Chapter 24

1K 16 2
                                    

Chapter 24
Justice


"You are the sole proprietor of Coûteux de Blanc, Miss," said the lady in crisp white suit and pants.

Napakurap-kurap ako. "Hindi ho... kita naiintindihan, Ma'am-"

"Dios mio! Ano pa ang hindi mo naiintindihan sa tagapagmana ka, Tatiana!" si Tiya Maya sa matinis na boses.

Yes, I heard the lady loud and clear. She repeated herself a few times already. Ngunit lahat ng sinasabi niya, na tagapagmana ako, nakapaimposible kasing paniwalaan agad!

Pinapalabas at sinasabi niyang nagsinungaling si Mama sa totoo kong pagkatao. Mama lied to me about everything. Lahat-lahat. Everything I knew growing up was a false narrative. That's what this lady is saying right now!

"Your mother changed your name which is why we had a hard time finding you," she added. "Both of you lived humbly, kaya mas naging mahirap ang paghahanap sa inyo. Ngayon lang kita natunton, Miss."

Tiya Maya clicked her tongue making me glance at her.

"Ganyan talaga ang Mama mo kahit noon pa, eh! Misteryoso at iilang tao lang ang pinagkakatiwalaan. Hindi na ako magtataka kung talagang nakapag-asawa siya ng mayaman!"

"Pero wala ho siyang nababangit tungkol dito, Tiya," agap ko.

"Gaya nga ng sabi ko, ganoon talaga ang Mama mo kahit noon paman. Kahit nga sa'kin, wala siyang nabanggit tungkol sa Papa mo. Inakala kong patay na o talagang ang dati niyang kasintahan noon ang-"

"Tito Eres is not my father, Tiya..."

"At mabuting napatunayan nang hindi! Akala ko talagang pinabulaanan lang ng Mama mo noon tuwing inaasar ko siya kasi pamilyado 'yong tao, hindi pala talaga siya ang tunay mong ama!"

Muling tinitigan ni Tiya ang babae. Tinuro niya ang babae gamit ang bibig kaya napabaling din ako. The lady sported a stoic expression while standing in front of us.

"Naniniwala ka ba sa kanya?"

Napalunok ako. "Mukhang totoo naman po ang mga ebidensiya niya, e."

"Pero isipin mo, anak, kung pinakasalan ng Mama mo ang Papa mo pero sa huli'y at tinakas ka niya, paniguradong may rason iyon," mahina niyang bulong sa akin. "Paano pala kung malupit at masamang tao ang Papa mo? Ipapahamak mo lalo ang sarili mo neto..."

What she said struck me. Natigilan ako kasi maaaring totoo ang sinasabi ni Tiya Maya tungkol sa pagkatao ng Papa ko. Sa ngayon, hindi ko na alam ang mararamdaman at iisipin ko. O kung alin ang paniniwalaan ko.

Dahil nanatili ang tingin ko sa babae, kita ko ang pagtaas niya ng kilay sa sinabi ni Tiya Maya. Naging linya ang bibig ni Tiya at tumahimik bigla sa gilid ko. At bago pa humaba itong usapan, marahil ay dapat ko nang tapusin. Lalo na at mapagkakatiwalaan naman ang babae, pati na rin ang mga ebidensiyang hawak niya.

"Ma'am-"

"You can call me Attorney, Miss." She smiled warmly.

"Uh... Attorney, nakakasiguro ho ba kayong hindi kayo nagkakamali lang?"

The attorney shook her head unhurriedly and smiled again. "I understand your confusion. Everything is hard to follow for now. But I'm sure, Miss. You are the heiress of Coûteux de Blanc Champagne. You're the long lost daughter of Mr. Pierre Laurent."

Doon ako muling natameme at hindi nakapagsalita.

Nagmamatigas pa rin ako sa kanya kahit na ilang papeles at larawan na ang ipinakita niya sa akin. Sa loob-loob ko naman, walang duda na ako ang hinahanap niyang tagapagmana ng pinakamalawak na vineyard sa Champagne. Kaduda-duda pa kung iisipin, naniniguro lang ako kaya ako nagmamatigas.

The Wrath Ablaze (Buenavista Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon