Ten

108 2 0
                                    

"F*CK! THIS IS MY FAULT, IF I DIDN'T TRY TO MAKE YOU JEALOUS THIS WON'T HAPPENED TO YOU. I'LL MAKE SURE THAT GUY WILL ROT IN JAIL! THAT F*CKING B*STARD!"

Galit na galit niyang sigaw sa hallway habang pabalik-balik sa harapan ko, takot.... Takot ang nararamdaman ko ngayon, hindi ako makapaniwala na dito ko pala mararanasan yung ganun.

"I-i'm sorry, I'm really sorry K-krish. I hope you'll forgive me." Nanlulumo niyang saad habang nakaluhod sa harapan ko.

"I-it's not your f-fault Zevron" mahihimigan mo ng takot ang boses ko, ni hindi ko nga makilala dahil sa paos yata kakasigaw kanina.

Inalalayan niya akong makapasok sa room ko, ikinuha niya ako ng mga damit sa cabinet at pinagbihis na. Wala sa sarili akong nagbihis dahil sa takot at kaba na nanatili sa dibdib ko.

Lumabas na ako ng Cr at naabutan ko si Zevron na nakasalampak sa sofa at nakatungo, napabaling naman siya sa'kin at nginitian ako.

"Hmmm I know you're not fine, so I'll make you smile even just for a bit. Let's go to the roof top? 7 minutes na lang at mag 9 na at hindi ka pa kumakain, kaya Tara na." Dire-diretcho niyang sambit at iginaya na ako sa elevator ulit.

Hindi niya binitiwan yung kamay ko habang nasa elevator kami, pangpalubag loob siguro dahil sa nangyari. Tahimik kaming umakyat sa hagdan para tuluyan ng makapunta sa roof top.

Seryosong tumingin siya sa'kin at hinawakan ang magkabila Kong kamay na para bang alam ko na kung saan patungo.

"A-ahhmm... Actually I don't know what to say but, I'll let the song say it for me." Ngumiti siya at binuksan na ang pinto.

"Its how you used to say
I love and I miss you
Its how you pretend to love me then,
When you wondered of the things
We've done before now its too late to turn back anymore"

Bumungad sa'kin ang isang candlelight dinner with flower petals on the aisle, may musician naman sa bandang kanan. Ang ganda ng pagkaka organized ng mga designs.

"I used to say I love you
I used to say I miss you
Now its all gone
Are we fading away"

Naglakad kami sa aisle ngunit tumigil kami sa gitna, ngumiti siya at sinabayan yung kanta.

Are you coming back into my arms
To love me again, I love you and I miss you
I need you more today"

Matapos nung chorus ay hindi na nasundan pa ngunit may instrumental pa rin ng "I need you more today" na kanta. Nagulat ako ng lumuhod siya at may kinuha sa bulsa.

"This bracelet symbolizes our new beginning without ending, if you'll accept this it means you're giving me chance again to start over. I know that its too fast but I love you, I really do and I want you to know that I'm serious with you." Seryosong sabi niya habang nakatingala sa akin.

Mixed emotions, hindi ko alam kung ano yung una Kong mararamdaman. Kung ano ba yung papairalin kong emotion, takot? Saya? O pagkagulat.

Takot kasi ako na baka sa huli hindi na naman mag work, gulat kasi hindi ko naman talaga inaasahan na matapos ang sampung taon eh mauuwi kami sa ganitong pangyayari. Saya kasi nag-uumapaw pa rin ang pagmamahal ko sa kaniya, siguro nga kaya kami pinagtagpong muli dahil kami talaga yung nakatadhana.

"Speechless ka na naman HAHAHAHA alam kong gwapo ako kaya lagi ka saking natutulala." Biro pa niya.

"Heh!" Natawa naman kami at hinampas ko yung braso niya.

"A-ahh....hmmmm y-yes?" Nanlaki yung mata niya at wala sa sariling tumayo at niyakap ako.

"Y-yes? As in tayo na?" Binatukan ko naman siya.

"Bakit?" Tanong niya habang magkayakap pa rin kami.

"Wala akong sinabing tayo na duh! Ang tanong mo kasi kung bibigyan kita ng chance that means liligawan mo ako blehhhh!" Humarap siya sa'kin at ngumuso para magpa cute.

Nilapirot ko naman yung nguso niya at tinakpan bago hinalikan, so bale ang na kiss ko yung likod ng palad ko.

"Ang daya mo naman babe" mas lalo akong kinilig HAHAHAHA sshhh lang kayo.

"B-babe ka diyan! H-hindi pa, paghirapan mo na makuha ang matamis kong OO ginoo." Tumango siya at ngumiti.

"Sige binibini, kung ganoon halika na at bubusugin kita" iginaya niya ako sa lamesa at ipinag-ayos ng upuan.

"Bubusugin kita ng pagmamahal ko" dugtong pa niya sa sinabi niya.

"Huwag mo akong gamitan ng  mabubulaklak na salita sapagkat ito'y maglalaho rin na parang bula." Sambit ko habang pinapanood siyang umupo sa harap ko.

"Kung gano'n idadaan ko na lang sa gawa aking binibini" nilagyan niya ako ng pagkain sa plato at ipinagsalin ng maiinom.

Napabaling kami sa pinto ng biglang bumukas ito, sumilip yung isang babae at gulat na gulat sa ayos ng roof top. Bumaling ako sa kaniya at nakilala ko siya.

"Haliparot kang babae ka!" Galit niyang sigaw at naglakad papalapit sa'kin.

Agad namang humarang si Zevron sa pagitan namin.

"ASHTRID! ano bang ginagawa mo dito ha? I reserved this place for Krish not for you so please get out of here" inis na bulyaw ni Zevron sa kaniya.

ANO 'TO? NEW GIRL NIYA? PURO A HA -,-

"Nagpaloko ka naman sa babaeng malandi na 'yan?!" Nag-umpisa ng magsituluan yung luha niya.

"I love her and that's the end of all your bullsh*it to her, so can you please leave us alone!"muling tugon ni Zevron.

"T-then what am I for you? A toy?!" Sigaw niya sa mukha ni Zevron.

"Kailan man hindi kita minahal, ikaw lang itong lapit ng lapit sa'kin." Prangkang tugon ni Zevron.

"You'll regret this soon!" Galit na galit na nag walk out siya.

"Sorry for that, are you mad at me now?" Kunot noong tanong niya.

"Nope, actually naiinis lang ako sa kakaisip kung ano bang nangyari sa pagitan niyong dalawa" tugon ko at naupo na.

"I was drunk that time and she's flirting with me then kaboom!" Nag snap siya at ngiting-ngiti na umupo, kumunot naman yung noo ko sa nalaman.

"W-walang nangyari, k-kiss lang yun babe please 'wag kang mag-isip ng kung ano-ano."Sinserong sabi niya at hinawakan ako sa kamay.

"Kiss lang ba talaga? Kailan yun?" Kunot noong tanong ko sa kaniya.

"Hmmm yeah, I don't know if when did it happened" inismiran ko lang siya at padabog na kumain.

"Sa pagkakaalala ko, November 18? Kasi two days after ng death anniversary ng asawa ko yun, naglasing ako." Napatahimik naman ako sa tinuran niya.

Malala ko na naman yung Czarhaine na lagi kong nakakasalubong.

Tinapos na namin ang pagkain at bumaba na para makapagpahinga.

My Boss And His Seven Years Old SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon