Twenty-Seven

73 1 0
                                    

"What is it?" Kunot noo kong tanong at umupo sa paanan niya.

"While I still close my eyes, they're murmuring something..."

"Something?" Muling tanong ko ng manahimik siya.

"They said..."

"ANO NGA! WALANJO NAMAN EH!" Maktol ko sa kaniya.

"They said I'm handsome HAHAHAHAHA" Agad naman akong napasapo sa noo ko, KINABAHAN AKO TAPOS PAGTITRIPAN LANG PALA AKO HMMP! -,-

"Tsk! Kainis ka, nag-aalala ako na akala ko baka may sakit ka na malala haiist! Sarap mong gilitan sa leeg!" Inis Kong hampas sa binti niya.

"Ouch" pabirong daing niya at natawa sa'kin.

"You're still the same...." Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya.

"Kumain ka na gutom lang 'yan!" Biro ko sa kaniya, tumayo naman ako at kinuha sa side table yung porridge.

"Ahh" utos ko sa kaniya.

"Dati kapag may sakit ako iniihipan mo muna bago mo ako subuan, tapos ngayon walang ihip, hindi ko na ko lab?" Paawa effect pa niya.

"Hindi ka na bata, nganga!" Singhal ko sa kaniya.

Nang maubos niya yung lugaw pinainom ko siya ng tubig.

"That should be my wife who's taking care of me, but you're here instead of her." Ungot niya at umayos na ng higa.

"She will be here later." Tipid kong tugon at ngumiti. " matulog ka na baka bukas laya ka na HAHAHAHA este discharge"

"Mukha ba kong nakulong?" Saad niya sa baritonong boses.

"Mukha ka na kasing matandang hukluban! HAHAHAHA mahaba na yung balbas at buhok mo duh!" Sabay haplos ko sa buhok niya.

GHAD! I miss this, I really miss him that much. I wanted to cry at this moment but he's married now, we can't turn back time.

"I miss this" biglang sambit niya at hinawakan yung kamay ko na humahaplos sa buhok niya.

Sheeezz!! Don't be like this Zevron, you're making our situation hard for the both of us.

"In another life...I would make you stay, so I don't have to say you were the one that got away" pakanta niyang sambit at hinalikan yung kamay ko at inilagay sa pisnge niya.

"Z-zevron..." Pigil hikbi Kong saad.

" H-Hindi tayo pwede...oo pinagtapo tayo pero para lang magbigay ng aral sa buhay ng bawat isa, hindi sa lahat ng pagkakataon, hindi lahat ng taong pinagtagpo ay hanggang dulo dahil may tao talagang makikilala mo para mas maging matatag sa buhay. May isang tao namang nakatadhana na maging katuwang mo sa habang buhay, masakit mang sabihin na hindi ako...masakit mang sabihin na ibang tao. Zevron, please let go of our past so I will, too. Actually, I'm here to tell you that Sir Elijah and I will go to Paris France, we have an invitation there to present the foods from Philippines. Since I'm his assistant chef, I need to go there too." Pigil hikbi kong saad.

"When?" Nag break yung boses niya, yung papunta na sa pag-iyak.

Ako yata yung aatakihin sa puso? Nadudurog akong makita siyang ganito, yung ramdam na ramdam kong maiiyak na siya, like sobrang nasasaktan siya.

"Sa isang araw" nagulat naman ako nung niyakap niya ako.

"Ilang days?"

MY GHAD! Hindi siya days, years siya.

"1 year and two months"

"Bakit ang tagal? Invited lang kayo diba?" Naguguluhan niyang tanong.

"5 months sa Paris, 5 months sa Korea at 4 months sa America."

Tumango lang siya at napahigpit yung pagkakahawak sa kamay ko.

"Tomorrow can we talk? To our favorite place at 5 pm." Sambit niya, kumunot naman yung noo ko pero napatango na lang ako.

*Door opens*

"I thought you left but thanks for staying while I'm away" ngiting bungad ni Czarhaine.

Anong nakain nito? Bakit ang bait bigla? Dahil ba binantayan ko asawa niya ganorn?!

"You may leave" ma awtoridad na sambit ni Zevron.

Tumango na lang ako sa kanila at lumabas na, pinapaalis na ko eh huhuhuhuness!! Dapat pala nilaksan ko kanina yung hampas, makabawi man lang! Tapos wala man lang thank you tsk!

"Oh? Busangot mukha mo? Anong nangyari?" Tanong ni Sir Elijah habang binubukasan yung pinto ng kotse.

"Nothing, can you drive me home? But if you have something important to do, I can grab a taxi" sambit ko ng makapasok na.

"Nah, I just drive you home. Its not safe when you grab a taxi at night. Where is it?" Ngiting tanong niya.

Nako! Kung nakamove on lang talaga ako Kay Zevron baka mainlove ako dito eh, ngiti pa lang pamatay na hihihihi.

"I know I'm handsome but please answer me first" natatawang sambit niya.

"Ah..sa a-ano..sa marupok st. lang" nahihiya Kong sambit at nag seatbelt na.

"May ganung lugar?" natatawang biro niya pero nagpatuloy na siyang mag drive.

Nang makarating na kami sa kanto, nagpasalamat ako sa kaniya at lumabas na. Kumaway pa muna siya bago tuluyang umalis. Pagkapasok ko sa gate kita kong nag-aabang si Jhuneevine sa hamba ng hagdan.

"Bakit?!" Galit niyang sigaw na anytime maiiyak na.

"B-bakit? May nagawa ba ako?" Naguguluhan kong tanong.

"Bakit moko iiwan ng walang paalam? Sa isang araw ka na pala aalis hindi ka man lang nagsabi. Tapos one year kang mawawala! Bruha ka mamimis kita!" Naiiyak niyang sabi at tumakbo para yumakap sa'kin.

Uwwuuuu! My bessyyyy, I will miss this girl.

"Biglaan lang kasi, ika nga nila GRAB THE OPPORTUNITY. Kaya po hindi ko na papakawalan yung pagkakataon, isa pa doon ako susubukin ng tadhana ko sa pagluluto. Dahil sabi ni Sir Elijah, kapag naging winner daw kami itataas niya na yung position ko bilang chef, a professional chef, my dream and my passion. Mamimis din kita bruha, don't worry babalik ako dito. Isa pa bilang reward sa'kin ni Chef, nag hire siya ng private nurse Kay mama kaya hindi na ako makatanggi, lalo na malaki yung kikitain ko doon para na rin kila mama." Paliwanag ko naman.

Umakyat na kami at pumasok sa kwarto ko, yung mga gamit ko pinadeliver na doon kila mama kahapon pa. Yung maleta na lang yung natira at yung isang box na napaka important sa'kin.

"This box, tomorrow I will give it to you and I know you would take care of this" iniabot ko sa kaniya yung box.

Agad naman niya itong binuksan at nanlaki yung mata.

"P-pero bessy!" Maktol niya

"Mamaya magsusulat ulit ako diyan, sa tingin ko iyon na yung huling ganap sa istorya namin." Malungkot Kong saad.

"Sayang! Bukas may pasok ako at marami kaming gagawin so hindi pwedeng umabsent, gagala sana tayo." Busangot niyang saad.

"Don't worry 'pag balik ko treat kita" ngiting saad ko naman at ngumiti siya.

"Sige kailangan ko ng matulog dahil late na, ikaw rin ah! Magpahinga ka, alagaan mo sarili mo." Pangaral niya sa'kin

"Yes"

My Boss And His Seven Years Old SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon