Sam's POV
"Ahemm, Ahemmm"
sino ba tong lokong to, kung inuubo siya, lumabas kaya muna siya ng room baka makahawa pa eh.. Nagising uloy ako!!!
"Ahemm, Ahemmm"
ay talaga naman, ayaw tumigil! Patients is a virtue! Patients is a virtue!! Pasensyahan mo na Sam!!
"Ahemm, Ahemmm"
Nakoooo naman talaga!! Baka gusto niya maging PATIENT kapag di ako naka pagpigil dito!!! Last nalang talaga, last nalang! gRrrrr...
"Ahemm, Ahemmm"
ay naman talaga, ayaw na papigil ng Puso ko sa inis at ang utak ko..
"KUNG INUUBO KA, LUMABAS KA NG CLASSROOM AT SA LABAS MO ILABAS ANG PLEMA MONG TINATAGO" sigaw ko sabay tayo pero di ko naman kaharap ang taong umuubo
Teka, parang may kumakalabit sa likod ko ahhh... Napatingin naman ako sa likod ko..
Ayyy!! SHONGA ka talaga SAM, teacher ko pala!! GAGEEEE!!!!! Patay ako nito ehh.. Anferneessseee sa kanya gwapo siya, di nga nagkakamali si Cassy, may itsura rin pala to si Sir noh? Pero bago to for sure ngayon ko lang nakita to dito ehhh
"Excuse me, kung ako pinapalabas mo dahil sa pag-ubo ko KUNO, eh mas mabuti ata na umiwi ka sa bahay mo at doon ka matulog at hindi sa klase ko" nakataas pa talaga ang kilay ni Sir pagkasabi niya ng ganun
"Gwapo nga, may attitude naman" pabulong kong sabi
"Anong sabi mo *tiningnan niya ang I.D ko* Ms. de Guzman?"
"Wala po Sir, sabi ko po Gwa..este Sorry po if nakatulog ako" mabuti nalang at bingi to si Sir at di niya narinig..
"Ms. de Guzman, I know that the De Guzman family are co-owners of this school but hindi ako takot sa impluwensya mo. At...*HE LOOK ME IN THE EYE ,bakit parang may kakaiba dito kay Sir, lakas ng epekto ng titig nya sa akin!* hindi ako bingi para di marinig ang sinabi mo kanina!"
Narinig naman pala nya ehh.,. Hirap espelengin nitong si Sir! IBA! BALIW NA TEACHER! HEHEHE JOKE LANG, pero in all fairness Gwapo siya, bata pa talaga at may pagka-artistahin ang dating siguro pag nag-audition at kinaharap si Vice Ganda siguro pasok na to agad. Pwede i-take home ang beauty ni Sir ehh.. PERO ANG SUNGIT, AKALA MO KUNG SINO! KUNG GANYAN RIN NAMAN UGALI NIYA, DI NA RIN OI!!!MAGPAPANTASYA NALANG AKO SA PANGIT!!! Ay, hindi rin pala, ayoko ko sa pangit baka malahian pa ang lahi naming magaganda ng lahi ni CHETA-EH GANDA LALAKE (movie yan ni Rene Requiestas) HAHAHAHA
"Narinig...w-what i m-m-mean Sir, I'm so sorry Sir, di na po mauulit" nauutal pa talaga ako kasi nakakabaliw ang titig ehh, kung literal lang talaga na matutunaw ka sa titig, tunaw na talaga ako ngayon!
Hindi na nagsalita ulit si Sir kaya umupo na ako sa chair ko, alangan naman sa chair niya, ano ako guro? hehe.. Hala sige, barahin ko pa ang sarili ko! Saya ko noh?, kahit na napahiya kay Sir. Okay lang babawi nalang ako.
Kung iniisip niyo na babawi ako sa pamamagitan ng pakikinig at pagpapaticipate sa klase niya, PWES, malaking X yan!, never akong nakinig sa math at never akong nagpaparticipate kasi hate ko talaga yan, pasang-awa nga grades ko sa math from First Year eh, gagamitin ko nalang ang charms ko at bibigyan ko nalang rin ng chocolates si Sir para makabawi..HEHEHE
Ayun na sa wakas, lumakad na siya papunta sa front at umupo sa upuan niya at tinitingnan lang kami, eto namang mga kaklase ko kinikilig kapag nag-aabot ang mga mata nila kay Sir!
"Matulog ka pa para mapagalitan ka na namin ni Sir" narinig kong bulong ni Krieve. Bulong ba yun?, eh rinig na rinig ko ehh..hahaha.. Lakas talaga ng Hearing senses ko.. Thank you Lord!
"Ako ba ang kinakausap mo?"-ako
"Ahhh, hindi, hindi.Yung laway mo sa desk mo ang kinakausap ko." sabi niya habang tinuturo ang laway ko na naiwan ko sa desk ko!
NAKAKAHIYA!!!! (-__-")
Isip ka ng dahila Sam...DALI!!! Baka ma turn-off si Krieve sayo, di pa nga naka turn-on eh matu-turn-off na agad dahil sa laway mo! Isip ka bata!
(LIGHT BULB)AYON BINGO!!, GALING KO TALAGA MAG-ISIP****
"Hindi yan laway Krieve noh, pawis yan!, kita mo ngang pinapawis ako eh"
"Asan ang pawis mo Sam? Naka aircon tayo, kahit pa ang paa mo hindi mapapawisan dahil sa lamig dito sa loob. Nagpapalusot ka pa eh.. Linisin mo na nga lang yan kadiri ka kasi eh!"
Hindi rin nag work ang idea ko, more like ang STUPID IDEA ko! Stupid! Grr.. napahiya na naman ako.. Bakit ba kasi tulo laway pa ako kung matulog ehhh, yan tuloy!!! Wala narin akong nagawa kasi nahihiya na talaga ako ehh, kaya pinunasan ko nalang ang laway ko gamit ang palda kO..hehehehe.. Kadiri ba? Okay lang yun, di naman kita eh! HAHAHA
Naisip ko nga pala yung sinabi ni Sir sa akin kanina na hindi siya takot sa impluwensya ko dahil nga ang family ko ay ang co-owner ng school na to ehh, akala siguro niya ginagamit ko ang impluwensiya ko sa school nato, ang sakit naman ng sinabi nya. Kahit kailan di ko pinagyabang at hindi ko ginagamit ang impluwensya ko bilang isang De Guzman sa paaralang to. Lumulugar ako at hindi manggagamit. EMO NA NAMAN AKO NITO!!! :'((
BINABASA MO ANG
Unordinary Love (A Student, Teacher Love Story)
RomanceSa buhay, hindi mo mapipili ang magiging kaibagan mo, kaaway at syempre ang mamahalin mo. Basta-basta mo lang mararamdam kahit na hindi mo hanapin, minsan nagtataka ka pa kong bakit mo siya mahal.. Ito ay Unordinary Love Story ..