Chapter 8

1K 13 19
                                    

Chapter 8
Ember


Napakurap ako ng dalawang beses sa sagot ni Marcus. Para sa akin ay wala iyong bahid nang ano mang biro, may bigat iyon. His brother would murder him just for being associated with me. That thought is what pisses me off more. Ang babaw naman ng paningin niya sa mundo na bawal makipag-ugnayan si Marcus sa aming mahihirap lang. Nanunuyot ang lalamunan ko sa nagbabadyang inis sa akin.

Not to mention that my stupid plan is failing, too. I know it is.

And, true enough. I cannot just force Marcus to do this big favor for me, even though we're friends. That is too unfair for him. At dapat kong intindihin na malaki ang nakasalalay lalo na't Galdeano siya. He cannot just be randomly paired to some girl their high society is unfamiliar with. Gulo ang dulot no'n. Maglilikha ako ng mas matinding iskandalo kung kumalat nga'ng 'boyfriend' ko siya kahit peke naman. I will stain their unbleamish, perfect family name. So yes, his brother will murder him by simply being connected with someone as lowly as me.

Binigyan ko ng malakas na halakhak si Marcus. This will be my faint attempt to correct whatever stupid scheme I was brewing earlier.

"Nagbibiro nga ako! Muntik ka nang maniwala, ah? Gano'n na ba ako kagaling umarte? Don't worry about it, Marcus. It was clearly a prank. Your face looked like you were really scared. Ayos ka lang?" I continued cackling.

Tumaas ang isang kilay niya. Unti-unting namang bumalik ang buhay sa mukha ni Marcus. Bumalik ang kulay sa mukha niya at hindi na namumutla na parang takot na takot sa hindi ko masabing rason.

"Damn... you are too good at pranking people, Taly! Aakalain mong hindi prank 'yon!"

Hindi naman kasi talaga prank 'to. Napangiti ako pero sa loob-loob ko, kinakain ako ng hiya sa ginawa.

"Thank god, you were just joking! Imagine if you weren't?" Marcus held his stomach up because of laughter.

"Oo. Pasalamat ka at biruan lang. Sige, 'yan na ang parusa mo sa pag-iwan mo sa akin sa mansiyon niyo. Uh... dahil kasi do'n... medyo nainis ko ulit ang Kuya mo nang inantay pa kita at mas natagalang makaalis..."

His brow remained shot up. "Surely, he's not mad because of that. Inaway mo siguro?"

Umiling ako. "Hindi ko siya inaway. Why do you think it's me who's always been hostile to him? Siya itong madaming sinasabi, hindi ako, Marcus."

Hindi ko siya inaway. Galit lang iyon sa akin at nauwi sa sagutan. Pero kung sasabihin ko pa kay Marcus ang ugat ng sagutang iyon, baka mas lalo lang siyang ma-awkward sa akin. Walang katotohanan kasi talaga ang pinapalagay ni Maverick na gusto ko ang kapatid niya. Pilit niya akong pinapaamin at pilit ko ring tinatanggi, kaya iyon galit na galit. Siguro para sa kanya ay nagsisinungaling ako. So yes, Marcus doesn't need to know about that argument. I am saving myself from another embarrassment yet.

"Siyempre kilala ko ang Kuya. But with his temper, what would anyone expect, right?" ngumisi siya sa akin. "Then, am I forgiven now? Sorry kasi natagalan ako nang nakaraan at umuwi ka na mag-isa lang."

"Wala na 'yon! Kalimutan na natin kasi matagal na din naman 'yon." I looked behind Marcus to shift our conversation to other things. "Uh, para saan pala iyang mga kaing ng mangga? Para sa amin?"

He also looked back at the crates.

"Oh, yes! This is why I came here actually. Galing ang mga 'to sa Oro Verde, sobra sa ani ngayong araw kaya naisipan kong ibigay sa inyo ng Lola mo. Alam ko kasing makakatulong sa inyo 'to."

"Naku! Nag abala ka pa, Marcus..."

Nasa higit lima ang kaing na dinala ni Marcus. Kung galing 'tong Oro Verde, mapagbibili namin ni Lola sa mas mahal na presyo kumpara sa makukuha naming ani mula sa taniman. Ito ang isa sa mga rason kung bakit hindi ko puwedeng dungisan ang pangalan ni Marcus. He is too pure for this world alone. I cannot be the one to destroy him. Hindi kakayanin ng konsensiya ko.

The Wrath Ablaze (Buenavista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon