Twenty-Five

70 2 0
                                    

Nagising naman ako sa sofa na masakit yung leeg, agad naman akong napatingin sa wall clock at nakita kong past 5am na pala. OWEMMGEEE! hindi ako nakakain kagabi, nagugutom tuloy ako haiist!

Tuluyan na akong bumangon para magluto ng makakain, hindi na rin ako matutulog dahil 8:00am oras ng pasok ko. Matapos kong kumain ay inihanda ko na itong chef uniform ko at iba pang kinakailangang gamit sa duffle bag.

7:00am pa lang nang umalis ako sa bahay, its better to be early than to be late.

Pagkarating ko sa room ng mga assistant chef, nginitiang bungad ako ni Aby kaya naman  sa kaniya na ako tumabi para mag-ayos.

"May pupuntahan tayo ngayong party, isasama ka raw ni Sir Elijah pinapasabi niya" panimula naman ni Aby.

"Ah ganun ba? Sige salamat sa information" sambit ko habang tinatali ng bun yung buhok para malagyan ng hairnet.

Maya-maya pa ay pinatawag na kami, sa rooftop yung venue kaya naman nag table clothing muna kami, tumulong na rin sa iba dahil 3pm yung start nung party.

Napatingin naman ako sa isang tarpaulin na dala-dala nung isang crew, kumunot naman yung noo ko ng nahagip ng mata ko yung name na Dhan.

Hmm? Baka kapangalan lang, relax Alexa!

"Alexa ok lang ba na ikaw mag fruit carving?" Tanong naman sa'kin ni Sir Elijah habang nag-aayos ako ng table cloth.

"Yes Sir" ngiting tugon ko sa kaniya.

Agad akong bumaba sa kitchen para kumuha ng watermelon, yun ang gagamitin ko sa fruit carving. Kumuha na ako ng carving at iba pang utensils, kumuha rin ako ng pang design at nagsimula na.

A
F
T
E
R

O
N
E

H
O
U
R

Paakyat na ako sa rooftop ulit para mailagay sa lamesa yung watermelon with carving, isang swan lang yung ginawa ko para malalagyan ng mini fruits na ready to eat with toothpick.

Doon ako pumasok sa back door, baka kasi nagsisimula na at baka ma interrupt ko pa sila. Maraming bata yung nasa buffet, so I guess 1 year old or 7th birthday nung celebrant?

"ATE BEAUTY!!" Gulat naman akong napalingon sa tumawag sa'kin.

"Z-zevy" sambit ko at niyakap din siya pabalik.

"Why are here ate beauty? I thought you're the secretary of daddy?" He said and pout.

"W-well .... I just want to do my passion, its cooking baby" ngiting tugon ko sa kaniya.

"Let's go to dad" hila niya sa'kin, hindi na ako nagpapigil pa kasi birthday niya at ayaw ko naman siyang malungkot.

"K-krish?" Kunot noong sambit ni Zevron at nagpalit-palit ang tingin niya sa'min ni Zevy.

"Dad, she's working here. I want to taste her dishes, I want to eat it and I'm pretty sure its delicious, like her she's pretty right?" Excited na tanong niya sa daddy niya.

"Yeah Zevy" tumango-tango pa siya at ngumiti.

"Sige maiwan ko muna kayo ha? May trabaho pa ko. Happy birthday Zevy! And may your day be great." Bati ko sa kaniya at nakita ko yung tarpaulin na 7 years old na talaga siya, eh yung nakaraa ba't sinasabi niyang 7 na pero mag 7 pa lang pala.

Nagtungo na ulit ako sa pwesto ko kanina, GRABEEEHHH! Bakit sa lahat ng tao sila pa? Bakit sa daming ng lugar dito pa, bakit sa lahat ng party yung Kay Zevy pa?! AISSSHH!

"SO LET'S START THE GAME CHILDREN?" Sigaw naman nung clown habang may hawak na balloons.

"STOP DANCE" masayang sabi naman nung partner niya.

Nag-ayos na sila ng mga upuan para sa gagamitin sa palaro nagsibilog naman yung mga bats at ramdam mo yung tuwa.

Nagpatugtog naman sila at sige ang sayawan ng mga bata paikot sa upuan, nang biglang nag stop at si Zevy yung walang naupuan. Nagtawanan naman yung mga kaibigan niya, maging yung mga staff namin natawa sa pag pout niya. Napaka cute niya! Ang sarap pisilin ng pisnge.

Matapos silang makapaglaro ng stop dance, paper dance naman yung lalaruin nila.

"Now we're calling Mr. Demetrius to be the one who will guide the children how to play with it, but you need a pair." Paliwanag naman nung isang clown.

Inayos ko na lang yung mga utensils at naupo sa tabi ng table buffet, edi si Czarhaine yung partner niya duh! Nagulat naman akoo ng hilahin ako ni Zevy sa tabi ni Zevron.

"Zevy" saway ni Zevron sa kaniya.

"Why daddy? Mom is not here so how can you find a partner?" Dirediretchong saad ni Zevy at nag pout.

"Fine" sambit niya na para bang wala ng ibang paraan.

"START" announced naman nung isang clown.

Nagsimula ng magpatugtog at umiikot na rin kami sa dyaryo ni Zevron, gayun din yung mga bata.

"STOP" saad nung clown.

Agad naman akong hinapit ni Zevron palapit sa kaniya at pinagkasya namin yung paa sa dyaryo.

Muling nagpatugotog kaya naman tinupi niya yung dyaryo at tumayo, Pilit na ngiti lang ang iginawad ko sa kaniya.

Muli naming umikot at nataranta ako nung mag stop, isang paa lang yung itinapak niya sa dyaryo at binuhat niya ako ng bridal style.

"AYIIEEEE ang sweet naman, baka pati asin langgamin HAHAHA" pang-aasar naman nung dalawang clown.

"Mrs. Demetrius maaari na po kayong bumaba at ipatiklop muli yung dyaryo" natatawang saad nung isang clown.

Paano ba naman kasi, bakit Mrs? Ako ba asawa niya duh!

"Sanaol binubuhat ng may asawa, sanaol Mrs. Demetrius." Napabaling naman kami sa nagsalita at prenteng nakatayo.

C-Czarhaine?

Tumigil yung music at nagbulong-bulungan naman yung mga echoserang chismosa, tsk!

"Its just a game honey" pagpapaliwanag naman ni Zevron at ibinaba na ako

"Ah so naglalaro kayo ng bahay-bahayan ganun ba? May mommy and daddy?" Sarkastika niyang saad Kay Zevron.

"Please don't make a scene here" bulong ni Zevron Kay Czarhaine.

"I'm the mother of the celebrant, so why would I make a scene here?"

"I'm sorry" singit ko sa kanila at naglakad na papunta sa pinto.

"Ate beauty" natigilan naman ako ng yumakap sa'kin mula sa likod si Zevy na umiiyak.

"Don't cry Zevy, its your day so you must be happy and smile" ngiting baling ko sa kaniya at lumuhod ako para punasan yung luha niya.

"Zevy come here!" Seryosong sabi ni Czarhaine.

"No! I hate you! I hate you for ruining my party!" Umiiyak na sigaw niya at tumakbo palabas ng rooftop.

Agad ko naman siyang hinabol ngunit naka heels ako kaya naman tinanggal ko muna itoo para makatakbo, pagbaling ko muli sa harapan wala na siya.

"ZEVY!"

My Boss And His Seven Years Old SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon