Chapter 7

388 34 12
                                    

Katulad no'ng mga nakaraang araw, online na naman si Irene.

Nagtataka ako kung bakit no'ng una naman, o bago mangyari 'to, hindi naman nangyaring gising siya ng ganitong oras ng umaga. Ayun nga lang, nang nakita niya akong online, iisa lang ang chat niya.


Irene: be safe, okay? Tulog na ulit ako. I love you

Humphrey: Kagigising mo lang?


Pero hindi na siya nag-reply.

Bumangon ako sa kama at nagtimpla ng kape para umpisahan ang panibagong realidad. Saan ko na siya susunod na dadalhin?

Binuksan ko ang internet at nagtayp ng keywords: Date ideas. Natawa ako dahil aminado naman akong wala akong bahid ng pagka-romantic dahil mas practical akong tao. Tapos heto ako, walang kaide-ideya kung paano mas gawing espesyal ang mga araw para kay Irene. Madalas kasi, okay na kami sa movie, kakain, matutulog nang magkasama. Minsan pupunta kami sa iba't ibang lugar at hahayaan ko lang siyang maglakad-lakad habang pinapanood ko lang siyang nagsasaya.

Napaisip tuloy ako kung paano kami umabot ng limang taon. Paano niya ako natiis?

"Maybe she deserved more," bulong ko bago mag-click ng isang website. Do'n nakasabi, Take her to a dance. Natawa ako dahil alam kong magaling siyang sumayaw. Baka ako pa ang turuan niya.

"Teka, ba't nga di 'yon?" tanong ko sa sarili ko, saka ko kinuha ang cell phone ko para i-chat siya.

 

Humphrey: Turuan mo nga akong sumayaw. :)


Humilata ako sa kama at naghintay na umandar ang oras.

***

Nag-panic ako pagdilat at napatingin sa orasan. Alas nuwebe na ng umaga pero parehas na araw pa rin. Naisip ko tuloy kung umulit ang araw o nakatulog lang ako. Para malaman, tiningnan ko ang phone ko, at do'n ko nalaman na nagpatuloy lang ang takbo ng oras sa realidad na 'to.

"Ah, puwede pala," sabi ko sa sarili ko. Ngayon lang kasi nangyaring nakatulog ako.


Irene: Good morning my bbwuuuu~ luh di ko nakita na may chat ka bago ako matulog kanina

Irene: Hahaha what bakit mo biglang naisip yon? Oo naman, puwede! Tapos record ko. Cute cute mo pa man din pag sumasayaw. 💖

Humphrey: Grabe ka hahaha. Alam mo namang dalawa paa ko!

Irene: Ha? Hahahaha

Humphrey: Pero kung matatawa ka, sige haha

Irene: Bangag ka wu? Dalawa naman talaga paa 🤣

Humphrey: Ay oo nga haha dalawa kaliwang paa ko

Irene: Kaso saan? Maliit space dito and diyan hmm

Irene: Tanong ko si Kian. Alam ko may kakilala siyang may ari ng studio. Kaso siyempre weekend so baka may laman

Humphrey: if wala, we can always rent a room.

Irene: Baka iba puntahan at ibang sayaw magawa natin hahaha 🤪

Humphrey: Ahahaha hindi, stick to schedule tayo 🤪

Irene: ay

Irene: 🥺

Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon