BEA's POV
After ng klase sa Literature dumeretso na ako ng uwi sa condo na tinutuluyan naming tatlo. Tama lang ang laki ng unit para sa amin. At lahat ng bintana natatakpan ng makakapal na kurtina. Buti nga at nung paglipat namin dito nakahanda at nakaayos na ang lahat. Wala na kaming gagawin kundi mamili ng kwarto. Syempre, kahit nasa iisang unit lang kami, we have our separate bed room pa din. And that speaks for our own privacy. Walang pakialamanan ng kwarto, kanya-kanya. You all know naman how we, Vampires, love to hide secrets, di ba?
Once again, I'll just introduce myself. It's me, Beanca but Bea for short. I won't tell you my age kasi di ko na rin alam. I lost track of the time. To tell you, ako ang pinakamatanda sa aming apat. Naging close kami ni Ella dahil both my parents are working for the royalties which includes Ella's parent and so was the monster's. Ella is the only person I trust the most other than my parents who were no where to be found.
So, tatlo lang kami dito sa unit. Me, Julia and the soon to be heir of the crown, Ella. No more, no less. Ella's 'so-called' parents bought this unit for the Four of us. Four, means it includes the last transferee who arrived last night, Kathryn. Ugh! I hate saying that monster's name!
Akala ko nga makakasama na namin siya dito, but thanks to her kasi di niya tinangkang tumira dito. Tsss... Nakakaramdam din pala ang halimaw na yun.
Sa totoo lang, hindi dapat talaga ako galit sa kanya. Actually, naaawa pa ako sa kanya dahil napakamalas niya pero pagkatapos nang ginawa niyang yun sa akin... isa na ako sa mga taong nagdidiwang sa mga nangyari at mangyayari pa sa kanya. I finally understand why Ella despises her so much. She doesn't even deserves sympathy. Halimaw siya and she deserves to suffer and feel the pain she brought to me, to us.
Pinigilan kong tumulo ang namumuong luha sa mata ko. Eto ang ayaw ko kapag naaalala ko ang nangyaring yun eh, di ko mapigilang maiyak. Tsk! Damn it!
Hindi ko alam kung bakit ako nasama dito para manmanan siya. Siya na kinaaasaran ko at ayaw na ayaw kong makita. Dahil sa kanya, kailangan pa naming makisalamuha sa mga tao and I hate that fact. It only reminds me of him, the reason why I stop sucking the blood of males.
KINABUKASAN
Pumunta ako sa kitchen to drink my afternoon breakfast. Naabutan ko dun si Ella na mukhang nabuburyong at si Julia na ang lalim ng iniisip.
"Ugh! I hate him! Bakit di pa rin siya nagtetext?! Tama naman yung nilagay kong number dun ha." si Ella. Kausap niya ata yung cellphone niya.
Siya lang ang may ganyan sa amin. Masyadong makamundo kasi ang mga gamit na ganyan at di rin naman namin kailangan. Para saan pa ba yan kung kaya naman namin magusap gamit ang isip di ba?
"Sino ba?" tanong ko.
"The one I'm talking about last night!" ahh. Ganyan talaga si Ella, may makita lang gwapo, wala na!
"Ok. Kalma lang. Another food or what?" Kadalasan kasi biktima niya yung mga ganung tipo eh. Ewan ko dyan bakit ang pili niyan sa pagkain.
BINABASA MO ANG
I Messed Up With A Monster
Фэнтези"Monsters are not real. Only kids would believe they do exist. " Sabi ko habang nakangisi. Lahat sila napatingin sa akin. Ako, I was just standing there, leaning in the wall with my headphone clinging on my neck. Tss. Bakit, totoo naman di ba? A Ka...