THIRTY-THREE

85 2 0
                                    

Kita ko namang lumapit sa kanila si Alexa na umiiyak, hindi na ako nagdalawang isip para puntahan sila.

"Z-zevron" gulat niyang sambit, para namang nabuhay yung dalawa at basta na lang akong hinawakan sa magkabilang braso at kinaladkad.

"W-wait! Where are we going?" Taka Kong tanong.

"Z-zevron.. Please help my baby... She's in danger right now, biglang bumaba yung dugo niya ...hindi ko alam...hindi namin alam kung bakit... Kailangan siyang masalinan" humahagulgol na sambit ni Alexa.

Parang dinurog naman yung puso ko sa itchura niya, hindi ko alam bakit walang sali-salita ay sumama ako sa kanila. AB+ pala yung blood type, rare yung dugo na yun kaya siguro ako nilapitan nila.

After kong magbigay ng dugo, parang nawala rin yung bigat sa pakiramdam. Parang ang gaan sa loob na nakatulong ako sa baby.

"Teka, ano nga ulit pangalan ng baby niyo?" Tanong ko Kay Alexa habang nakaupo kami sa bench.

"Dunlexa Kirei Vandelmort" tipid niyang tugon habang nakapikit.

Mahahalata mo sa kaniya yung pagod at sobrang pag-iyak, magang-maga kasi yung mata niya. I hate seeing her like that, but I feel her, when it comes to my son I don't want him hurt 'cause it will hurt me the most.

"I thought she's fine a while ago?" Muli Kong tanong habang pinagmamasdan siya.

"Ewan ko rin, kanina habang pinapaliwanag nung doctor iyak na lang ako ng iyak. Hindi ko kayang mawala sa'kin yung anak ko, kaya....nagbakasakali ako sayo." Sambit niya at bumaling sa'kin. " kanina ka pa namin tinatawagan pero hindi ka sumasagot" busangot niyang sagot.

Agad ko naman kinapa sa bulsa ko yung cellphone, pero wala SH*T naiwan ko pa yata.

"T-teka, ba't Vandelmort yung surname niya? Hindi pa ba kayo kasal ni Jaxx?" Kunot noo Kong tanong.

"A-ah k-kasi.... Ano" hindi na niya natapos yung sasabihin niya ng tawagin kami nila Jhuneevine para puntahan yung baby.

"Ah Mr. And Mrs. Ngayon po stable na yung lagay ni Dunlexa, next day po bibigyan pa siya ng iba pang medication para tuloy-tuloy yung paggaling niya." Paliwanag nung doctor.

"Thank you po Doc." Ngiting sambit ni Alexa.

A
F
T
E
R

F
I
V
E

Y
E
A
R
S

Kakabalik ko lang sa pilipinas galing sa France, doon kami nagbakasyon ni Zevy.

"Dad, can we go to the mall? I just buy some stuff" suhestiyon ni Zevy.

"Aren't you tired? Nor having a jetlag?" Umiling lang siya at tumakbo na sa room niya.

*AT THE MALL*

"Dad! There, I want that airplane" masayang sambit ni Zevy at tumakbo na siya sa mga toys.

"Ouch!" Daing nung batang babae na nabangga ni Zevy.

Agad ko naman silang pinuntahan, napukaw ng atensiyon ko yung bata. T-this can't be...she looks like me...like a carbon copy, but she's just a little girl.

"MOMMY! MOMMY! WAAHHHHH!" palahaw na iyak nung bata.

"I'm sorry, I didn't mean to hurt you little girl" paghingi naman ng tawad ni Zevy at pinagpagan yung suot nung bata.

"DUNLEXA!" Napalingon naman ako sa tumawag.

A-alexa?

"Baby are you ok?" Nag-aalalang tanong niya sa bata.

"A-ATE BEAUTY?!" bigla namang yumakap si Zevy Kay Alexa.

Hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko, parang biglang bumilis yung tibok ng puso ko ng makita ko siya ulit.

I'm a guy, I know babae lang yung kinikilig pero parang nangyayari sa'kin. Isa pa, hindi ko alam bakit hindi ko matanggal yung tingin ko sa anak niya. Parang may something na hindi ko maintindihan, ewan parang gusto kong makasama yung bata.

"Daddy! Yuhoooooo" nabalik naman ako sa ulirat ng kawayan ako ni Zevy sa mukha.

"Daddy! Daddy! Yeheeyy" tuwang-tuwang sambit nung bata.

Gulat ako ng yumakap siya sa hita ko, bumaling naman ako Kay Alexa na hindi maipinta yung mukha. Bakit?! Bakit ganun yung reaction niya? Bakit daddy tawag sa'kin nung anak niya?

Bumaling naman ako Kay Dunlexa na nakataas yung dalawang kamay at tila ba gustong magpabuhat, yumuko naman ako at binuhat ko siya.

Parang ang gaan ng loob ko, ang saya na may halong kaba yung nararamdaman ko. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nagpunas ng luha si Alexa.

"Can we go out together?" Masayang suhestiyon ni Zevy."I really miss ate beauty"

"S-sure Zevy, I miss you too so much. You've grown up well, do you have a crush?" Natatawang pang-aasar naman ni Alexa.

"Yes ate, but she's out of the country now" tugon naman ni Zevy.

"Where do you want to go?" Ngiting tanong ko habang nilalaro ni Dunlexa yung mukha ko, she's cute like her mommy.

"JABEEE! YEHEEYYY!" biglang sigaw naman ni Dunlexa habang nakataas pa yung kamay.

"Hey cutie, I'm your Tito ok? Call me Tito Zevy" ngumiti naman si Dunlexa.

"Toby, toby, daddy" saad niya at pumalakpak pa.

"A-ah sorry ah, ang kulit lang talaga niya. So let's go?" Singit naman ni Alexa.

Naglakad na kami papuntang Jollibee at iniwan ko na sila Alexa sa upuan para ako na lang umorder.

"Pways pleashhh yumyum" pangungulit ni Dunlexa.

"Baby come here, just behave ok?" Saway ni Alexa sa bata.

"Its fine Alexa" ngiting tugon ko sa kaniya.

Nasa hita ko kasi nakaupo si Dunlexa kaya ako nagpapakain.

"Wow! Ang cute naman nila"

"Perfect family"

"Ang cute nung baby oh"

Napangiti na lang ako sa bulong-bulungan ng tao, napabaling naman ako Kay Alexa na nakayuko habang kumakain. Nang iangat niya yung ulo niya ay kita kong namumula yung mga pisngi niya, as always ganiyan siya kapag kinikilig.

Matapos naming kumain ay napagpasyahan namin na maglakad-lakad muna sa park.

"Mommy I want talon-talon like tito Jaxx did when we went here please?" Kumunot naman yung noo ko.

T-tito Jaxx? W-what does she mean?

"A-ah Z-zevron, we have a lot things to do. We'll take our leave, have a good bond with Zevy." Saad ni Alexa at binuhat na si Dunlexa.

"I'll drive you home?" Ngumiti lang siya at umiling.

"TITO JAXX!" gulat si Alexa na napalingon Kay Jaxx.

May kasama itong bata at isang Babae, hindi naman si Jhuneevine na kapatid pero kamukha nung bata.

"Kireiiiiiiii!" Ngiting tugon ni Jaxx ngunit kumunot yung noo niya ng mapansin ako.

"Z-zevron" awkward niyang bati.

"Jaxx"

"A-ah hi sainyo, hindi mo ba ako ipapakilala sa asawa mo Alexa?" Biro naman nung kasama ni Jaxx na babae.

"M-mahal" mahinang saway sa kaniya ni Jaxx.

I'm so frustrated to their actions, like, there is something wrong nor they're hiding something from me.

"Can we talk in private Alexa?"

My Boss And His Seven Years Old SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon