XIII. The Subject

2.4K 58 16
                                    

Pinapangunahan ko na kayo... madaming typo... at wrong grammars. At hindi ko alam kung may cave nga talaga sa lugar na yun... KATHANG ISIP LANG 'TO OK.

  =:=:=:=:=:=:=:=:=:=:=:=:=:=:=:=:=:=:=:=:=:=

She's a subject...


Subjected to be in pain...
And to be killed...





That's what running in his mind right now. He gritted his teeth while watching the two figures playing at the sea side.



Walang karapatan ang tulad ng babaeng yun na tumawa... ni ngumiti di nito pwedeng gawin. All she deserves are plain pain and death.


Kanina pa siya nakatingin sa kanila. Long enough to hear her pathetic self pity... He knows that she's oblivious of his presence... Her mind was too occupied with her childish wishes... Tsk. He find it too stupid.


A fake smile was form in his lips when a pair of eyes landed to his direction. Now she's looking at him... with her devious smile.


So ngayon lang nito nalaman na nandoon sya?


Masyado siyang nawiwili ata sa laruan niya...



Napatingin siya sa lalaking nasa harap ng halimaw na ngayon ay inalis na ang tingin sa kanya.



Nakakaawa.



There's no way this monster would go to a random guy and live with him. There's always a reason. And he got his interest on that....



Maybe, just maybe... That could help him kill her.




DANIEL's POV




Nagising akong nag-iisa sa loob ng cottage. Ok. Sabi na eh. Tatanghaliin ako ng gising.


Tumayo na ako at naghilamos. Ginawa ang iba pang rituals na kailangang gawin bago tuluyang lumabas ng cottage at hanapin ang mga ka-blockmates ko.



Paglabas ko, nakita ko agad sila na naglalaro ng thug of war. Isa na naman siguro sa Activity nito ni Prof.



Psh. Daming alam kasi eh.



Naglakad na ako papunta doon.



"Ang aga mo magising ah!" bati nitong si Jhake.


"Mga walanghiya kayo. Bakit di nyo ko ginising?!" bulyaw ko.


Di naman ako galit. Good mood pa nga ako ngayon eh. Trip ko lang talaga 'tong mga 'to.


"Eh si Enrique eh. Ayaw ka nang ipagising. Ang ganda kasi ng ngiti mo habang natutulog ka!" may nakakalokong ngiti si Khalil.



"Bakla ka talaga bro. Nakakahiya ka kagabi." sabi na naman ni Jhake at nagtatatawa sila.



Bwisit! Badtrip na 'ko!



"Ano ba kasi napapanaginipan mo kagabi?" nakakaasar na inakbayan ako nitong si Quen.


"Wala!" inalis ko kaagad ang pagkakaakbay niya sakin at hinarap silang tatlo. "Ako tigil tigilan nyo ko ha! Pag-ako napuno-"




"Humanda ka sakin Halimaw..." biglang singit ni Khalil na nagboboses na nang-aasar.



Kumunot naman ang noo ko. Anong pinagsasabi nito?



"Pag nahuli kita patay ka sakin..." segunda naman ni Jhake sabay ngiting malapad na nakakabanas, para sakin.



At humagalpak naman silang dalawa ng tawa. Litong tinignan ko si Enrique na nakikitawa din.



"Nagsasalita ka kasi kanina habang tulog ka." natatawa niyang sabi. "Kung tatanungin mo ako, nakakatawa kang panoorin."



Tapos nakisabay na ulit ng tawa ang mokong na 'to.




-.-


Nakakatanga lang. Putcha!



Ano na namang pinaggagagawa ko kanina?! Ayts! Kabanas!!!




"Wushu wushu... habulin mo 'ko DJ..." boses babaeng sabi ni Khalil atsaka nagarteng tumatakbo takbo.



Kabaklaan neto!



"Sandali lang babe. Humanda ka sakin pag nahabol kita Halimaw ka..." ginaya naman siya ni Jhake tapos hinabol nga ang baklang si Khalil.



"HOY! ANONG BABE?! WALANG AKONG SINABING GANYAN HA!!!" bulyaw ko sa kanilang dalawa na dinedma naman nila.



Lintek!



Napasabunot na lang ako sa buhok ko sa bwisit. Nang-aasar na naman 'tong mga 'to!



"Ikaw naman kasi brad. Iwas-iwasan mong magsalita pagnananaginip ka. Lalo na kung may katabi ka." akbay ulit ni Enrique.



Salubong ang kilay ko na nilingon 'tong katabi ko.



"Nahahalata ka kasi eh." dagdag niya at tumingin ulit kila Khalil na hanggang ngayon naghahabulan pa rin at tawa ng tawa.



Ang sarap lunurin eh. Actually, pinapatay ko na sila sa utak ko. Kanina pa!




"Hoy. Padilla and the company! Umayos na nga kayo!" nakasimangot na sigaw ng president ng block namin.


Buti naman at tumigil na sila Khalil. Salamat Pres!

I Messed Up With A MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon