Chapter 5

1K 12 8
                                    

Chapter 5
Familiar


Kung babalikan ko ang araw na magkasama kami sa Iloilo ay para bang malabong-malabo iyon sa memorya ko. It was such a blur, like being in a trance, to not remember that day I had spent with Maverick Galdeano. And also, after all the absurd things I said to him, reality suddenly struck me. Na lumagpas ako masiyado sa linya sa mga nasabi, na baka ngayon nga ay nakarating at alam na ng Alkalde lahat ng tsismis patungkol sa tulay.

Kinakabahan ako na baka kuguyin na lang kami ni Lola lalo't ako pa talaga, ang bagong salta sa Buenavista, ang may lakas ng loob na ipagkalat ang hinaing ng mga taga-baryo patungkol proyekto ng Alkalde. The worst thing ever was, I said it directly to his son. Hindi ba'y masyado akong hindi nag-iisip nang maayos?

Pinitik ni Maisie sa harapan ko ang mga daliri niya. Natawa tuloy si Sky dahil sa gulat kong naging reaksyon.

"Kanina ka pa tulala d'yan? Ano bang iniisip mo?"

"Baka lang kasi sinabi niya na nga sa Alkalde iyong pinagsasabi ko nang nakaraan. Tingin mo, Mace?"

Maisie shrugged. "Tsismoso ba 'yang si Maverick? Mukha hindi at ang labo namang ilaglag ka niya ng ganoon-ganoon na lang sa Papa niya."

Tinapik ni Maggie ang balikat ko kaya ako napatingin sa kanya. Pilit pang nilulunok ang manggang nasa bunganga para magbigay opinyon din.

"Kaya nga ang payo ko sayo, hindi ba? Na mag-ingat ka kay Maverick, lalo na at matalas ang pag-iisip no'n! Pero tama si Maisie, ang labo namang ilaglag ka ni Maverick sa Papa niya kung sakali man. Parang wala naman yata siyang pakialam sa mga plano ng Alkalde para ilaglag ka? Pero ano pa ba ang mga nasabi mo? Baka naman nagpahalata ka na may plano tayo sa kanya?"

I could not answer Maggie. Ang opinyon ko r'yan ay hindi. Maverick Galdeano hasn't caught up to my ulterior motives yet, but if I continue persisting, then he eventually might. Iniisip ko pa lang, halos hindi ko na matanto ang posibleng mangyari kung sakali mang mahuli kami ni Maverick sa pinaplano namin.

He would raise hell for me, wouldn't he? Na hindi niya ako titigilan hanggang sa kamatayan hangga't hindi ko pa natatamasa ang paghihiganti niya. Even thinking about what will happen, churns my stomach upside down. Oo. Takot na takot ako kung sakali nga'ng malaman niya ang planong 'to.

"H'wag mo nang takutin 'yang si Taly, Maggie! Takot na nga, eh, tinatakot mo pa ng husto."

Natawa ang tatlo pero hindi maatim ng sikmura ko ang matawa sa nasabi ni Maggie.

She is a hundred-percent right. I should really be careful around Maverick, and I should not act suspicious around him as though I have sneaky motives up my sleeve.

Tumaas ang kilay ko nang seryosong bumababad sina Maisie at Sky sa telepono, para bang may binabasang importante mula roon. Magtatanong na sana ako nang ipinakita na ni Sky ang binabasa sa amin ni Maggie. Iritadong umirap sa Maggie sa nabasang article, hindi ko pa 'yon nabasa nang buo nang bigla binawi ni Sky ang kamay at telepono. Pero nasisiguro kong news article iyong ipinakita niya sa akin.

"Natural lang! Nakakairita talaga!" pagalit ang tono ng komento ni Maggie na siyang tinanggo naman ni Maisie at Sky bilang pagsang-ayon.

"Natural ang alin, Maggie? Ano ba iyong balita?"

Sabay nila akong tinignan sa inosente kong tanong. Maggie clicked her tongue, but is ready to finally enlighten me with the news.

"May alam ka ba sa Aboitiz conglomerate?" inisiyal niya akong tinanong.

Umiling ako.

Kita ko nga'ng malaki ang apelyidong 'yon sa article kanina. Pero bakit? Ano ang kinalaman nila sa pinag-uusapan namin ngayon? Tumahimik naman sina Maisie at Sky, na parang binigay na ang karapatang magpaliwanag kay Maggie.

The Wrath Ablaze (Buenavista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon