Chapter 15

235 35 2
                                    

Tiningnan ko ang kalendaryo—December 8.

Hindi. Hindi. Hindi 'to puwede.

Tumawag ako kay Kian, pero hindi niya sinasagot. Anong gagawin ko? Ni hindi ko alam kung nasaan sila . . . teka nasa parehas kaya silang ospital na—

May ideya akong nando'n sila sa parehas na ospital kaya mabilis akong nag-drive papunta ro'n. Hindi pa rin sinasagot ni Kian ang tawag ko kaya nagtanong-tanong na ako sa may nurse station.

"Sorry, sir, pero nasa may Room 2019 po."

Sorry?

Sa loob-loob ko, ayaw kong tanggapin ang mga pangyayari. Paano ko matatanggap nang ganito? Hindi naman dapat ganito ang mangyayari. Ako dapat ang mawawala. Siya dapat ang mananatili. Bakit nagkaganito?

Pagpasok ko sa kuwarto, umiiyak silang lahat—si Kian ang mga magulang ni Irene. At sa kama, nando'n siya . . . ang pinakamamahal ko.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya. Parang gago naman kung itatanong ko kung anong nangyari sa kanya sa realidad na 'to na—kung tutuusin—ako dapat ang unang makaalam. Pero dayo ako rito, hindi ko alam kung anong tunay nangyari.

Di ko matanggap.

Di 'to patas.

Galit akong lumabas habang naririnig ko ang pagsigaw ng pangalan ko mula sa mga nasa loob ng kuwarto. Nag-drive ako nang mabilis papunta sa isang drug store, bumili ng sleeping pills, at dumiretso sa bahay para matulog.

Baka paggising, maiba na.

Paggising ko, samot-saring mensahe na ang natanggap ko: my condolences, Humphrey . . . yakap, bro . . . I hope she's in a better place now.


Kian: anong address mo

Kian: di ko alam address mo

Kian: sumagot ka

Kian: NASAAN KA

Kian:

Kian: nagaalala na sina tita sayo

Kian: Hindi ko rin alam kung anong nangyari. Hindi natin alam anong nangyayari kay Irene.

Kian: pre utang na loob sumagot ka


"'Tang ina!" Binato ko 'yong cell phone ko sa pader at ginulo ko pa lalo ang kumot ko dahil gusto kong magwala. Hindi ito ang gusto kong mangyari, at lalong hindi ito ang dapat na mangyari.

Lumabas ako—ni hindi ko na ni-lock ang kuwarto—para magmaneho papunta sa huling lugar na pinuntahan namin ni Irene. Plinano kong pumikit at baka pagdilat ko, December 7 na ulit. Pero kahit gaano man kadiin ang pagpikit ko, paggising ko, nasa bangin pa rin ako.

Napaluhod na lang. Napasuko. Napaiyak.

"Okay ka na?"

Napaangat ako dahil nakaramdam ako ng awra. At tama nga ako, nasa harap ko na si Irene—pero hindi si Irene. Ramdam ko.

Tumakbo ako papunta sa kanya dahil sa galit, pero para akong tangang tumagos sa kanya at sumubsob sa damo. Tumawa pa siya.

"Ibalik mo—" Doon ko lang napansin na para siyang may glitch. Pakurap-kurap ang imahe niya kaya napakunot ang noo ko.

Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon