[PROLOUGE]

14 0 0
                                    

Nagmulat ako.

Nasan ako? Yan ang unang tanong ko sa sarili ko.

Tumayo ako at nakita ang kagandahan ng lugar. Puro berde lang ang nakikita ko. Para syang paraiso. Puno dito, puno don. At mayroong iba't ibang klase ng bulaklak. Mayroon ding falls na mejo maikli lang.

Sobrang ganda ng lugar. Yung tipong maiiyak ka pag nakita mo. Pero syempre, hindi ako iiyak. Masyadong bakla yun.

Akala ko, naligaw lang ako sa gubat. Pero may nakita akong kahoy na lamesa na may anim na upuang nakapaligid dito.

 Nasa picnic grove ba ako? Yung sa tagaytay na pangarap kong puntahan bata pa lang ako? Ganto ba ang itsura non? Mabuti naman at pinayagan ako ni mama.

Teka, imposible yun. Bago ko nga mapapayag si mama na maglakad ako, mauuna pa akong lumuhod bago igalaw ang mga paa ko eh. Ganon sya kastrikto kasi sabi nya, ganun nya ako kamahal.

 

O baka naman nasa langit na ako?

Teka, langit agad? Ang swerte ko naman ata at hindi man lang ako napapunta sa purgatoryo. Pero.....anong gagawin ko dito?

Magsiswimming? Nilalamig ako at masama ito sa puso ko.

Eh langit nga diba? Ibig sabihin, kaluluwa ako. Wala nang puso, wala nang utak, wala nang atay, wala na akong pakialam.

Naglakad-lakad ako at nakakita ng babaeng nakaupo sa upuang kahoy. Para syang log na natural pero may ganito ba talaga sa langit? Tsk. Eh langit nga diba?

Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong lumapit sa kanya. May kung anong pwersa na humihila sakin palapit sa kanya pero pinipigilan ko.

Napakamot ako sa ulo. Nahihiya ako. Nakatalikod sya sakin. Natatakot ako. Baka mamaya matakot ako sa itsura nya at mapasigaw ako.

Nung ihinakbang ko ang paa ko, napalingon sya sakin. Para bang naramdaman nyang may tao sa likod nyang nakatingin sa kanya. At nang lumingon sya?

Hindi ko alam ang sasabihin ko.....

Fairly TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon