[Beautiful #2]

8 1 0
                                        

FEBRUARY 3, 2013

“I'm sorry. Pero malala na yung kaso ni Tucker. He could live pero hanggang 2-5 months na lang. You have to find a donor as soon as possible.”

Natutulog ako. Kunwari. Of course, kapag gumising ako, magtatanong nanaman sila ng magtatanong. Kukulitin nanaman nila ako at nagsisikip lang ang dibdib ko tuwing naaasar ako.

At ayokong makita ang mga malungkot nilang mukha. Wala namang magagawa ang sympatya nila eh. Mamamatay at mamamatay din ako. 

“We will pay kahit ilang milyon o bilyon just for that transplant. Bakit ba walang magdonate ng puso nila o kung may magdodonate, wala ring silbi?”

Nakapagpatransplant na ako last year. It was successful. For a while. One moment, I was back to normal. The other one, I was back to my true normal state.

Yung ganito.

Ewan ko ba. Nagmalfunction na lang bigla yung puso ko after ilang months. Then I was back to lying in this crappy hospital bed.

“Mrs. Monteverde, calm down. I assure you. May magdodonate din ng matinong puso. Soon. I don't know when. Let's just pray for Tucker.”

Pray. Pray for me. May magdodonate? Ng puso? Let's JUST hope? CALM DOWN? Sinong baliw ang magdodonate pa ng maayos na puso?

Sinong tao yung nagsabing kumalma ang mama ko at may pag-asa pa.

Anong karapatan nyang magbigay ng ganong balita eh wala naman sya sa posisyon namin? Sino ba sya? Alam ba nya ang pinagdadaanan namin? Nasa kalagayan ba namin sya?

Doctors. One moment, they'll promise you everything-your life, your safety and that something impossible like reviving the dead will happen. Then the other, they will tell you they are sorry, let's just pray and keep calm.

Broken promises.

*tooototototototo*

Dahil sa mga iniisip ko, naiinis ako, nafufrustrate kaya bumilis ang heart rate ko. Isa pa yun. Kahit emotions, bawal kong maramdaman.

“Doc, ano pong nangyayari?!” natatarantang tanong ni mama.

"Tucker?" kalmadong tinapik ng doktor ang pisngi ko at nagmulat naman ako. "Do whatever I say. Inhale deeply.." ginawa ko naman ito. "And exhale fully." Ginawa ko din. "Good boy."

Tinurukan nila ako ng pampatulog. And in a moment, I felt that familiar cloud drifting me to sleep.

It's better this way. Yung lagi akong tulog. For real.

This way, stable ang puso ko.

And this way, nakakaalis ako sa totoong mundo at nakakapunta sa mundong ako lang ang nakakaalam. 

“He'll be alright. Rush of emotions lang yun. So he need not to stay awake all the time kasi nadedepress lang sya. He has to sleep or have some friends to keep his unhealthy heart stable.”

And then.....I fell asleep.

 Nagmulat ako.

Nasan ako? Yan ang unang tanong ko sa sarili ko. Tumayo ako at nakita ang kagandahan ng lugar. Puro berde lang ang nakikita ko. Para syang paraiso. Puno dito, puno don. At mayroong iba't ibang klase ng bulaklak. Mayroon ding falls na mejo maikli lang.

Akala ko,naligaw lang ako sa gubat. Pero may nakita akong kahoy na lamesa na may anim na upuang nakapaligid dito.

Nasa langit na ba ako?

Teka, langit agad? Ang swerte ko naman ata at hindi man lang ako napapunta sa purgatoryo. Pero.....anong gagawin ko dito?

Magsiswimming? Nilalamig ako at masama ito sa puso ko.

Eh langit nga diba? Ibig sabihin, kaluluwa ako. Wala nang puso, wala nang utak, wala nang atay, wala na akong pakialam.

Naglakad-lakad ako at nakakita ng babaeng nakaupo sa upuang kahoy. Para syang log na natural pero may ganito ba talaga sa langit? Tsk. Eh langit nga diba?

Napakamot ako sa ulo. Nahihiya ako. Nakatalikod sya sakin. Natatakot ako. Baka mamaya matakot ako sa itsura nya at mapasigaw ako.

Nung ihinakbang ko ang paa ko, napalingon sya sakin. Para bang naramdaman nyang may tao sa likod nyang nakatingin sa kanya. At nang lumingon sya?

Hindi ko alam ang sasabihin ko.....

 Before I can say anything in my dream, I woke up. Before I could even move, nagmulat na ako. And I have no idea why.

Then I smiled.

Fairly TragicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon