Kian: Uy, okay na yung banner para mamaya. Tinapos namin para bukas setup na lang. Anong oras mo siya iuuwi sa kanila?
Tiningnan ko ang oras: 3:14 p.m. Saan ko pa ba puwedeng dalhin si Irene nang ganitong oras? Bakit sobrang tagal ko namang "tulog"?
Napatingin ako ulit sa message ni Kian. Kahit ano pang oras, ito ang hudyat ng umpisa ng araw, ang unang makikita ko sa paggising ko. Napatingin din naman ako sa reply ko. Araw-araw, kada magigising ako sa bagong realidad, iba-iba ang pinapadala kong message, pero pare-parehas lang ang mensahe:
Ako: Bukas na lang. Sunday.
Kian: Ha? Alam nina tito at tita na ngayon di ba?
Ayan na 'yong sumunod niyang reply. At katulad ng dati, dahan-dahan kong tinayp: Dalhin ko muna si Irene sa ibang lugar siguro . . .
Nagbuntonghininga ako, saka ko binura 'yong una kong tinatayp.
Humphrey: Kian, kape tayo. Ako na sagot.
Humphrey: Groom to maid of honor
Kian: Man of honor tawag don pre
Humphrey: Haha ano, game?
Kian: Bat biglaan? Ipagpapaliban mo yung araw na to para makipagkape sa kin?
Kian: Anong sumapi sayo?
Kian: Sinabihan ka ni Irene na kausapin ba ko?
Humphrey: Ha? Hindi
Humphrey: Minsan lang ako magyaya.
Humphrey: May gusto lang akong linawin
Kian: Na di pwede rito?
Humphrey: Pwede naman. Pero mahirap kasi kapain ng tono rito
Humphrey: Gusto ko rin ng kape sa labas
Kian: Sige, saan at anong oras?
Pagtapos naming i-set ang oras at lugar, naligo't nagbihis na ako. Iniisip ko rin kung saan kami pupunta ngayon ni Irene. Ano pa bang kaya namin gawin sa loob ng iilang oras na magkakasama kami ngayon . . . bago ako umulit ng panibagong realidad?
Unti-unti ka nang nasasanay?
Nakarinig ako ng isang pamilyar na boses. Tiningnan ko kung saan galing, pero kada lingon ko, natatakot din ako na biglang magpakita si Irene . . . na hindi si Irene.
Bakit kaya naririnig mo na ako?
"Tumigil ka na, pu—" isisgaw ko sana, hawak-hawak ang cell phone kong hand ana ibato sa ere. Pero huminga ako nang malalim at sinabi sa sarili kong hindi ako papalag.
Dahil kung papalag ako, para ko na ring sinabing totoo ang mga sinasabi niya.
At kahit sa kahuli-hulihang segundo ng pag-alis ko sa kuwarto, narinig ko ang boses niya. Napahigpit ako ng hawak sa pinto dahil hindi ko alam kung paano tatanggapin ang mga salitang narinig ko bago ako tuluyang umalis:
BINABASA MO ANG
Over Again
Ficción GeneralMatapos ang isang di kanais-nais na aksidente, namulat na lang si Humphrey at napagtantong nabigyan siya ng isa pang pagkakataon upang makasama pa ang long-term girlfriend niyang si Irene. Kung tutuusin, sa pagkakataong ito, pupuwede niyang makasama...