Chapter 13

214 36 8
                                    

Pinili kong hindi mag-reply kay Kian. Pinili ko ring hindi mag-reply kay Irene buong araw. Tumakas ako at pumunta sa ibang lugar—kahit saan man ako abutin—para lang malaman kung anong pakiramdam na natatapos ang araw nang wala si Irene tabi ko.

Pero kahit hindi kami nagkikita . . .

Kahit sa'n man ako magpunta . . . kahit gaano kalayo . . .

Paggising ko "kinabukasan," kisame ko pa rin ang unang haharap sa akin. At ang petsa, iyon pa rin.

Inulit ko 'yon sa sumunod na realidad . . . at sa susunod . . . at sa susunod. Hanggang sa isang araw, napahinga na lang ako at napabulong.

"Pagod na ako."

"Ayun, naamin mo na rin," may nagsalita at alam kong boses ng elemento 'yon. Napabangon ako, iniisip na makikita siyang ginagaya si Irene, pero di ko siya makita.

"Sa'n ka?" tanong ko bago ako bumangon at nagtimpla ng kape.

"Anong sa'n ako?"

"Di kita makita."

"Bakit mo ako makikita?"

"Ha?" Kumunot ang noo ko dahil di ko siya maintindihan. Napatigil din ako sa pagtimpla ng kape. "Sa'n ka nga?"

"Hindi mo 'ko makikita," sabi ng boses, "kasi ito na ang gusto mo."

Napatigil ako.

Gusto ko?

Gusto kong . . . mawala?

Bago pa man may lumabas sa bibig ko, biglang nagring ang phone ko. Napaisip tuloy ako na di ko pa pala nasasagot 'yong message ni Kian.

Pero, ewan. Nawalan na ako ng gana.

Dinampot ko 'yong phone ko sa kama. Gulat nga lang ako nang hindi pala si Kian ang tumatawag. Si Irene pala.

"Wu—"

"Humphrey," sabi niya, halos bulong. "Napapagod na ako."

Napatigil ako, pero buti na lang, bago ako sumagot, nagbuntonghininga siya na parang may susunod siyang sasabihin.

"Puwede ba tayo mag-date? As in the simple date that we usually do. Chill lang."

Napaupo ako sa kama. "Oo naman. Talaga namang ide-date kita ngayon."

"Gusto ko lang manood ng movie, pumuntang bookstore, magkape. Ta's puwede na tayong umuwi."

"All right. Anong oras mo gusto?"

"Now na. Pagbaba, maliligo na ako. I want to spend my whole day with you."

"Sige, maghahanda na rin ako. I love you."

"I love you too, Humphrey."

May kakaiba sa boses niya pati sa mga pinili niyang mga salita—pero di ko rin masabi kung bakit. Kung sabagay, ilang "realidad" na ba ang lumipas na di kami nagkikita? Apat? Lima? Anim? Parang ang tagal na sa 'kin, pero kung tutuusin, para sa kanya, kahapon lang kami huling nagkita.

Ang nakapagtataka lang, pagbaba ko ng tawag, umaasa akong may text galing kay Kian . . . pero wala. Napaisip tuloy ako kung di ko sinasadyang mabura bago ko sinagot ang tawag niya.

***

Nang sinundo ko siya sa kanila, nanlaki ang mga mata ko. Matapos ang ilang realidad, doon ko lang napagtanto na iba-iba ang suot niya . . . maliban na lang doon sa damit bago ang lahat ng 'to—isang puting sleeveless sando na pinatungan niya ng maong jacket, pants na may punit-punit sa hita, at black Converse sneakers. Pero ngayong araw na 'to, para akong binalik sa nakaraan . . . dahil iyon ulit ang suot niya.

Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon