Loreki

1.1K 41 18
                                        

Lorelei

Katahimikan ang sumalubong sa akin pagpasok ko ng apartment namin ni Loki. Nilibot ko ang buong sala at kusina ngunit hindi ko pa rin siya nakita.

He must be sleeping.

Alas otso na rin kasi ng gabi. Galing ako sa mall dahil bumili ako ng kulang na materials na gagamitin sa darating na ball na gaganapin sa school namin. Isa kasi ako sa mga officer ng student council at ako ang naatasan na bumili ng mga materials. Actually, dalawa kami ng isa pa sa mga officer pero dahil konti nalang naman din ang bibilhin ko, hindi nalang ako nagpasama.

Naunang umuwi si Loki sa akin kaya posibleng tulog na nga siya.

Ang totoo niyan ay dapat sasamahan niya akong pumunta ng mall pero tinanggihan ko siya. Alam ko naman na mabo-bored lang siya kaya pinauna ko na siyang umuwi.

Nang hindi ko talaga siya makita, dumiretso na ako sa kwarto ko para makapagbihis. Magluluto pa ako ng pagkain dahil hindi na ako nakapag dinner sa mall. Medyo late na rin kasi at mag-isa lang ako. Naisip ko nga na sana pumayag na lang ako sa offer ni Loki eh. Tsk.

Pagbukas ko ng pinto, inaasahan ko na ang makikita ko ay ang natutulog na si Freya. Nakahiga sa kama at may maamong natutulog na mukha. Nagulat ako nang hindi si Freya ang nakita ko kundi si Loki.

Si Loki na nakahiga sa kama ko habang nakapikit ang mata at mahimbing na natutulog. Nakayakap siya sa isang unan ko at animoy inaamoy ito bago siya nakatulog. Ang amo ng mukha, aakalain mong hindi marunong mambara.

Nilapag ko ang mga dala-dala kong mga plastic bags na ang laman ay ang mga materials na binili ko sa isang sulok. Dahan-dahan para hindi makagawa ng ingay at hindi siya magising. Hinubad ko ang suot kong jacket na nakapatong sa suot kong simpleng puting t-shirt. Isinabit ko ito sa clothing rack na malapit sa may pintuan.

Nilapitan ko ang natutulog na si Loki. Umupo sa may gilid ng kama at pinagmasdan siya. Ibang-iba talaga ang aura niya pag tulog at gising. Pag gising siya, napaka cold ng datingan niya pero pag tulog naman, parang tupa sa sobrang amo ng mukha.

Mas tinitigan ko pa siya, mas bingyang pansin ang mga detalye ng mukha niya. Mula sa kaniyang hindi manipis ngunit hindi din makapal na kilay pababa sa kaniya mga mata at mahahabang pilik-mata, sa matangos niyang ilong at makikinis na pisngi, pababa pa sa kaniyang mapupula at alam mong malambot na labi. Bago pa ako malunod ng mga naiisip ko, ibinalik ko ang paningin ko sa mga mata niya.

Nagulat ko nang imulat niya ang mga mata niya ngunit ngumiti rin pagkuwan.

"You're awake. Bakit dito ka natulog?" tanong ko.

Hindi siya sumagot bagkus ay tinitigan lang ako.

Inangat ko ang kamay ko at pinasadahan ang kaniyang malambot na buhok, "Hey. Kumain ka na?"

Umiling siya, "I waited for you..."

Ipinikit niya uli ang mga mata niya. Halatang gustong bumalik sa pagtulog.

Napangiti ako ngunit nabalot din ng pag-aalala ang mukha. Katulad noong highschool, hindi siya nakain pag hindi pinipilit. Ngayong nasa college na kami, 4th year college to be exact, hindi pa rin nawawala ang kasanayan niya na iyon.

Alam kong hindi siya kumain ng lunch kanina dahil tinanong ko siya nang uwian na. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit pinauna ko na siyang umuwi at dinahilan na sandali lang ako sa mall. Nakalimutan ko na ang tigas parin pala ng ulo niya.

Project MendezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon