Chapter 10

398 36 21
                                    

Humphrey: bb wuuuuu

Irene: henlo :>

Humphrey: san mo gusto pumunta ngayon?

Irene: can I stay home muna?


Nanlaki ang mga mata ko. Unang beses yatang nangyari na hindi kami magkikita kung saka-sakali. Pero kung gan'on . . . e di . . .


Humphrey: anywhere?

Humphrey: I just want to see you.

Irene: Bukas wu. promise.

Irene: Gusto ko lang magpahinga muna ngayon.


Hindi naman na kami aabutin ng bukas.


Humphrey: please? 🥺

Irene: bakit mapilit ka ngayon? 😲

Humphrey: I just miss you.

Irene: halaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

Irene: I miss you too bb wu 🥺

Irene: you don't know how much i miss you

Irene: okee we see each other today 😠

Irene: hay rupok ko para sayo kainis 😠

Humphrey: hahaha

Humphrey: thank you. I love you

Irene: saan ba tayo?


Napalipat ako ng browsing tab at naghanap ng gagawin. Dapat pala naka-bookmark na 'yong mga search results sa "things to do during your first date"—o sa akin, last date—pero naisip ko na di rin nga pala magpapakita 'yon sa susunod na realidad pagkagising ko.

"Maaalala mo naman," sabi ko sa sarili ko.

Napasandal ako sa upuan. Hindi patas. Naaalala ko bawat araw, pero para kay Irene, wala lang 'yon. Nararamdaman ko ang sakit sa bawat pagkawala, sa bawat pagkatapos, pero para kay Irene, hindi 'yon nangyari.

Pinikit ko ang mga mata ko.

At nagulat ako nang sa utak ko, bigla kong naisip ang liwanag na nagpakita sa 'kin bago 'to nangyari.

Napadilat ako agad. Sinampal ko ang sarili ko at pumunta sa banyo para maghugas ng mukha.

Sa loob-loob ko, kasalanan ang isipin ang liwanag na 'yon. Mali, hindi pala. Mas tama yata ang bawal ko isipin 'yon.

Pinagbabawalan ko ang sarili kong isipin 'yon.


Irene: wu?

Irene: still here?

Humphrey: gusto mo magluto sa min?

Humphrey: maggrocery na lang


Dahil saktong lumabas ang "Cook with Your Partner" suggestion sa internet.


Irene: game!!! Saktong panglunch!!!

Irene: come to think of it. Di pa natin to nagagawa no haha

Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon