Chapter 6

1K 11 10
                                    

Chapter 6
Air


"Tanya..."

Rinig at ramdam ko ang pamamaos sa tono ng lalaki na parang nawawalan na ng paghinga.

Kausap niya ang Mama ko nang masinsinan. Ang nakapagtataka, ni minsa'y hindi ko pa siya nakitang pumarito sa amin. Nasisiguro kong dayo siya sa Salde o kahit saang parte pa ng Antique kung ibabase lang sa kasuotan niya ngayon. He doesn't look like he belongs here.

Kaya ano ang dahilan ng pagpunta niya rito sa amin?

Sa kagustuhan kong masilayan ang mukha ng lalaking bumisita, sapilitan kong isinisiksik ang sarili sa maliit na siwang sa pintuan ng kuwarto ko, nag-iingat na huwag makalikha ng walang kabuluhang ingay. Agad akong dinalaw ng takot sa nangingilid na luha ng Mama ko. Binalot ako ng takot sa posibleng mga rason sa pagpaparito ng lalaking 'to.

My mother is in trouble, isn't she? Is that why this man is here? To make her pay for her shortcomings to him?

"Umalis ka na, Eres! Pakiusap!" Mama yelled hysterically.

"You cannot make me leave until you answer my goddamn questions, woman!"

The unknown man reached out for her hand, but she immediately stepped back to avoid him. Sa patuloy na pag-agos ng luha at pag-aalala sa Mama ko, alam ko na yata ang sagot sa sarili kong tanong. She is indeed in deep trouble.

"'Wag mo akong hahawakan! Lumayo ka!"

"Tara, please! For one second," he shouted frustratedly. "Can you just tell me the truth? You owe me the fucking truth!"

"Wala akong dapat na ipaliwanag sa'yo! At mas lalong wala kang karapatang pumarito pa! Ipapahamak mo ako, kami, sa ginagawa mong 'to!"

The man's broad shoulders blocked my line of sight. I could no longer see how hysterical my mother's reaction was to the mere presence of this man. A strange feeling in the pit of my stomach started to grow even more.

Who is this man exactly? Ano ang kailangan niyang malamang katotohanan? This conversation seemed too urgent and important!

"Tara!"

I flinched on the man's thunderous voice. Mas lumalalim ang paghinga ko.

"Ilang taon na ang bata?"

"Pakiusap, Eres! Nag-i-imbento ka ng mga walang kuwentang bagay! Umalis ka na rito sa pamamahay ko, kung maaari?!"

"Ilang taon na ang bata?" His voice was calmer this time, almost yearning for something precious that he had lost.

"Wala akong dapat na ipaliwanag sa'yo!"

I can sense the desperation in him, and I think I recognized that desperation with my own anguish I had concealed for years.

Kaya mas lumalim ang kabang nararamdaman pero mas lumalim din ang pag-asang sa wakas ay dumating na ang pinagdarasal kong sandali. I always prayed so hard for that day where my father would magically show up here to pull us out of our struggles in this little town. I honestly could not believe this moment was here finally.

This man is my father, isn't he? He came for me, for us!

"You had my child and you choose to continue to lie and run away from me. Now you tell me the truth, once and for all, is she my daughter?!"

"No..."

Naaaninag ko muli ang nangingilid na luha ni Mama sa maliit na galaw ng lalaki. Mama shook her head unhurriedly at that question. Iniwas niya ang tingin pababa sa sahig na para bang ubos na ubos na ang sarili sa pagpapaliwanag.

The Wrath Ablaze (Buenavista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon