Chapter 16

714 55 60
                                    

Nasa tapat na kami ng puntod nina Ma at Pa.

"Hi, Tito, Tita," bati ni Irene. "Maglilinis lang po kami kasi na-miss po kayo ni Humphrey."

Napangiti ako, hindi lang dahil iyon mismo ang sinabi niya no'ng mismong araw na 'to pero dahil mas natural na siya kumpara no'ng nakalipas.

Habang nagtatanggal kami ng damo at dumi, napatingin ako sa malayo. Kitang-kita mula rito ang simbahan . . . kung sa'n unang natapos ang lahat. Nando'n pa rin ang mga kahoy at metal na parte ng construction.

"Wu, are you okay?" tanong niya nang makita niya akong nakatulala. Di nangyari 'to no'ng una dahil wala naman akong ideya sa naghihintay kong katapusan. Napaisip tuloy ako kung hanggang saan ko puwede baguhin ang realidad na 'to . . . o kung bawat katiting na pagbabago sa mga naunang nangyari—katulad nito—e magiging malaki ang epekto.

Tumango ako at nagpatuloy maglinis, saka sinindihan ang kandila. Tumahimik lang kami pareho para magdasal para sa magulang ko. Pero kung noon e tungkol lang sa kanila, ngayon naman e sinama ko na ang relasyon namin ni Irene sa dasal ko.

Kinapa ko ang bulsa ko—nando'n pa rin ang singsing.

No'ng unang beses 'to nangyari, sa harap nina Mama at Papa ako nagpo-propose kay Irene. Naaalala ko pa kung pa'no ko sinabing gusto kong makita man lang ng mga magulang ko kung pa'no ko siya yayain makasama habambuhay, na siya lang ang babaeng makaka-gets sa 'kin, at na siya lang ang babaeng gusto ko makasama hanggang sa dulo at wala ng iba. Naaalala ko rin kung pa'no niya ako niyakap agad, nagsisisigaw ng yes kahit hindi pa ako nagtatanong, at kung pa'no nahulog ang singsing sa damo dahil sa excitement niya.

Napangiti ako nang maalala ko 'yon, pero isasaisip ko na lang. Mga nakalimutang alaala. Mas mabuti ngang ako lang ang nakakaalam na nangyari 'yon. Bakit ko nga ba siya yayayain magpakasal kung alam ko ring hindi naman matutuloy? Hindi ba mas magiging masakit 'yon para sa kanya?

Baka mas madalian si Irene na umandar . . . kung hindi 'yong mangyayari.

"Tara?" tanong ko sa kanya.

"T-tara?"

Tumango ako.

"Saan?"

"Uwi na tayo," sagot ko.

"U-uwi?"

Tumango ako, pero nagtaka dahil parang may alinlangan siyang umuwi. "Bakit? May gusto ka pa bang gawin?"

"W-wala."

Naglakad kami ulit papuntang sasakyan. Noon, pagkatapos kong magpo-propose, dumiretso kami sa ginagawang simbahan dahil gusto niya lang i-imagine kaagad. Tumanggi ako noon, pero nagpumilit siya.

Sumakay ako sa sasakyan at nagbuntonghininga. Inumpisahan ko ang makina kahit hindi ko alam kung sa'n kami pupunta.

"Puwede ba tayong dumaan sa simbahan?"

Nagulat ako nang tinanong niya 'yon. Hindi na natuloy ang plano ko sa puntod ng magulang ko, pero nangyari pa rin—kahit na imbes na may saya sa boses niya, lungkot ang naramdaman ko.

"Hindi."

"Bakit?"

"Ginagawa 'yong simbahan."

"O . . . okay," sagot niya, dinig na dinig ang lungkot sa tono niya.

Pero ininda ko.

Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon