Third Update: Gonna miss these awesome people!

114 3 4
                                    

Third Update: Gonna miss these awesome people!

Pgkahatid sa akin ni Dad sa venue ay bigla na lang sumalubong sa akin si bestfriend! Sino pa edi si Louie!

“Bro akala ko hindi ka pupunta?”

“Wala lang, napag-isip-isip ko na eto na posibleng eto na yung last chance na magkakasama tayong lahat.”

“Wag naman sana bro.”

Pero possible nga talaga yun =(

Nakakalungkot lang isipin na sa apat na taon kayo yung magkakasama tapos the next day ibang mga tao na yung mga makakasama mo, ibang mga tao na yung makakasalamuha mo at lalong iba na yung mga taong kukumpleto sa sistema ng araw mo.

Ayt. Madrama na yon masyado. J

 “Pogi, Pasalubong!”

Talaga naman tong si Yaya, nagtext pa sa akin. Uwian ko daw siya. HAHA

Habang naglalakad kami ni Louie papuntang resort eh natanaw naming si Angel.

Oops. Awkward yun. Hindi lang para sa kanila ni Louie pero kahit sa aming tatlo. Gaya nga nang sinabi ko, we used to be CLOSE FRIENDS before. But, that was before and it neve happened again. Although nag-uusap pa rin naman kami ni Angel, pero di tulad ng dati. Siguro na rin kasi dahil mas pinili kong samahan si Louie.

“Hi Angel!” – sabi ko

“Hi”

“Asan sila?”

“Ah, nandun (sabay turo sa kubo)”

“Angel, Can we talk?” – Louie

O.o GRABE KA PARE, AT LAST! NAGKAROON KA NA RIN NG LAKAS NG LOOB PARA HARAPIN SIYA. WHEW

Buti na lang nakita ko si Mimi!

“Mi!”

“Uy Randz, wag mo naman kaming iwan---“ – Angel

Too late, nakatakbo na ako. HEHE! Mag-usap kayong dalawa diyan!

“Mi! Kailan tayo puntang Oxfratte?”

“Mmm, wala pa naman sinasabi sa mail.”

“Ay oo nga pala. Excited na talaga ako!”

“Ako nga din, pero bago yang excitement na yan! Gusto ko na talaga matulog!”

“HA? Ano sinasabi mo?”

“Hindi kasi kagabi, 3am na ako nakatulog!”

“Mi! Edi hindi kagabi! Kanina ka lang nakatulog!”

“Hindi, gabi yun! Kasi madilim pa!”

“Madaling araw! Edi umaga!!!”

Naku usapang matalino to’ HAHAHA!

“Ok, Fine, Whatever! Ikaw na Valedictorian!”

“Ay, Sorry na! Oh dali ano ba nangyari?”

“Kasi nga kagabi, yung pinsan ko tumawag tapos humahagulgol ng sobra.”

“Ba’t naman daw?”

“Wala, brineak ng boyfriend niya. Haha”

“Oh, ba’t natawa ka pa?”

“Wala, kasi ba naman. Iba talaga ang nagagawa ng love na yan no? Hayyy. Kaloka lang.”

The Broken PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon