Malia's POV
Nagising ako dahil sa lakas ng alarm ng cellphone ko. Bumangon ako para patigilin pero nagulat ako ng hindi alarm yung tumutunog. May tumatawag sakin.
Unknown number is calling...
Kahit nagtataka sinagot ko pa din. "Goodmorning, pretty!" Nilayo ko sa tenga yung phone ko dahil sa lakas ng boses niya.
"Andrea, ang aga pa pero ang ingay mo na." Natawa naman siya sa kabilang linya.
"Nagsalita ang tahimik! Papasok kana ba? Sabay na tayo, kita tayo sa park!"
"Magaayos palang ako." Matamlay na sagot ko dahil inaantok pa ako.
"Okay! Wait na lang kita ha? Bilisan mo! Bye!"
Pinatay niya ang tawag kaya namadali akong pumasok ng banyo para maligo. Habang nagto-toothbrush hindi ko maiwasang maalala yong nangyari kahapon sa mall.
Flashback~
"What are you wearing? Hindi bagay sayo."
ANO DAW?!
"Who are you?" Kunwaring hindi ko siya kilala. Nakita kong nagulat siya sa tanong ko.
"Really? You're acting like you don't know me? Nice joke but It's not funny." Nginisihan niya ako at aaminin ko. Ang gwapo niya don.
"Hanggang dito ba naman sa mall iinisin mo ako? Nagpapapansin ka ba?" Nanlaki ang mata niya sa tanong ko na parang hindi makapaniwala.
"Sayo? I don't think so. Hindi kita type. Ang panget mo kaya." Ano daw? Ang panget ko? Eh, ano pa siya?!
"Kung panget ako. Anong tawag sayo?" Sumama ang tingin niya sakin. Anong akala niya? Magpapatalo ako?!
"Tss. Stop wearing sexy clothes dahil hindi naman bagay sayo." Kanina pa 'to ah!
"Ano bang problema mo ha?! Hinihingi ko ba yang opiniyon mo?! For your information.. wala akong pakialam sa mga sinasabi mo! Kaya kung pwede manahimik ka!" Pareho silang natigilan ni Andrea sa sigaw ko. Bigla namang may lumapit na babae samin. Wow! Nanliit ako dahil sobrang ganda at sexy niya.
"What's happening here?" Tanong niya pero walang pumansin sakanya.
"Why are you shouting him? Magkakilala ba kayo?" Tanong sakin ng babae. Ha! Talagang may tagapagtanggol pa siya ha? Ang hina naman! Talagang girlfriend pa niya ang magtatanggol sakanya!
"No! Hindi ko siya kilala at lalong hindi ko siya gustong makilala!" Umalis agad ako pagkasabi ko nun. Naramdaman kong sumunod sakin si Andrea.
End~
After ng sigawan na yon umuwi na kami ni Andrea dahil nabadtrip talaga ako that time. Ang saya saya na namin, eh! Bakit ba kasi kailangan sa lahat ng taong makikita ko, siya pa!
Lumabas ako ng banyo at nagbihis. Bumaba ako para kumain. Si Mama at si Manang Fel ang nakita ko. Nakauwi na siguro sila Mommy at Dada. Umupo agad ako sa katabing upuan ni Mama at nagsimulang kumain.
"Kamusta ang school mo?" Wow himala at hindi siya nakasigaw ngayon.
"Ayon, Ma. Nakatayo pa din." Sinamaan niya agad ako ng tingin.
"Joke! Hehehe! Okay naman siguro, Ma. May mga bagong kaibigan ako. Papakilala ko siya sainyo sa susunod." Nakangiting sabi ko. Alam ni Mama ang nangyari noon kaya medyo hindi siya natuwa sa sinabi ko. Tanga tanga daw kasi ako sa pagpili ng mga kaibigan. Masyado daw akong mabait.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold Na Mapanglait -Meets- Ms. Bungangerang Masungit
Storie breviBasahin niyo na lang para malaman niyo! HAHAHAHAHA! Enjoy reading!