[Tragedy #1]

12 0 0
                                    

Ang sabi nila, we can survive without the brain.

Basta may heart na may dugong dumadaloy at nagpapump, we can still survive.

The truth is, the heart is the real foundation of our body. The real foundation of us. The heart is our soul. It gives us some meaning.

Sa brain, ang love? Chemical reaction lang. Lahat may explanation. Nakakasawa. Walang magical depths of secret.

Mababaw.

Sa heart, ang love, wala mang definition but it gives us a deeper meaning. Hindi lang basta wala lang ang love.

Hindi lang basta nararamdaman yan o basta nanjan yan. Yung makakapagsakripisyo ka kahit lagi kang sinasaktan nung tao? Yung kaya mong ibigay lahat kahit wala syang binibigay sayo? Yung kahit mag-iba sya ng mukha, masasabi at mapaptunayan mong mahal mo padin sya? Yung kahit pagod na pagod ka na, pagsisilbihan mo padin sya? Yung kaya mong isuko ang pride mo?

Yung kaya mong ibigay ang puso mo para sa kanya? Hindi ito metaphor. As in literal na pagbibigay ng puso kasi kailangan nya.

She had 30% chance of living while I have 10% only. Pero mas pinili nyang ibigay na lang sakin para maging 70% ang chance of living ko at sya? Wala nang chance of living.

Nandito ako ngayon sa puntod nya.

Lagi akong nandito. Tinatanong ko sya almost everyday. Bakit mo pa ako binigyan ng pagkakataong mabuhay?

Mas maganda naman ang buhay mo.

At bakit pa? Eh iniwan mo nadin lang ako? What's the purpose of living kung wala ka na?

 She's slowly fading away in my memory. Yung memories na lang ang natitira at natatakot akong pati yun ay mawala.

Even her voice. Nalilimutan ko na ang tunog nito. Her face too is becoming blurry each day. Nawawala na talaga sya.

Losing her was so depressing to me.

Everybody was happy kasi finally, I could live my life the way I wanted to. At pwede na daw akong tumanda sa wakas.

Pero ako, ni hindi ako ngumingiti sa mga bumabati sakin kasi nakokonsensya ako at hindi ko magawang maenjoy ang buhay ko.

I try holding on so hard to every memory that we had. Kaya lahat ng pictures namin, pinadevelop ko na kasi hindi ko alam, baka makalimutan ko na sya at ayokong mangyari yun.

What did I ever do to deserve this?

May nagawa ba akong mali? Nakapatay ba ako? Am I too greedy to ask for my life that it cost me the life of the girl I love?

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Para bang bawal akong maging masaya. Parang nananadya na eh. Sumosobra na. Hindi na nakakatuwa.

Everything seems to be wrong in my life.

She was the one and I can't let her go just like that. Ayoko. Pero bakit ganon? 

Gusto kong magpakamatay na lang. Pero hindi ba parang unfair naman yun sa part nya? Hindi ba parang masasayang at mawawalan ng saysay lahat ng ginawa nya kung magpapakamatay lang ako?

Hindi ba parang lahat ng pinagsamahan namin, itatapon ko lang kung magpapakamatay ako? She sacrificed her life in exchange for my life tapos magpapakamatay lang ako?

Biglang humangin kaya napaiwas ako ng tingin sa puntod nya para pahirin ang kakatulo lang na luha.

Ayun nanaman sya. I felt her again.

It was a fair day. Maaraw pero hindi naman mainit dahil mahangin. Hindi din ito masakit sa balat. Tamang tama lang.

Kaya nagtaka ako nung umulan.

Instinct ko nang tumakbo sa pinakamalapit na silungan. Kaya lang, malayo padin ito kaya mejo nabasa padin ako.

May nakasabay akong babae. Basa din sya ng konti pero yung damit lang nya kasi may payong sya. Pero ang bag nya? Basang basa.

"Naku naman! Mahal to oh. Nabasa pa." rinig kong bulong nya.

Hindi ko alam kung bakit tinitingnan ko pa sya. Dahil ba sa hindi ako makapaniwala sa kaartehan nya? O dahil sobrang pamilyar ang mukha nya kahit nakatagilid sya at hindi pa tumitingin sakin.

At nung tumingin na sya, nakita ko sya. As in sya. At saka ko narealize kung sino sya.

"Hope?"

Fairly TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon