Lorethor

556 16 1
                                        

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto. Hindi pa naman ako late pero kailangan kong pumasok nang maaga sa school.

Paglabas ko ng pinto, hindi ko na naabutan si Loki. Mas maaga ata siyang umalis sa akin. Lagi naman.

Dumaan muna ako sa kusina para kumuha ng dalawang pirasong tinapay saka kinuha ko na rin ang tumbler ko.

Pagtapos kong mag ayos pa, lumabas na ako at bumaba.

Dahil sa pagmamadali, muntik pa akong matalisod buti na lamang naibalance ko pa ang sarili ko.

Nakarinig ako ng tawa. Napatingin ako sa harap. Si Luthor.

"Careful."

"Tsk. Tinawanan mo lang talaga ako ha," sagot ko.

"I can't do anything with it, love. Malayo ako sayo. Kahit takbuhin ko pa yon, masusubsob ka pa rin," natatawa niyang sabi.

Nangunot ang noo ko, "So wala ka ngang gagawin?"

Nagkibit balikat lang siya saka mas lumapit sa akin. Kinuha ang dala kong bag saka humawak sa aking baywang.

"I promise I won't laugh if ever that happens," he smiled.

"Tinawanan mo na nga ako!"

He chuckled, "It's because you're cute! And hindi naman natuloy," depensa niya.

Inirapan ko na lang siya saka humiwalay sa kaniya. Nauna na ako sa sasakyan. Natawa siya ng mahina saka sumunod sa akin.

Sabay kaming pumapasok. Simula nung naging kami, sinusundo niya na ako. Naging dahilan din kaya kailangan kong mas agahan pa ang paggising ko.

He told me it was okay kung siya ang mag adjust just so he could fetch me. Pero I told him na it is not okay na siya ang ma late lalo na at may posisyon siya sa school. Kaya sinabihan ko siya na wag na lang akong sunduin para fair para sa aming dalawa. But he's Luthor, para siyang BDO, he finds way. Always. Napapayag niya ako. Kaya ito na yung set up namin.

Nung una, syempre mahirap magising ng mas maaga kesa sa nakasanayan kaya medyo naging mahirap para sa akin. Pero as days go by, mas nagugustuhan ko na rin gumising at mag ayos ng mas maaga. May mga araw lang talagang nasosobrahan tulog ko kaya inaakyat niya na ako para gisingin.

Naging mabilis lang ang byahe. Nakarating agad kami sa school namin. Wala naman nang masyadong gagawin maliban sa magpapirma ng clearance at magpractice para sa graduation namin nila Loki next week. Gagraduate na kami ng Senior High.

Pero dahil nga part si Luthor ng student council, kailangan pa rin niyang pumasok ng maaga. Sila kasi ang natulong sa faculty at staffs sa pag-aayos ng mga kakailanganin para sa graduation ceremony.

Pagbaba ng sasakyan, nilakad na namin ang building ng school staffs. Hawak niya ang kamay ko at seryoso lang ang tingin sa daan. Ganon din naman ako.

Maraming napapatingin sa amin dahil nga may kasikatan si Luthor. Isa na rin sa mga dahilan ay dahil kilala nga ang club namin nila Loki na siyang kapatid naman ni Luthor.

Di naman masyadong malayo ang nilakad at inakyat namin dahil nasa third foor lang naman ang office ng student council.

Binuksan ni Luthor ang pinto gamit ang kaniyang kanang kamay. Pagpasok namin, may napatingin sa amin ngunit halos ang lahat ay nagpatuloy lamang sa ginagawa.

May mga estudyanteng hindi kagaya ko na hindi part ng student council ang nasa silid. Nanghihingi ata ng tulong para mag reach out sa kanilang mga guro para isang bagsak na grado.

Dumiretso na si Luthor sa kanyang mini office. Dahil presidente siya ng student council, nagkaron siya ng chance upang magamit ang maliit na silid na ginamit din ng mga nagdaan na presidente ng council.

Project MendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon