Malia's POV
"What do you want?!" Tanong ko sakanya.
"You. I want you." Tumawa ako ng malakas at tinaasan siya ng kilay.
"I'm sorry tell you but I don't want you and I will never be!" Siya naman ang ngumisi. Siraulo 'to ah!
"You don't understand, witch. I want you... to get out of my sight." Lumayo siya sakin ng nakangisi. Napakurap kurap ako.
Lahat kami natahimik. Naglalakad na siya palayo pero napahinto siya ng magsalita ako. "You want me to get out of your sight?" Ako naman ang lumapit sakanya at tumingin sa mata niya. "Close your eyes, asshole. Hindi ako ang mag aadjust sayo."
"Tama na nga yan! Tara na sa loob!" Sigaw ni Andrea. Napalingon ako sakanila. Agad na tumama ang tingin ko sa titig na titig na si Alessia kay Ace. Wag sana iba ang isipin niya.
Nauna kaming pumasok ni Andrea dahil hinatak niya ako. Akala mo bahay niya. Sumunod naman silang lahat samin. Pag pasok pa lang sa bahay nila Alessia namangha ako dahil anlaki ng bahay nila at masasabi mong mayaman talaga ang nakatira.
"Bahay pa ba 'to?" Bulong ko.
"Mom! I'm home with friends!" Sigaw ni Alessia. Napalingon ako sa hagdan kung san may bumabang magandang babae na halos kaedad lang ni Mama.
"Hi girls!" Kaway niya. Lumapit siya sakin na ikinagulat ko naman.
"You're new! May I know your name, pretty?" Napipi na ata ako.
"I-I'm Malia Reigna Camile po." Bakit ba ako nauutal! Nakakahiya!
"What a long and wonderful name! It's so nice to meet a pretty like you!" Ngumiti ako. Speechless ako te!
"Hi Tita! Nandito din po kami!" Pagpapansin ni Andrea. Natawa naman ako sakanya. Kahit kailan talaga siya.
"Hi pretties! Oh, the boys are also here!" Grabe nakaka nosebleed. Panay ang english niya. Niyakap niya isa isa sila Andrea at Nikki pati na din ang apat.
"Don muna kayo sa sala at ipapa ready ko ang pagkain ha?" Umalis si Tita matapos niyang sabihin yon. Mabuti naman at nagtagalog na siya.
May humawak sa braso ko kaya napatingin ako sakanya. "Pasensya ka na kay Mommy. Ganon lang talaga siya kapag may bagong nakikita." Ngumiti naman ako kay Alessia.
"It's fine. Actually, nagulat ako pero natuwa din at the same time haha!" Ikaw ba naman purihin, eh.
"Tara na!" Masayang sabi niya at hinatak niya ako. Kanina pa ako hinahatak, ah?!
Namangha ako sa ganda ng sala nila. Agad silang naupong lahat sa isang malaking sofa. Pabilog yon at may bilog na center table. Tumabi ako kay Andrea.
"Malia may tumatawag ata sayo." Napatingin ako sakanya. Busyng busy ako kakatingin sa mga malalaking picture frame na nakasabit sa sala.
"Huh?"
"May tumatawag ata sayo. Nag riring yung phone mo." Napatingin ako sa CP ko. Bakit hindi ko naririnig kanina? Masyado akong nalutang.
"Hello" sagot ko sa tawag ni JD.
"Andaya mo!"
"Sorry na JD! Bukas na lang ha? Labyu!" Ramdam kong nakanguso siya ngayon. "Wag kang ngumuso diyan. Hahatakin ko yan." Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Kilalang kilala mo talaga ako! Oh, basta bukas, ah? Promise yan!"
"Oo na nga! Osige na ibababa kona ha!"
BINABASA MO ANG
Mr. Cold Na Mapanglait -Meets- Ms. Bungangerang Masungit
Short StoryBasahin niyo na lang para malaman niyo! HAHAHAHAHA! Enjoy reading!