XIV. I Shouldn't Be Like This

1.7K 68 10
                                    

DANIEL'S POV

Mabilis akong naglakad sa direksyon nila. Kusang humahakbang ang mga paa ko papunta roon at nakakuyom ang kamao ko...








Si Halimaw... may kahalikan.

OOPPPPS! Kala niyo susugudin ko sila no?

Sus! Bakit naman? Hindi ko gagawin yun! Lalapitan ko lang sila at makikiusyoso! Matignan nga natin kung marunong humalik 'tong si halimaw.... hehe

LOL.

Yan man ang gusto kong mabasa nyo sa POV ko, hindi yan ang ginagawa ko. Totoo. Pasugod talaga ako sa kanilang dalawa ngayon!

Putcha! Matapos akong gawing pagkain at abusaduhin ng higit dalawang linggo maghahanap siya ng ibang hahalikan niya! Ano 'to lokohan?!

Hindi DJ. Hindi.

Napahinto agad ako sa paglakad bago makalapit sa kanila at makasapak... Saka lang naproseso ng maayos ng utak ko yung ipinuputok ng butchi ko...

So, ano pinaglalaban mo DJ?

Mananapak ka para saan? Dahil may kahalikang iba yang Halimaw na gusto mong mawala sa landas mo? Eh ano naman sayo? Pakialam mo naman kung halikan niya kung sino mang lalaki bukod sayo?

Hinahanapan ko nang sagot yang mga tanong na yan habang nakatingin sa kanila. Pero hindi ko maisip ang isasagot dahil di ko alam kung anong uunahin ko,,, Yung isipan ba ng sagot yang mga yan o patayin ng paulit ulit tong lalaking 'to kung sino man siya sa isip ko.

Masakit sila sa mata sa totoo lang.

Gusto kong tumalikod pero napako na yata ako dito sa kinatatayuan ko. 

Isa? Dalawa? Tatlo? Hindi ko alam kung gaano katagal silang naghahalikan. 

Pake mo naman DJ?!

I Messed Up With A MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon