?

Bakit parang ang pangit?

At ano naman kung pangit eh nasa sarili ko naman akong bahay? Yan ang mga katwiran ko. Pero may bumubulong sakin at hindi ko alam kung ano bang problema non.

Oo nga pala, daddy ni Hope ang makikita ko sa baba kaya kailangan maayos ako.

 

Kaya agad akong bumalik sa cabinet para maghanap ng isusuot at nang makakita na ng isang magandang tshirt, saka ako nag-ayos muli bago bumababa na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fairly TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon