A short one. Please excuse the wrong grahams 😂 enjoy reading!
------
Lorelei
I imagined my life 10 years from high school for once. Naisip ko kung ano na ang ginagawa ko sa oras na lumipas ang sampung taon. May pamilya na ba ako o may anak na? Busy sa trabaho o walang ginagawa? Mga ganun.
And of course, I once imagined my life with him.
Hindi ko alam kung kailan o paano. Basta nagising ako isang araw, gusto ko na siya- ay mali, mahal pala.
Alam ko sa sarili ko noong mga oras na iyon na kahit anong mangyari, hinding-hindi kailanman mangyayaring magustuhan niya rin ako. At tanggap ko iyon. Nanatili akong kaibigan niya.
At makalipas ang mahabang panahon, habang tinitingnan ko ang photo album kung saan nakalagay ang litrato naming apat, narealized ko na tama ang naging desisyon ko...
"Mommy, daddy's home!"
Mula sa pagtitingin-tingin sa mga litrato, agad na nabaling ang atensyon ko sa isang batang babaeng papasok sa kwarto habang tumatakbo.
"No, baby! Don't run!" Sigaw ko.
She giggled.
"Mom, dad's home!" She yelled excitedly. Her eyes were twinkling with happiness. "Let's go downstairs," sabi niya habang hinihila ang kamay ko.
"Yes, anak. But don't run again like that, okay? Baka madapa ka." Saad ko habang nagpapadala sa paghila niya.
"Alright, mommy." She said as she smiled widely. Napangiti ako sa kacutan niya.
Our four year old daughter, Helena Louisse. She was named after Hel, daughter of Loki, a god in Norse mythology. She's 3 years old. I had her after 7 months of being married. So basically, buntis na ako bago pa ako ikinasal. I can't blame my husband though.
Nang nasa pinto na kami, tumigil siya sa paglalakad. Tiningala ako at itinaas ang kamay. Nagpapabuhat.
"Mommy..." She pouted.
Napabuntong-hininga ako bago siya binuhat. She's four and she weighed more than she should have. Mapapabuntong-hininga ka na lang talaga.
Nagpatuloy kami sa paglalakad papuntang hagdanan, pababa.
"Ang bigat na ng baby namin." Sabi ko pagkatapos ay hinalikan ang matatambok niyang pisngi.
Nagsalubong ang dalawa niyang kilay. Cute.
"I'm not mabigat!" Ay, mana talaga sa ama.
"But you are." I argued.
Nasa pinakahuling parte na kami ng hagdan nang magsimulang mag-tubig ang mga mata niya.
Oh no. Napaiyak ko na naman.
Agad ko naman siyang inalo pero natatawa ng kaunti.
"Mommy was joking, baby. I'm sorry." Pinunasan ko ang pisngi niya gamit ang isang kamay ko. Namumula na ang pisngi pati ang ilong. My baby. "Please stop crying na, baby or else mommy will cry too." Saad ko sa nalulungkot kunwari na boses. Alam ko ang daya ko.

BINABASA MO ANG
Project Mendez
FanfictionThis will be a compilation of Rios-Mendez one-shots stories. And note that this is a pure romance and fanfiction story. Note: This is only a fanfiction. If you want to read the original story, Project Loki, you may visit @AkoSiIbarra's profile.