Loreki

1K 35 10
                                        

Napalingon ako sa katabi ko na nagbuntong-hininga.

Nakahalukipkip si Loki habang bored na nakatingin sa gilid niya. Initunukod niya ang siko sa kaniyang mga hita at saka ipinatong ang baba sa kanyang kamay.

"Kanina ka pa nagbubuntong-hininga ah." Sabi ko sa kaniya. Alam ko naman na hindi talaga siya mahilig sa mga ganitong bagay at napilitan lang siyang sumama. Marami ding tao dito sa gym kaya mas uminit na siya rin sigurong dahilan bakit kating-kati na si Loki umalis dito. "Pwede ka namang bumalik sa club room kung bored ka na talaga. Samahan mo nalang si Freya roon."

"Nah. I'll just wait for you."

"Nasa first quarter pa lang tayo ay inip na inip ka na. Paano pa kaya mamaya?" Nakakunot ang noo kong saad. Halos kakasimula pa lang ng game pero bagot na bagot na siya. Hay nako, Loki.

Tinanggal niya ang pagkakahalumbaba saka mas lumapit sa akin. "Don't mind me." Sabi niya.

"Loki ang init. Umusog ka nga ng konti palayo. Bakit ba ang lapit lapit mo?" Nagtataka kong tanong. Halos wala nang space sa pagitan namin.

Hindi niya ako sinagot sa halip ay nagpatuloy ito sa pagmumuni-muni. Napairap ako. Hindi ko nalang siya ginulo. Nagpatuloy nalang ako sa panonood.

Nagpupunas ako ng pawis nang marinig ko si Loki.

"Ang ganda mo." Napalingon ako sa kanya at natawa.
Titig na titig siya sa akin.

"Tsk. Manood ka nalang, Loki." Pero hindi siya sumunod. Well, he's Loki.

Nagpatuloy ako sa panonood ng game nang maramdaman kong sinusuklay niya ang buhok kong nakalugay. Kaya rin mas uminit kasi nga hindi ako nakapagdala ng pampony.

"Do you have something that we can use to tie your hair?" Tanong niya. Napairap ako.

"I would have tied my hair kung meron." Pamimilosopo ko sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya na parang nainis.

"Tsk."

Binitawan niya ang buhok ko saka kinapa ang kaniyang bulsa, sa likod at sa harap. Nang makapa ang hinahanap, kinuha niya ito. Isang pang-ipit.

"You should bring extra ponytail next time." Sabi niya.

Itinali niya ang aking buhok gamit ang pampony na nakita niya sa bulsa niya.

Wait.

"Bakit ka may ganyan?" Tanong ko.

"What?" Nagtataka niyang tanong. Tapos niya nang itali ako buhok ko. Hindi na masyadong mainit.

"Bakit ka may dalang pampony? At saka, saan 'to galing?" Hindi ko matandaan na may pampony akong naiwan sa kaniya at kulay pink pa.

"I bought this. I know you will forget to bring one, again." Binigyang diin niya ang salitang again.

Napangiti naman ako, "Thank you." Binaling ko ang atensyon ko sa pinapanood.

Nagpatuloy kami sa panonood ng game. Since intrams ngayon, maraming mga pakulo ang mga estudyante. At ngayon nga ay pinapanood namin ang game ng basketball team ng senior high school at junior high. Hindi sana ako manonood pero kailangan. Isa ang attendance sa mga requirement namin sa P.E.

Matapos ang isang oras at kalahati, natapos din naman ang game. Nanalo ang shs.

Napatingin ako kay Loki na nakahawak sa kamay ko. Marami kasing tao ang palabas din at siksikan. Ang iba ay halos madapa na. Sasabay sana ako pero pinigilan niya ako.

Umupo nalang ulit ako.

"Nag text ba sina Jamie at Al sayo?" tanong ko.

"Nope. Why?"

Project MendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon