Chapter 8: She cried a River

314 4 2
                                    

Sam's POV

Nang nakauwi na ako. Nakita ko kaagad si manang.

"Sam, anak?, bakit ka andito? Di ba dapat nasa school ka palang? At bakit umiiyak ka?" 

kita kong nag-aalala si Manang.

Siya si Manang Lusing. Parang Nanay ko na yan eh. Siya ang nag-aalaga sa akin simula pa bata pa lang ako.

Di naman talaga ako sutil katulad ng akala niyo. Ginagawa ko lang to para mapansin ako nina Mama at Papa.

"Okay lang ako Manang. May nangyari lang sa school." walang gana kong tugon sa kanya. Wala lang talaga ako sa mood eh.

Pasensya na Manang.

"Ok sige, di na kita kukulitin pa. Magpahinga ka na. Tawagin nalang kita kung kakain na." sabi ni manang sabay haplos niya sa ulo ko. Kahit talaga anong pagtataray ang gawin ko sa kanya di niya parin ako kinamuhian. Masaya ako at andito siya eh.

MASAYA, masaya nga ba talaga ako.

Di bale na, papasok nalang ako ng kwarto

Dali-dali akong nagbihis ng pambahay at humiga na sa kama. Di ko lubos maisip na pinabayaan ako ng magulang ko.

Kompleto naman ako sa lahat ng luho kaso lang parang kulang eh... Kulang ang pagmamahal nila

Di parin ako mapakali sa nangyari sakin kanina, nagkasagutan pa kami ni Sir Sunget and worsts, napahiya ako. 

Tadhana nga naman. Magbibiro na nga lang di pa siniguradong nakakatawa.

Nagpagulong-gulong ako sa kama ng mag ring ang phone ko

Kriiinnnngggggggg...kkkkrrrriiiiiiinnnnnnnggggggggggg....

Aish, sino na naman ba to?

Tinignan ko ang caller ID at si mama pala.

Sumaya ako ng kahit onti dahil naalala pala nila ako.

Sinagot ko kaagad bago pa mawala.

"Hello? MAMA KO!!!!" masaya kong bati sa kanya. Miss na miss ko na sila ni Papa ehh

"Sam?, kamusta na?" alam kong pagod si mama dahil sa tono ng pananalita niya. Naka-stress siguro ang mag trabaho. Kaya kung mag-aasawa ako dapat ang lalaki ang magta-trabaho at bumuhay sa akin.

"Okay na okay na Ma dahil tumawag ka? Kailan kayo uuwi ni Papa? Malapit na birthday ko ma eh. Dapat andito kayo" excited na ako sa birthday ko. At umaasa akong makakarating sila kahit na ni minsan man lang sa buong buhay ko di sila nakapunta sa birthday ko. Si Manang lang lagi kasama ko. 

Pero umaasa parin naman ako na darating sila

"Ah eh. Di kami makakapunta Sam eh. Kailangan naming pumunta ng Florida ng Papa mo kasi may client kami doon. Pero magpapadala naman ako ng mga bags, damit, shoes at marami pang iba sa birthday mo. Bibigyan nalang kita ng pera para pang celebrate mo ah."

Nanlumo ako sa sinabi ng Mama ko. 

NOT AGAIN!!! >.<

Nasaktan na naman ako.

Dinurog na naman ako.

Di ko alam ang sasabihin ko at bigla nalang lumabas ang mga katangang ito sa bibig ko;

"Di ko kailangan ang lahat ng yan. Kayo ang kailangan ko. Magulang ko ba talaga kayo? Anak ba talaga niyo ako o ampon lang? Di ko kasi maramdam ang pagmamahal niyo eh"

Binaba ko na ang phone bago ko pa marinig ang sasabihin ni Mama. Siguradong pagagalitan ako nun kasi bakit nga ba daw ako nagrereklamo eh lahat naman binibigay nila..

Unordinary Love (A Student, Teacher Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon