Malia's POV
"Malia Reigna Camile! Wala ka ba talagang balak bumangon diyan ha?!" Sigaw ni Mama sa labas ng kwarto ko. Aish!
"Eto na!" Bumangon ako sa pagkakahiga at hinampas ang unan sa inis. "Bakit ba kasi ang aga aga ng klase!" Inis na sabi ko.
"Isang oras lang! Isang oras at wala kapa sa baba, kukunin ko lahat ng gadgets mo! Naiintindihan mo?!" Sigaw nanaman ni Mama.
Anak ng! Bakit damay nanaman gadgets ko?!
"Whatever.." bulong ko.
Agad akong kumilos dahil buhay ko ang gadgets ko. Hindi ko alam bakit ba lagi palaging pinagdidiskitahan ni Mama yung bagay na alam nyang hindi ko kayang mawala sakin. Tsk!
Sa loob ng isang oras natapos ako at bumaba para kumain. Lahat sila nandun na at ako na lang ang hinihintay.
"Ano bang ginawa mo kagabi at parang tamad na tamad ka ha?!" Sigaw ni Mama. Hindi ba siya napapagod kakasigaw?!
"Mica, mag hunus-dili ka nga at baka naman nag ready lang siya para sa unang araw ng klase." Napangiti ako. Kaya gusto ko laging nandito sila Mommy kasi may nagtatanggol sakin sa tuwing binubungangaan ako ni Mama.
Kahit kelan talaga si Mama napakabungangera!
"Ayan! Kaka-spoiled niyo sa batang yan hindi na marunong makinig!" Napasimangot naman ako. Nakikinig naman ako minsan ah! Tss..
"Eh, bakit kaba naninigaw ha?! Nasa harap tayo ng hapag kainan for God's sake! Itikom mo yang bibig mo!" Boom! Kung bungangera ang Mama ko hindi papatalo ang Mommy ko. Kanino ba naman magmamana si Mama.
Ika nga nila kung ano ang puno siya din ang bunga. Tama ba? Oh, basta yun na yon.
Kumain na lang ako dahil lahat kami napatahimik sa sigaw ni Mommy. Ibang klase talaga pag siya ang sumabog, dinaig yung bulkan.
"Alis na po ako." Tumayo ako para lapitan si Mommy at Dada para humalik. Siyempre, hinuli ko si Mama kasi ansama ng tingin niya sakin. Mommy, oh!
"Mag ingat ka dun, apo ha? Magkwento ka pag uwi mo dahil bukas uuwi na kami ng Dada mo." Shoot! Wala ng magtatanggol sakin. Lagot nanaman ako kay mama nito. Aish!
Tumingin ako kay Mama at ang sama pa din ng tingin niya sakin. Ngumiti lang ako sakanya at nag pa-cute pero inirapan niya lang ako. Sungit!
"Opo, I'll miss you, Mommy and Dada! Pasok na po ako!" Lumabas ako ng bahay at dahil hindi maganda ang gising ko, badtrip ako.
"Reign!" Uh-oh. Not now!
Dere-deretso lang ako sa paglalakad dahil hindi naman kalayuan ang school ko sa bahay. Naramdaman kong may kumalabit sakin pero hindi ko pinansin. Badtrip ako.
"Uy, Reign! Bakit ayaw mo ko pansinin ha? Badtrip ka nanaman ba?" Halata ba?! Hindi ko pa din siya pinansin at nagpanggap na walang naririnig.
"Badtrip nga 'to. Bakit anong nangyari? Sinigawan ka ba ni Tita?" Bakit ba ang kulit nito?! Sapakin kaya kita!
"Uy, pansinin mo naman ako. Para akong tanga dito tanong ng tanong tapos ayaw mo naman sumagot." Konti na lang! Napipikon nako.
"Reign, sagutin mo naman ako." Hindi ko pa din siya pinansin. Kinulit niya ako ng kinulit hanggang sa makarating kami sa tapat ng school. Huminto ako at tumitig sakanya.
BINABASA MO ANG
Mr. Cold Na Mapanglait -Meets- Ms. Bungangerang Masungit
Short StoryBasahin niyo na lang para malaman niyo! HAHAHAHAHA! Enjoy reading!