Malia's POV
"What the hell do you think you're doing?" Bakit ba paharang harang tong epal na to?
"Tabi, dadaan ako." Hindi siya nakinig. Nasa harap kolang siya. Lalagpasan ko na sana siya pero hinawakan niya ako sa braso kaya agad kong hinila yun.
"ANONG PROBLEMA MO?!" Malakas na sigaw ko. Hindi kona kayang magpigil.
"Loud witch. Tsk!" Napakurap kurap ako. Siya pa may ganang manglait samantalang siya ang humarang sakin.
"Hoy! Wag mokong subukan ha?! Kung wala kang matinong sasabihin umalis ka sa dadaanan ko dahil nakaharang ka!" Matapos ko siyang sigawan tinabig ko siya at dere-deretsong naglakad papalabas ng school.
Hayop yon! Walang matinong magawa! Leche sya!
Umuwi ako ng badtrip sa bahay. Dere-deretso akong umakyat sa kwarto at naglock ng pinto. Hinagis ko ang bag ko sa sahig at nahiga sa kama. Kailangan ko ng mahabang tulog para gumanda ang mood ko.
Ilang oras na akong nakatulala sa kisame pero hindi pa din ako nakakatulog. Pumapasok sa isip ko yung hayop na lalaking yun. Sayang lang dahil mukhang gusto siya ni Alessia. Anong nagustuhan niya sa walang modo na yon? Aish!
Mababaliw ako kakaisip sa bwisit na yon. Kailangan kong mailabas 'tong inis ko! Kakain ako ng ice cream! Madaming madaming ice cream! Oo tama!
Bumangon ako at nagbihis. Simpleng dolphin shorts at plain back t-shirt lang sinuot ko at tinali ko ang mahaba kong buhok na abot hanggang bewang.
Pag baba ko pa lang rinig ko na ang pagtatalo ni Mama at Mommy. Nang tuluyan akong makababa hindi nila ako napansin. Si Dada nasa sofa, nanonood at parang walang nagaaway sa likudan niya.
"Ma, naman! Hindi mo pwede palaging ibigay ang gusto ng batang yon! Kaya hindi na marunong makinig sakin eh!" Sumama ang tingin ni Mommy kay Mama.
"Sinisigawan mo ba ako ha?!" Nagulat ako sa sigaw niya. Kahit kelan talaga siya lang ang nakakagawang magpatahimik ng buong bahay namin.
"H-hindi naman sa ganon, Ma. Hindi tamang ma-spoiled si Malia ng ganon. Hindi pe-pwedeng palaging naibibigay ang gusto niya lalo na kung hindi naman kailangan!" Mahinahon na paliwanag ni Mama. Tungkol nanaman sakin. Tsk!
Tungkol siguro yun sa laptop na hiniling ko kay Mommy. Nasira na kasi yong binili sakin ni Mama at sabi niya pagtiyagaan ko daw yon dahil hindi daw ako nagiingat.
"My, wag na po. Ayos na po ako don sa luma kong laptop. Magagamit pa naman po yun. Alis lang po ako." Sabat ko sakanila. Nagulat naman sila na nandon ako kaya bago pa sila makapag salita lumabas na ako ng bahay at naglakad papuntang park.
Napangiti agad ako ng makita kong bukas yung Ice cream store sa malapit. Tumakbo ako papunta don at pumasok. Habang namimili ng flavor nagulat ako ng may kumalabit sakin.
Napalingon ako sa kumalabit sakin. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Andrea. "I knew it! Sabi na ikaw ang nakita ko!" Naalala ko yong ginawa ko kanina kaya medyo nailang ako sakanya. Medyo lang naman.
"Ah, pasensya na pala kanina. Badtrip lang ako." Tinapik niya ako ng pabiro sa balikat at yumakap sa braso ko. Nagulat ako sa ginawa niya pero hinayaan kona lang.
"Ano kaba! Wala yon no. Mabuti nga ginawa mo yon kasi ikaw lang naglakas ng loob sagutin siya ng ganun. Pasensya kana kasi ganon lang talaga yon. Mabait naman yon minsan, minsan lang ha?" Nainis nanaman ako pag naalala ko.
"Sino ba yon? Parang ang laki ng galit sakin, eh." Natawa naman siya sa tanong ko.
"Siya si Ace. Laitero saming lahat. Minsan lang magsalita pero puro panlalait pa. Nasanay na kami ng ganon siya dahil matagal na kaming nagkakasama. Hayaan mo masasanay ka din." Nakangiting sabi niya sakin. Nagkibit balikat na lang ako at pumili ulit ng flavor. Lumapit ako sa counter para sabihin ang order ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold Na Mapanglait -Meets- Ms. Bungangerang Masungit
Short StoryBasahin niyo na lang para malaman niyo! HAHAHAHAHA! Enjoy reading!