001

165 41 2
                                    

IKA PIRMI
Katha ni: Leaf Manunulat

Ikaw ang tanging palaasar,Sapagkat ako'y laging pikon,Sa mga araw na hirap na akong bumangon,Ikaw ang naging sandalan upang umahon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ikaw ang tanging palaasar,
Sapagkat ako'y laging pikon,
Sa mga araw na hirap na akong bumangon,
Ikaw ang naging sandalan upang umahon...

Saya... Binubuo ng apat na letra,
Aking nadarama, tuwing tayo ay magkasama,
Saya na sa'yo ko lang nadama,
Saya na ayoko nang matapos pa tuwing kasama kita...

Ikaw ang aking sandalan,
Sa tawanan o sa iyakan man,
Siyang yumayakap sa'kin,
At ang tanging nagpapatahan...

Ika'y laging nariyan upang ako ay damayan,
Laging iunuusal sa akin na "ayos lang 'yan",
"Kaya mo 'yan", "Laban lang!",
Siyang aking taga-hanga at taga-suporta...

Ikaw ang aking pahinga,
Sa mundong mapanghusga,
Ikaw ang siyang komikero,
Sa mga araw na gusto ko nang sumuko...

Salamat dahil tinaggap mo ako ng buo,
Sa kabila ng nakaraan ko,
Sa kabila ng ganitong ugali ko,
Salamat kasi nakilala ko ang isang tulad mo...

Marhay kang kaiba,
Uya man lang ako pirmi para sumuporta,
Kung sain ka maugma... Tanggap ta ka...
Daing ibang mumuyaon kundi ika.

• Plagiarism is a crime.
• Filipino and Bicol Language
• Photo not mine. Cttro.

WHISPERS IN MY SAFE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon