Fourth Update: Hi Tita Jessie! Hi Sef! Hi Vacation! =)

102 3 2
                                    

FOURTH UPDATE: HI TITA JESSIE, HI SEF! HI VACATION =)

Hello! Medyo matatagalan pa ako bago mag-update. Mag out of town kasi kami 

Christmas na kasi eh. 

^___________^

Merry Christmas sa inyo :D

Anyway. Eto na ! :D Enjoy

vvvvvvv

Ilang lingo na rin ang nakakalipas, nakakamiss ang mga classmates ko. Nakakabadtrip lang dahil yung huling pagkikita naming eh, disaster sa part ko. Kasi ba naman, pagkaahon ko sa pool ay nahubuan pala ako. Oh, diba ! Ang macho lang ng dating ko nun =______= Pero nakakahiya talaga yun. After nun, binale wala ko na lang. Kami kami lang naman eh! Para na kaming magkakapatid ng mga iyon.

Siya nga pala, ngayon ang enrolment naming ni Mimi sa Oxfratte.

Nakakakaba! Bakit ganun?

Feeling ko kasi, simula na naman ng bagong chapter and kasabay nun ang panibagong expectations from others. Hindi naman sa napapagod na ako, pero ang laking pressure talaga nun para sa akin. Kaya as much as possible, I need to do the best talaga.

“Huy!”

Ay huy!”

“Ikaw na susunod sa counter!”

“Ay sorry Mi, nalipad ang aking isipan!”

Kagaya nga ng sabi ko, may full scholarship ako dito. Bale, ang binabayaran ko lang ay ang miscellaneous fee. Pero ba’t ganun parang ang mahal pa rin. =_=

“Randz, uwi na ako ah! May party pa kasi yung isa kong friend. Mag-aayos pa ako!”

“Sige, ganyan ka naman. Sinasanay mo na akong walang kasama dito. Sige ganyan ka!”

“Ang drama mo! Sige na bye!”

“Ok. Ingat ka!”

Whew. Loner naman ako dito. Uuwi na ba ako? Tutal, wala na rin namang kailangang asikasuhin. Pero ayaw ko pa umuwi eh. Ang ganda kasi dito sa OXfratte. Malinis, Maaliwalas, Mabango, Daming magaganda (I admit).

“Aray ko naman! Ang sakit ah!”

“Miss, sorry hindi ko sinasadya eh.”

“Mag-ingat kasi sa dinaraanan ha?”

“Tulungan na kita diyan.”

“Wag na! Ako na!”

Pagkuha ko nung mga papel na nahulog, di ko namalayang kinukuha niya rin pala. Kaya….

“Araaaaaaaaaaaaaaaaaay!”

“Sorry ..Sorry!”

“You ruined my day! Leche! Lumayas ka nga dyan sa tabi ko!”

“Ui Miss, Sorry na!”

“Mamatay ka na!”

=___________________________-=

I shall die.

Sorry na!

Mamatay ka na?

Mamatay ka na?

Mamatay ka na?

Ba’t parang narinig ko na yun?

Mom calling

“Randz, ano kamusta enrolment?”

“Okay na Mom, enrolled na ako.”

The Broken PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon