II. Second Encounter

5.2K 116 10
                                    

DANIEL'S POV



"Oh, saan ka naman pupunta?"



Nahigit ko ang hininga ko nang saktong pagtalikod ko ay nakatayo na pala siya sa likod ko at nakangiti ng pailalim. Lumabas tuloy ang dalawang matulis na pangil niya. May bakas pa yun ng dugo.



Sa gulat ko, napaupo ako bigla sa lapag at napalunok ng di oras.



'Nak nang putchang kachismosohan 'to oh. Pahamak talaga!



"L-lumayo ka sa akin... Parang awa mo na, wag mo kong papatayin..." pagmamakaawa ko sa kanya.



Malay mo tumalab diba?



Wala siyang naging reaksyon sa pagmamakaawa ko at tinitigan lang niya ako.



Hala ka! 'Di kaya pinagiisipan na nito kung susunggaban niya ba ang leeg ko o gawing kilawin na lang ang katawan ko?



(O__O)



Nataranta ako bigla sa mga pinag-iisip ko. Tinatakot ko lang lalo ang sarili ko. Pero sino bang lolokohin ko?! Halimaw 'to, malamang yan lang pinag-iisip niyan ngayon!



"G-gawin ko lahat ng gusto mo, jusko, wag mo lang ako itulad dun sa lalaki kanina... Paalisin mo lang ako ng buhay." 



Ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon sa sobrang takot para sa sarili kong buhay na pinahamak nang pagiging chismoso ko.



Kahit kailan di man lang sumagi sa isipan kong mamamatay ako sa aswang at babalandra ang pagmumukha ko sa TV at dyaryo na may headline na "Gwapong lalaki, patay sa paglapa ng aswang!"



Sa mga sinabi kong 'yon kumunot ang noo niya.



"Anong tingin mo sakin, walang kabusugan?" tanong niya na ikinakunot naman ng noo ko.



"Patayin maari pa, pero ang kainin ka pa..." huminto siya at lumuhod sa harap ko para maging kapantay ko siya.



Inilapit niya ang mukha niya sa akin. "...sa ibang araw na lang. Ok ba 'yun?"

I Messed Up With A MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon