Chapter 6

9.2K 326 3
                                    

Malia's POV

Tulala lang ako magisa dito sa room. Hindi mag sink in sa utak ko ang nangyayari ngayon. Bakit ba hindi ko napansin na magkamukha sila nung batang babae kanina?! Kaya pala sabi ko may kamukha siya. Napahampas ako sa ulo ko. Ouch!

Hindi ako makapaniwalang suot ko ngayon ang P.E ng hinayupak na yon. Agad kong tinupi ang laylayan para walang makakita. Mabuti na lang at walang nakapansin. Kaya pala titig na titig siya sa damit kanina kasi kanya pala 'to. Napahiya pa ako dahil sinabi kong nangaangkin siya ng hindi kanya samantalang ako 'tong may suot ng hindi akin. ANO BAAAAAAA!!!

Napasabunot ako sa buhok ko at napasubsob sa desk. Nawala ang antok na nararamdaman ko kanina. Sa gulat ko napaangat ang braso ko dahil may humawak sa balikat ko.

"Malia, ayos ka lang? Bakit namumutla ka?" Si Andrea lang pala. Bakit ba ako nagkakaganito?

"A-ah, oo. Ayos lang ako. M-masakit lang ang ulo ko." Totoo naman dahil nahampas ko ang sarili kong ulo dahil sa kahihiyan.

"Sure ka? Gusto mong samahan kita sa clinic? Dinalhan kita ng sandwich. Baka hindi kapa kumakain." Inabot niya sakin yon at tinanggap ko naman.

"Thank you, ah? Pero ayos lang talaga ako. Nagabala ka pa." Ngumiti lang siya sakin. Tumabi na siya sakin at may binulong.

"May sasabihin ako sayo mamaya hihi. For sure matutuwa ka." Kumunot naman ang noo ko.

"Tungkol san?" Umiling naman siya.

"Mamaya na nga. Excited much?" Ngumuso lang ako.

"Pa-intense ganon?" Natatawa siyang tumango. Naalala ko na naman yung suot ko. Napatingin ako kay Ace. Nakatingin siya sa harap. Nagulat ako ng bigla siyang tumingin sakin kaya agad akong napaiwas.

"Lintek!" Bulong ko. Nahuli niya akong nakatingin sakanya! Nakakahiya na talaga!

"Huy anong binubulong mo diyan?" Tanong ni Andrea. Napatingin ako sakanya sabay kay Ace. Nakita kong ngumisi siya. ABA'T! LOKO KA AH!

Sinamaan ko siya ng tingin sabay inirapan. "Nakakainis!" Bulong ko pa.

"Malia, may problema ba? Kanina ka pa bulong ng bulong diyan." Umiling lang ako. Baka pag sinabi ko malaman niyang suot ko ang P.E ng pesteng lalaking yon.

"Oh, come on, Malia! I know you're hiding something. What is it? Promise, I won't tell anyone." Napatingin naman ako kay Andrea. Ang kulit kulit talaga niya. Napabuntong hininga ako.

Sumandal ako sa upuan at humalukipkip bago siya tinignan. "I'll tell you later." Ngumiti naman siya at tumango tango. Napailing na lang ako sa kakulitan niya.

Lumipas ang oras at dumating ang lunch. Ililibre konga pala ngayon si JD. Nauna akong tumayo kaya agad na napatingin sakin si Andrea.

"Mauna na ako. Sabay kami ni JD kakain ngayon, eh." Nanlaki naman ang mata nilang tatlo sa narinig at agad akong tinukso.

"Ayiee! Mag date kayo no? Ikaw ha!" Pang aasar ni Andrea kaya napairap ako sa hangin.

"Whatever! Sige na una nako sainyo." Inaasar pa din nila ako kaya tumalikod nako sakanila para lumabas kaya lang pagharap ko may nabangga akong braso.

"Tumingin ka nga." Sumama agad ang mukha ko. Inirapan kolang siya at dere deretsong lumabas ng room.

Nakarating ako ng canteen at agad hinanap si JD. Kumunot ang noo ko. Nasan na kaya yon? Nilabas ko ang phone ko para sana itext siya ng biglang may umakbay sakin.

"Haaaaaay! Mukhang mapapalakas ang kain ko ngayon, ah!" Si JD. Kinurot ko siya ng pabiro sa tigiliran. Paniguradong madami siyang kakainin. Kuripot pa naman ako.

"Hoy JD! Wag--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng may magsalita sa likod ko.

"Ugali niyo ba talagang humarang sa daanan?" Napalingon kami parehas ni JD sa nagsalita. "Wag kayo sa daanan maglandian. Dadaan ako, tabi." Napatingin ako sa kamao ni JD at nakasara yon. Halatang galit siya at gusto niyang manapak.

"JD tara na. Isipin mona lang na wala kang narinig. Bangaw lang yon, okay? Walang sense kung papansinin mo pa." After kong sabihin yon nakita kong tumalim ang mata ni Ace sakin pero wala akong pakialam.

Hinatak kona si JD papuntang pilahan para bumili ng pagkain. Humarap ako kay JD at natawa ako sa reaksyon niya ng bahagya pa siyang magulat.

"May problema ba? Bakit gulat na gulat ka diyan?" Natatawang tanong ko.

"Nababadtrip ako sa Ace na yan. Akala mo kung sino kung umasta. Nagtitimpi lang ako, Reign." Halatang inis na sabi niya. Natatawa ako pag ganitong nababadtrip siya. Ang cute kasi niya.

Sumimangot siya ng makitang pinipigilan kong matawa sa itsura niya. Salubong na salubong ang kilay niya at nakanguso pa ang makakapal na labi niya.

"Wag ka ngang tumawa diyan!" Parang batang maktol niya sakin.

"What? Hindi naman ako tumatawa." Mas humaba ang nguso niya at hindi kona napigilan matawa ng bahagya.

"Tsh! Naiinis ako!" Maktol niya.

"Tumigil ka na nga! Para kang babae!" Natatawang saway ko sakaniya. 

Umorder kami at humanap ng mauupuan. Habang kumakain kami katulad ng una marami ang bumabati kay JD na akala mo isa siyang artista na kilalang kilala. Hindi ko siya masisi dahil super friendly naman talaga niya sa kahit sino.

"Hindi kaba binubully ng Ace na yan, Reign?" Nabilaukan naman ako sa tanong niya. Agad niya akong inabutan ng tubig kaya ininom ko yon.

Matapos kong lumunok. Tumawa ako ng malakas na ipinagtaka naman niya. Nakanguso na siya ng hindi pa din ako tumitigil. Napaubo ubo pa ako bago matigil sa pag tawa.

"Ano bang nakakatawa don, Reign?!" Pinigilan kong matawa ulit sakaniya.

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Do you think na magpapabully ako? Come on, JD! Parang hindi mo naman ako kilala!" Kunwaring napaisip naman siya.

"Sabagay, tama ka. Hindi ka nga pala basta basta nagpapabully. Ako nga binubully mo eh." Natawa ako sa sinabi niya.

"Aping api ka naman niyan." Pabirong sabi ko kaya ngumuso lang siya.

"Ay talaga, totoo naman no!"

"Eh, bat nagagalit ka?"

"Hindi no. Nagpapaliwanag lang." Tumawa ako at nagpatuloy sa pag kain.

Maya maya ay may biglang kumalabit sakin at nagulat ako ng makita ko yung babaeng kapatid ni Asungot. Ang laki ng ngiti niya at may dala dala pa siyang orange juice.

Tumayo ako at tinignan siya na parang nagtatanong kung bakit siya nandito. "Ate gusto ko lang po sana mag tanong kung nakita mo po si Kuya ko? Kanina ko pa po siya hinahanap eh."

Napakamot ako sa ulo dahil naiilang ako. Mag kamukhang mag kamukha talaga sila at ang bobo ko lang kasi hindi ko yun napansin agad kahit para silang pinag biyak na buko.

"Nakita ko siya kanina bago pumunta dito sa canteen. I don't know kung san siya nagpunta pero tignan mo lang dun sa table nila palagi, baka nandun lang yon." Alinlangan na sabi ko sakaniya kasi kahit ako diko sigurado kung san ba nagpunta yung epal na yon.

"Aish! Bakit ba kasi kailangan niya pa akong kausapin eh. Hindi tuloy ako nakasama sa mga friends ko!" Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Kakausapin siya?

Grabe! Ganun ba siya kagalit na sinuot yung P.E niya at kailangan niya pang kausapin yung kapatid niya? Baka mamaya pagalitan pa niya kapatid niya ng dahil sa pag papasuot sakin ng P.E! Ang OA niya!

"Bakit ka daw kakausapin?" Pantangang tanong ko, nagmukha tuloy akong chismosa.

"Ewan koba dun, Ate. I'll ask the other Ate's na lang kung nasan si Kuya hehe. Thank you! Bye!" 

Mr. Cold Na Mapanglait  -Meets- Ms. Bungangerang MasungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon