Chapter 20

1K 16 10
                                    

Chapter 20
Brave


Tila sa buong araw kong pag-inda ng mga parinig sa akin, tuluyan akong namanhid at hindi na naaapektuhan. Their words still cut me but eventually it doesn't affect me anymore. They can only hurt me if I am guilty. Which I'm not. Alam ko sa sarili ang katotohanan.

Yes, I had a relationship with Mave. But that shouldn't matter now. Tapos na iyon. Ang nakakainis lang, ni hindi ko maipagtanggol ang sarili kasi mas ikakapahamak ko.

If I deny my relationship with Mave, I'd look pathetic. May video pa na naghahalikan kami. Kung sabihin ko naman na magkapatid kami sa ama, ano na namang eskandalo ang dulot n'on? I was kissing my half-brother in a dark and secret place? That is a scandal! I will subject myself to further risk. So rather than exposing my true identity, I'd let everyone throw bricks at me. Mapapagod din sila.

Bahala nang isipin nilang manggagamit ako at malandi. Bahala na kung ipalagay nilang ako nga ang rason sa nasirang engagement ni Ada. Kaya kong dalhin ang galit nila para r'yan. What I can't handle is if Mama will be dragged into the mud again if my identity suddenly burst out in the open. She'd be criticized and hated more. And that is the last thing I want to happen.

So what choice do I have? None really. I have no other choice but to sacrifice the truth.

Buong araw na mabigat ang turing ng mga kaklase ko sa akin. Hinayaan ko na kasi mapapagod at huhupa din ang galit nila. Kinahapunan, nauna akong lumabas ng classroom. At dahil uwian, ako na naman ang sentro ng pambabatikos ng buong school body.

Also, not really helping if Atlas couldn't understand the word go away. Nang makita niya ako, tumayo siya mula sa pagkakaupo sa bench. Halatang inaabangan ako. Inayos niya ang backpack sa balikat at maligalig akong nilapitan. I shot dagger eyes but he was acting thick by ignoring them.

Lumapit siya kahit pinahalata ko sa itsurang kong tutol ako sa paglapit niya.

"Taly..." tinawag niya ako nang inignora ko siya.

I ignored him by walking faster. Naabutan niya lang ako sa bilis niyang maglakad.

"You can talk to me, Taly!" aniya. "Kung may problema ka-"

Pagod ko siyang binalingan.

"Look around, Atlas! Pinapalala mo ang sitwasyon ko! And I don't want to talk to you, if you can't get it still? Umiiwas na nga 'ko, ikaw 'tong makulit!"

He also looked around, confused by my words.

"How do I make your situation worse?" gulat niyang agap. "Kung ang dahilan ay si Aliyah, wala akong pakialam doon! It is you I like. She can't make you suffer for my own feelings! I don't really care about her opinion."

Iyon na nga. Aliyah can and will make me suffer for his feelings for me. Aliyah is exactly like her older sister, obsessed. Tingin ba niya'y papalampasin ni Aliyah ang pagkakagusto niya sa akin ng ganoon ganoon na lang?

No way! Both Ada and Aliyah will make my life a living hell. They will make sure I suffer because they felt betrayed by me.

"Yes, she likes you! She hates me already because I broke her sister's engagement! I guess you heard it by now, right? Nilandi ko ang fiance-"

"Hindi ako naniniwalang kaya mo iyong gawin!" He frustratedly cut me off.

Tumaas ang dugo ko at natawa ng walang aliw. I cannot believe he is still refusing to believe the video circulating around campus! Hindi niya ba iyon nakita? Klarong hinalikan ko si Maverick sa gazebo ro'n!

Umirap ako.

"Paniwalaan mo kasi totoo 'yon..." ani ko at patuloy siyang inignora.

Mabilis akong naglakad papalayo. Agad lang nabawi ang pagmamadali nang makita kung sino ang nakatayo sa parking lot ng school. At dahil sa paghinto ko sa gulat, nahabol ulit ako ni Atlas.

The Wrath Ablaze (Buenavista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon