JULIA'S POV
Naglalakad ako pauwi nang makita ko sa di kalayuan si Kathryn. Nakatayo siya sa gitna nang daan at nakatingala sa ulap. Lalapitan ko na sana siya nang maunahan ako ng iba.
Naunahan ako ni Enrique.
Tumingin sa kanya si Kathryn nang maramdaman niya ang paglapit nito.
"Kathryn?"
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya pero nanatiling nakatingin lang sa kanya si Kathryn.
"Bakit hindi ka pumasok kanina?" Nagtanong siya ulit at hindi pinansin ang hindi nito pagsagot sa kanya.
Agad na nanikip ang dibdib ko sa nakikita ko. Bakit parang siya pa ang gumagawa ng paraan para mag-usap sila? Ganun ba niya kagustong kausapin si Kath?
Tumingala lang ulit si Kathryn pero bumaba rin ang tingin nito agad at nagulat ako ng tignan niya ako.
Bumuka ang bibig niya at nagsalita pero hindi ko marinig yun. Nanatiling nakatingin siya sa akin. Hindi ko marinig kung anong sinasabi niya ngayon kay Enrique.
Nakagat ko ang labi ko. Hinaharang niya ang pangrinig ko. Kinakausap niya si Enrique na malawak ang pagkakangiti sa kanya.
At nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon.
Maya-maya, liningon ako ni Enrique at nawala ang ngiti niya sa labi. Napalunok ako. Bakit ganito?
Umalis na si Kathryn at iniwang nakatayo si Enrique doon na nakating pa rin sa akin. Hindi ko namalayan ang paglapit niya sa akin.
"Tara." sabi niya at hindi na inantay pa ang pagsunod ko sa kanya.
"You're jealous." Mabilis akong na palingon sa sinabi niya.
Alam ko naman na halata na sa akin na nagseselos ako pero hindi ko naman akalain na sasabihin niya pa sa akin yun na parang pinamumukha niya pa sa akin.
"Hindi." tanggi ko pa kahit alam kong hindi rin naman niya paniniwalaan.
BINABASA MO ANG
I Messed Up With A Monster
Viễn tưởng"Monsters are not real. Only kids would believe they do exist. " Sabi ko habang nakangisi. Lahat sila napatingin sa akin. Ako, I was just standing there, leaning in the wall with my headphone clinging on my neck. Tss. Bakit, totoo naman di ba? A Ka...