Sam's POV
Andito ako ngayon sa canteen kasama sina Cassy at Licka
"Ano? Bakit ka raw tinawag ni Sir Xander?" tanong ni Licka habang binabayaran yung orders namin. Yes, libre kasi niya ngayon. Mayaman to eh. Haha
"Oo nga. Swerte mo ah kasi kinakausap ka niya." Cassy
Swerte ba yun? eh pinapahiya at pinapagalitan lang naman ako nun eh
"Swerte talaga? Matinde eto! Haha" sabi ko habang tinutulungan bitbitin yung mga pagkain sa table namin.
Di ko makuhang makita kung ano ang swerte dun.
"Eh, ano nga? Bakit nga?" tanong ni Licka habang inuupakan yung burger na binili niya.
Upak talaga kasi sa aming tatlo, si Licka ang pinaka malakas kumain. Si Cassy naman, ang hinhin kumain.
"Sinabi lang niya kasi "You know, you don't have to be rude. If you don't like me, then, same here." " sabi ko habang kinokopya yung boses ni Sunget at may pa arte arte pa sa kamay.
"Oo nga naman, ang rude mo naman kasi sa kanya." Cassy
"Aish!, change topic na nga, sino partners niyo? Tayong tatlo nalang kaya?" ang talino ko talaga. Hihi
"Partners nga diba? San sa salitang "PARTNERS" and di mo maintindihan para i explain ko sayo. Partners te, di trio! Gaga." sungit nitong si Licka!
"Galit ka na niyan? Relax no!" di naman ako galit. Lambingan namin to noh!
"Kami ni Licka ang partners. So, sino partner mo?" sabi ni Cassy habang umaakbay kay Licka at todo ngiti!
Iwan ba daw ako? Bakit di ko alam? Huhu
"Sorry girl ah, prangkahan na to. Ayaw kong partner ka kasi ang tamad mo eh, baka di ko matapos yung project ni Sir. Hihi." ang sakit ng sinabi mo Licka ah! Grabi ka! :'(
"Di, okay lang. Alam ko naman. Hahanap nalang ako" sana nga makahanap ako.
Natapos na yung klase namin ngayong araw. At tungkol dun sa project namin kay Mr. Sunget sa PE kasi nga siya na yung bagong teacher, yung mag-partner ay magpapakita ng isang talent, kahit ano basta talent.
Ano naman daw talent ko?
At wala pa akong partner.
Kanina nga nag usap usap na yung magkaka partner, at ako lang ang wala pang kausap. Huhu saklap talaga. At ang nakakainis, nakita kong tumingin si Mr Sunget sa akin at ngumiti ng nakakaloko kasi nakaupo lang ako at nakabusangot.
Bahala na si Batman neto. Next week pa naman yun ipe-present sa buong klase.
Sa bahay......
Andito na ako sa kama. Nag-iisip kung ano ang ita-talent ko. Di naman kasi pwedeng individual kasi even number naman yung bilang naming lahat so lahat dapat may partner. At di ko rin naman kayang magperform ng nag iisa mahiyain kasi ako eh, di lang halata. Hihi
Habang nag-iisip ako at maluhaluha na dito, tumunog cellphone ko, message ata.
From: unknown number
Wala ka pang partner? Ako rin wala eh. Tayo nalang?
END OF TEXT
Sino naman to?
Aba, may gusto pa palang maka partner ako! Hehe
Maka reply nga
Sige ba, pero sino ka ba?
BINABASA MO ANG
Unordinary Love (A Student, Teacher Love Story)
RomanceSa buhay, hindi mo mapipili ang magiging kaibagan mo, kaaway at syempre ang mamahalin mo. Basta-basta mo lang mararamdam kahit na hindi mo hanapin, minsan nagtataka ka pa kong bakit mo siya mahal.. Ito ay Unordinary Love Story ..